Chapter 27: Who's This?

61 3 0
                                    


Elian

Hindi ko inaasahang magiging masaya ang reunion. So far, hindi pa ako naiinip dahil puro kwentuhan pa ang nangyayari. Ako kasi ang president ng section namin noon kaya imposibleng ako pa ang ma-OP. Wala lang talaga ako sa mood para bumangka nang bumangka sa kwentuhan. Parang mas trip kong makinig na lang sa kanya-kanyang kwento nila.

Hindi na nga dapat ako pupunta, pero nahiya na lang ako sa mga umaya sa akin. Ayaw ko naman na isipin nilang dahil lang sa maliit na bagay ang ipagpapalit ko ang pagpunta ko sa reunion namin. Malamang naman kasi na alam na ng buong batch namin ang tungkol kay Luke at sa girlfriend niya. Sino bang hindi makakasagap ng balita kung tungkol sa kanya? Eh, sikat kaya siya sa school namin no'n. Buti na nga lang at hindi nagsasalita itong mga kaibigan ko. Alam naman kasi nila ang magiging reaksyon ko. Alam nilang masisira ang gabi ko kapag nagbanggit pa sila.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano dahil wala si Luke. Hindi ko alam kung pupunta ba siya o hindi dahil wala rin namang balita ang mga kaibigan namin. Simula no'ng napalapit na siya sa mga college friends niya, bihira na siyang sumama sa amin. Siguro umiiwas siya dahil sa nangyari sa amin. Sinabi ko naman na sa kanya no'ng birthday ko na p'wede naman naming ibalik 'yung dati naming relasyon kahit na alam kong medyo akward na. Pero, mukhang mahihirapan na akong harapin siya ulit. Ngayong may girlfriend na siya? Hindi ko yata kayang makipag-plastic-an.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Troy, sabay upo niya sa tabi ko. Si Troy ang pinakatahimik na kaklase namin. Literal na tahimik dahil napakahina niyang magsalita. Lumakas naman na siyang magsalita no'ng nag-college na. Isa rin siya sa mga naaasahan kong kaibigan. Bukod kay Anton, umamin din siyang may gusto siya sa akin, noon, dahil may girlfriend na siya ngayon. Hindi naman sa pagmamayabang, pero ilan sa mga kaibigan kong lalaki ay nagkagusto sa akin kaya lang hindi na talaga nagkaroon ng chance. Dahil unang-una, hindi nga ako nagbo-boyfriend ng kaklase or schoolmate ko at pangalawa, natuto na ako sa nangyari sa amin ni Luke. Ayaw kong mabawasan pa ang mga kaibigan kong lalaki dahil lahat sila ay mahalaga sa akin.

"Okay lang," nakangiting sagot ko naman.

"Napansin ko kasing panay tango ka lang d'yan."

"Wala naman kasi akong ikukwento. Ang dalas-dalas na nating magkakasama, 'di ba? Lagi nga kayong nasa bahay, eh. Kulang na nga lang, abutan na kayo ng pagsikat ng araw sa bahay namin," pagbibiro ko pa. Alam ko namang napapansin niya ang nangyayari sa akin ngayon.

"Mag-enjoy ka lang. Sayang naman ang ipinunta mo dito kung iisipin mo pa 'yun."

"'Yung ano?" Kunwari hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

"Ako pa talaga ang niloko mo. Sa sampung kaklase natin na nakakaalam ng tungkol sa inyo ni Luke, labing-isa ang may alam na may girlfriend na siya at hindi ikaw iyon."

Tahimik nga siya, pero kapag nagsalita naman, ang harsh. "Bakit? Tinatanggi ko ba?" Sabay tawa ko pa. "Hindi ko naman iniisip 'yun, eh. Pinaalala mo lang. Kasa—"

Nagtaka ako nang biglang napunta sa iba ang atensyon niya habang nagsasalita ako. Tiningnan ko kung saan siya nakatingin at bigla na lang kumirot ang puso ko. Dumating si Luke at kasama niya ang girlfriend niya. Ayaw ko silang tingnan, pero masyado akong mahahalatang umiiwas dahil halos lahat ng kaklase namin ay sa kanila natuon ang atensyon. Gusto kong maging makasarili at sabihin sa kanila na ako lang ang tingnan nila at 'wag si Luke. Ito ang kinakatakot ko. Ano na ang magiging tingin sa akin ng mga tao dito? Maaawa sila sa akin kasi hindi ako ang kasama ni Luke?

Love Hate: Keep Loving MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon