Chapter 48: Really Unsual

68 4 1
                                    



Karl

Nakapag-decide na akong magsabi ng totoo kay Elian. Tama naman kasi ang mga kaibigan ko. Hindi dapat ako naging cold sa kanya nang dahil lang sa hindi ko nagustuhan ang sagot niya. Hindi ko nga naman alam kung ano ang reason ni Elian at nasabi niyang hanggang magkaibigan lang kami. Naisip kong baka nasabi niya lang iyon dahil hindi pa siya nakaka-move on kay Luke. P'wede ko naman siyang tulungan mag-move on kung gugustuhin niya, eh. I want to take all the pain from her. Not only pain that Luke has caused to her, but also the pain caused by other people.

Nagpalipas lang ako ng ilang araw para mag-come up sa maayos na approach kay Elian. Sabi nila Froi, mukhang cool pa rin naman kami ni Elian. Ako lang talaga ang nag-inarte. Oo, aminado na akong nag-inarte ako. Hindi kasi ako makapaniwalang parang ni-reject niya ako. Sa buong buhay ko, wala pang nang-reject sa akin. Para bang ang laking sampal sa akin no'ng hanggang magkaibigan lang kami. Hindi ako makakapayag. Hindi niya ako mapipigilan.

Ang unang bagay na gagawin ko ay mag-provide ng bagong phone para kay Elian. Hindi ko na kaya na magtiis na hindi ko man lang siya natatanong kung nasa bahay na ba siya? Kumain na ba siya? Okay lang ba siya? Tangina. Kung ito nga 'yung sinasabi nilang pag-ibig, oo na, umiibig na kung umiibig. I can't be with her all the time. The least I can do is give her a phone without her knowing it was from me. Si Amy na lang ang kakausapin ko tungkol do'n. Alam ko namang susuportahan niya ako para sa kaibigan niya.

Nakapagpabili na ako kay Mommy ng phone. Buti na lang at 'yung latest ang binili niya kahit wala akong sinabing brand or unit. Sinabi ko kasi sa kanya na nasira 'yung phone ni Elian during the incident kaya natuwa na rin si Mommy na ibili siya ng phone. Pero, syempre, binayaran ko pa rin iyon dahil kung hindi ko babayaran, ang lalabas ay kay Mommy galing.

Inalam ko ang schedule ni Elian para sa linggong ito. Syempre, sino ba pa ang magiging source ko? Eh, 'di si Lenard na napakabait. Buti nga't binigay niya sa akin ang schedule ni Elian nang hindi ko dinadaan sa dahas. Tinulungan na rin kasi ako ni Josef na pakiusapan ang kaibigan niya. Hindi kasi posted ang schedule nila Elian dahil graduating na nga sila kaya kung gustuhin ko mang hanapin sa building nila, hindi ko rin mahahanap.

Na-PM ko na rin si Amy na magkita kami ngayon para makapag-usap kami kung paano ang gagawin namin para tanggapin ni Elian ang phone. Siya lang ang alam kong mas nakakakilala kay Elian. Hindi ko rin naman kasi ka-close 'yung mga high school friends niya. At least, si Amy kilala ako at kilala ko siya. May tiwala ako sa kanya at alam kong may tiwala rin siya sa akin.

Ngayon, hinihintay ko na lang ang pagdating ni Amy dito sa parking area. Sinabi ko na lang na magpaalam na lang sandali sa kaibigan niya na magsi-CR lang siya. Wala kasi akong klase ngayon kaya ito lang talaga ang ipinunta ko. Gustuhin ko mang makita si Elian, magtitiis ako. Baka kasi magkaroon pa siya nang idea kapag nakita niya ako ngayon. Kanina pa ako nandito, pero wala pa ring text si Amy. Binigay ko na rin kasi sa kanya ang number ko para ma-contact niya ako.

Nang makita ko nang naglalakad papalapit sa kotse ko si Amy, bumaba na kaagad ako. Patingin-tingin pa siya sa paligid. Tinitingnan niya siguro kung nasa paligid ang kaibigan niya. Hindi naman siguro maiisip na sundan ni Elian si Amy para lang malaman kung saan talaga siya pupunta.

"Sorry, ha. Si Elian kasi, eh," reklamo niya nang makalapit siya sa akin.

"At talagang siya pa ang sinisi mo, ha," nakangiting sagot ko.

Love Hate: Keep Loving MeWhere stories live. Discover now