Chapter 26: You're Special

76 5 1
                                    


Karl

"Sigurado kang kaya mo nang mag-isa?" paulit-ulit na tanong sa akin ni Cheska.

"Oo nga. At saka, hindi na ako kailangan pang hintayin ng driver dahil alam kong baka umagahin na ako do'n. Stop worrying about me, okay?" paulit-ulit na sagot ko rin.

"The more you say that, the more we'll worry. Gusto lang naming makasiguradong magiging okay ka kahit mag-isa ka lang do'n. You know. It's a different situation and surrounding."

Napahinto ako sa ginagawa ko dahil sa kakulitan nitong kapatid ko. "That's why I need to go alone. To learn that different thing you're talking about. At saka, kung p'wede ko naman kayong isama, isasama ko kayo. Nagkataon lang talaga na private event iyon," paliwanag ko pa. Kanina niya pa kasi pinipilit na isama ko sila sa pupuntahan ko at kanina pa rin ako nagpapaliwanag na hindi p'wede.

Napahinga siya nang malalim na para bang na-realize na niyang wala na siyang magagawa. "Okay. Just let me put your necktie properly. Kasi naman, eh. Uso pa ba ang naka-suit kapag tumutugtog? Ang classic masyado," sabi niya habang sinusuot sa akin ang necktie ko.

"I love classic," nakangiting sagot ko. "When was the last time you put my necktie on?"

"There wasn't the last time because this is the first."

"I know." Alam ko naman kasi na ito ang unang beses na ginawa niya sa akin ito. Sa totoo lang, ngayon ko nga lang naramdaman ang pagiging magkapatid namin. Kung ganito rin pala ang mangyayari, sana nagpaputol na ako ng paa noon pa man. Joke.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, pinalagay ko na sa driver ang mga gamit na kailan ko at saka ako nagpaalam kay Cheska. Wala kasi sila Daddy. Nag-dinner date sila ni Mommy. They felt sorry for not being here. Alam nilang importante ang gabing ito para sa akin, pero hindi ko naman sila masisisi dahil kung may date sila at hindi nila itutuloy nang dahil lang sa akin, baka ako pa ang magtampo sa kanila. Hindi nila p'wedeng i-cancel ang mga plano nila para sa akin.

Sa isang school gagawin ang event kaya do'n na ako nagpahatid imbis na dumaan pa sa studio. Bago umalis sila Daddy ay binilinan niya ang driver niya na ipag-drive ang mga kasama ko papunta sa event. Si Daddy na rin ang nag-provide ng instruments namin. Hindi na ako nakapalag dahil nagawa na niya bago pa siya nagsabi sa akin. Kung ako na-disappoint sa ginawa ng Daddy ko, ang mga bandmate ko naman ay natuwa dahil pagkatapos ng event ay sa kanila na lahat ng gamit.

Hawak-hawak ko lang ang phone ko hanggang sa huminto na ang kotse. Kanina pa lumilipad ang isip ko kaya hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa event's place. Kinuha ko muna ang gamit ko at saka ako bumaba ng kotse. Bumaba rin ang driver ko dahil alam niyang may sasabihin ako sa kanya.

"Don't wait for me. Maiinip ka lang. Umuwi ka muna sa inyo. Don't tell them about this, okay? Sa isang hotel na lang ako mag-i-stay," pagbibilin ko.

"Pero, Sir, sinabi po ng Daddy niyo na hintayin ko kayo kahit gaano pa katagal."

Ang inconsiderate talaga ni Daddy pagdating sa mga ganitong sitwasyon. Hindi niya ba naisip na matagal maghihintay ang driver? Baka mamaya aantok-antok pa si Manong kapag pinag-drive niya ako pauwi. Mas lalo pa akong mapapahamak kapag nagkataon.

"Sa ngayon, ako po muna ang sundin ninyo. Trust me, mas okay 'yung ganitong set-up. Don't worry, I'll be fine by myself. Kung may mangyayari man sa akin, pero sana wala, labas ka na do'n."

Love Hate: Keep Loving MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon