Chapter 17: Hi

72 4 0
                                    

Chapter 17:

Karl

Naging madali ang first and second quarter dahil late na dumating ang Two Jans. Hindi ko alam kung saang bakasyunan na naman sila galing, pero kanina ko pa ipinagdarasal na sana ay hindi na sila dumating para naman hindi ko na kailangan pang mapagod nang sobra para lang maipanalo ang game na 'to. Too bad, hindi dininig ni God ang panalangin ko. Ang dami ko na raw kasing kasalanan.

Puro time-out ang nangyari bago matapos ang third-quarter dahil naglaro na nga ang Two Jans. Lumamang na rin ang Hot Shots. Parang kanina lang ay tambak na sila, pero parang may dumaan lang na hangin, nakabawi na kaagad sila. Ano ba'ng mayro'n sa mga Klein na 'yan at ang gagaling nila? Hindi ko naman sinasabi na hindi talaga namin sila kaya. Kaya lang, parang kami lang kasi ni Josef ang nagsasalba sa team. Hindi pa namin madikitan ang Two Jans dahil mukhang sinasadya nilang 'wag kaming lapitan kapag nasa court na. Iyon siguro ang strategy nila.

"Galing na naman pala sa bakasyon ang Two Jans," hinihingal na sabi ni Josef habang naglalakad kami papunta sa bleacher dahil tumawag ng time-out ang kabilang team.

"Huh? How did you know?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko kasi alam kung paano pa siya nakasagap ng chismis habang naglalaro. Magaling talaga siyang mag-multitask.

"Narinig ko." Sabay punas niya ng pawis na tumutulo sa leeg niya. "Nagkukwentuhan lang silang dalawa habang naglalaro, eh."

"Ano?" gulat na sabi ko.

"Oo nga. Pero, 'wag kang mag-alala. May energy pa naman ako. Alam kong kakayanin natin sila. Siguro nga, mabilis silang dalawa, pero mas magaling tayong dumiskarte." Tinapik niya ako sa balikat. "Ikaw kaya ang captain namin. 'Wag kang ma-tense kasi mas lalo kaming mate-tense," sabi niya.

"Hindi ako nate-tense," sagot ko.

"Okay. Sabi mo, eh." At natawa pa siya na parang hindi siya naniniwala sa akin. "Let's make a deal, then."

"Deal?"

"Deal," ulit pa niya. "Kapag nanalo tayo, magpapakilala ka na kay Elian. Ang creepy kasi ng moves mo, eh. 'Yung totoo? Crush mo ba siya?"

"Hindi, ha," mabilis na sagot ko. "Parang gusto ko lang makipagkaibigan. Saka, ang cute niya kasing pag-trip-an." Medyo natawa na rin ako sa sinabi ko.

"Ano? Deal?" tanong niya.

"Okay. Deal."

Hindi na kami nakapag-usap pa ni Josef dahil kailangan na naming magseryoso sa paglalaro. Matatapos na ang fourth-quarter. Medyo nakabawi na kami. Nakakagalaw na rin ang ibang teammates namin dahil nagalit na si Coach. Pakiramdam kasi ni Coach ay pare-pareho kaming lutang, pero alam ko namang hindi kami kasali ni Josef sa mga lutang na iyon. Nilahat lang ni Coach para hindi isipin ng iba na may kinikilingan siya. Kahit obvious namang mayroon.

Habang tumatagal ang laro namin, ay mas lalong gumugulo sa court. Naiba ang galaw ng Hot Shots kaya hindi na rin nasunod ang strategy namin. Team naman namin ang tumawag ng time-out. This time, dikit naman nang dikit ang Two Jans sa aming dalawa ni Josef. Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa iyon, as if iyon ang alas nila para matalo kami. Nag-usap na lang kami ni Josef na siya na ang bahalang pumuntos, ako na ang magbabantay dahil mas kaya kong bantayan ang Two Jans. Mas malaki ako sa kanila. Kung kailangang idaan sa edad ang laro, gagawin ko. Manalo lang.

Halos bumilis na ang oras nang makabalik kami sa court. Sa umpisa ay gumana ang strategy namin ni Josef, pero tumitindi ang dipensa ng Hot Shots. Nagtitinginan na lang kaming dalawa ni Josef para makapag-improvise. Wala na kasing time kung tatawag pa ng time-out ang team namin. Kaunti na lang naman ay maipapanalo na namin itong game.

Love Hate: Keep Loving MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon