Chapter 29: Reckless

76 4 0
                                    


Elian

"Good morning!" pagbati sa akin ni Anton.

"Ano'ng good sa morning?" nakasimangot kong sagot. "Ang sakit ng ulo ko."

"Inom pa kasi, ha," pang-aasar pa niya. "Pasalamat ka nag-text si Tita na 'wag ka na munang umuwi kasi delikado na sa daan. Buti na lang at pumayag si Miko na mag-sleepover tayo dito sa kanila."

"Wow. Parang lagi akong nalalasing. First time nga yata 'to. Ang sakit talaga ng ulo ko. Nakakaiyak," reklamo ko pa.

Hindi naman ito ang unang beses na hindi ako pinauwi ni Mama. Alam niya kasi na mas safe akong mag-stay sa bahay ng kaibigan ko kaysa umuwi ng gabing-gabi. At saka, kilala naman niya ang mga kasama ko. May tiwala naman siya sa mga ugok na 'to.

"Nag-basketball kayo?" tanong ko kay Troy na nakahiga pa rin sa tabi ko.

"Sila lang," mahinang sagot niya dahil mahina nga ang boses niya.

Tiningnan ko si Anton. "So, wala pa kayong tulog?" tanong ko pa. "Ang titibay niyo talaga." Hindi ko kasi kaya ang hindi natutulog, lalo na kung pagod na pagod ako. Ikamamatay ko.

"Uy. Bumangon na kayo. Baka gumising na Mommy ni Miko. Nakakahiya," sabi ni Anton sa iba pa naming kaibigang nakahilata.

Pare-pareho kaming bangag habang inaayos ang pinagtulugan namin, I mean, pinagtulugan ko. Nakakahiya naman kasi sa Mommy ni Miko. Hindi naman nagtagal ay nagising na ang buong pamilya ni Miko at ngiti naman ang sinalubong namin sa kanila para hindi sila ma-bad trip. Kaagad namang nagpabili ng almusal ang Daddy ni Miko. At pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na rin kami dahil kailangan na rin naming umuwi sa kanya-kanyang bahay.

Hinatid na ako nila Anton hanggang sa gate namin dahil kailangan na rin nilang umuwi. Hindi ko na sila pinapasok pa sa loob ng bahay dahil baka tulog pa ang pamilya ko. Ang hilig pa namang tahulan ng mga aso sa amin 'yung mga kaibigan kong parang first time nila laging makita.

Napansin kong nakabukas na kaagad ang pinto ng bahay namin kaya pumasok na ako para tingnan kung sino na ang gising. Madalas kasi na magising nang maaga ang Ate ko kaysa kay Mama, pero imposibleng magbukas siya kaagad ng pinto. Pagkapasok ko ay sinalubong ako ni Mama.

"Ang aga mo namang umuwi," sabi niya. "Hinatid ka ba nila Anton?"

"Opo. Hindi ko na sila pinapasok. Wala pa ring tulog 'yung mga 'yon, eh," sagot ko. "Sige, Ma. Kulang pa rin ako sa tulog, eh. Babawi lang ako sa sariling kama ko."

"Sige. Sige. Maaga pa naman."

Dumiretso na ako sa kwarto at walang anu-anong umakyat sa kama ko. Muntik na akong madulas nang may nakita akong nakahiga sa kama ko. Alam nila Mama na hindi ako nagpapatulog ng iba sa kama ko dahil masyado akong OC. Hindi nga ako sanay nang may katabing matulog, eh. Puwera na lang kung kailangang-kailangan.

"Sino 'to?" inis na tanong ko, sabay hatak ko ng kumot ko.

"Ano ba?" inaantok na tanong ni Amy.

"Bakit ka nandito? Kailan ka pa nandito?" tanong ko pa.

"Kanina lang. Inaantok pa ako kaya sinabi ko kay Tita na makikihiga lang ako sandali."

"Umalis ka nga d'yan. Baka tinuluan mo pa ng laway 'yang unan at kumot ko."

Bumangon na siya. "Ikaw, ang arte mo. Hindi naman bagay sayo," nakasimangot na sagot niya. "Bakit kasi ngayon ka lang? Ang aga kong nagpunta dito kasi akala ko mabubwisit kita."

Love Hate: Keep Loving MeWhere stories live. Discover now