Chapter 23: Feeling Happy

77 5 0
                                    


Elian

"Akala ko ba you'll shut up?" Hindi ako galit, ha. Ayaw ko lang kasing isipin niya na kailangan naming magpakaseryoso. Gusto ko lang naman talagang magkwento. Malamang naman na halos lahat ng gusto niyang i-advice sa akin ay nasabi na ng mga kaibigan ko.

Gaya nga no'ng sinabi niyang baka hindi naman ako nagkulang. Nasabi na sa akin ni Amy iyon. Na baka wala naman talaga sa akin ang problema at na kay Luke. Siguro nga, pero bakit sa tuwing gumagawa ako ng way para makapag-usap kami ay hindi siya sumasagot. Gano'n na lang ba 'yon? Sa loob ng halos three years, isa lang naman ang hiningi ko sa kanya, assurance o closure. Mahirap bang ibigay iyon? Hindi ba ma-gets ni Luke na kailangan ko ang sagot niya para alam ko kung saan ako lulugar?

"Sorry. Hindi ko kasi ma-gets kung bakit ka ginan'yan ni guy. I don't think you deserve to be treated that way," sagot niya.

"Nasabi na 'yan sa akin ng mga kaibigan ko. Lahat na yata ng klase ng payo ay nagawa na nila sa akin. Pero, hindi naman kasi ako humihingi ng advice sayo. Gusto ko lang talagang magkwento kasi nahihirapan ako sa tuwing naaalala ko siya at wala akong masabihan kasi sa tingin ko ay sawang-sawa na sa kwento ko ang mga kaibigan ko. Kung may gusto kang i-advice sa akin, hindi naman ako papalag." Baka kasi may masabi siyang hindi ko pa naririnig. "And his name is Luke. The guy we're talking about is Luke. Hindi ko na ibibigay ang surname. Baka i-search mo sa Facebook at saka awayin."

"You know I'll never do that."

"Naninigurado lang." Kaya ayaw kong kumakain ng chocolate sa gabi, eh. Hindi ako makatulog at tumataas talaga ang energy ko. Nahihiya na tuloy ako kay Prince kasi ang daldal ko. "Ang daldal ko talaga, 'no?" tanong ko pa kahit alam ko naman ang sagot.

"Sakto lang. Ayos nga, eh. Hindi boring."

"Ikaw ba naman ang kwentuhan nang may love life nang may love life, eh. 'Wag kang mag-alala, isang beses ko lang ikukwento sayo ang karanasan ko sa pag-ibig para hindi ka magsawa."

"Bakit hindi mo ituloy ang kwento mo? I'm still willing to listen."

"Hindi ka pa ba inaantok?" Kasi medyo matagal na rin kaming magkausap. Napatingin ako sa wallclock namin. Alas-dos na ng madaling-araw. "Grabe. Gaano katagal na ba tayo magkausap? Hindi ko namalayan ang oras," sabi ko.

"Sandali pa lang tayo nagkakausap. It just happened na late ka na tumawag," sagot naman niya.

"Late ka na nag-text, eh." Kung nag-text siya kaagad baka tinawagan ko na siya no'ng pagkakain ko palang ng chocolates. Kanina pa kasi ako walang kausap, eh.

Narinig ko ang pagtawa niya. "Stop saying those kind of words. I might think you're really flirting with me," sabi niya.

"Hindi, ha. Joke lang. Ito naman hindi mabiro. Baka sabihin mo, ang landi-landi ko." Ang hard ng term ko. Landi talaga ang ginamit kong word. "Nasanay kasi ako sa mga lalaki kong kaibigan, eh. One-of-the-boys kasi ako." Okay. Wala siyang pakialam at hindi niya tinanong.

"So, one of those boys is Luke?" biglang tanong niya.

Medyo nag-alangan pa ako kung sasagutin ko ang tanong niya. "Oo nga. Friends nga kami, 'di ba? Iyon ang nagpakomplikado. Alam mo na. Si girl na in-love kay guy friend, naapektuhan ang friendship. Hindi ko naman sinadyang ma-in-love sa kanya. Sa katunayan nga, never pa akong nagkaroon ng boyfriend na schoolmate ko. Ay, mayro'n pala, 'yung first boyfriend ko. 'Wag mo nang tanungin kung kailan ako unang nagka-boyfriend." Baka kasi hindi siya makapaniwala kapag nalaman niya. Baka ma-judge pa niya ako. Joke. "Anyways, itago na lang natin si first boyfriend sa pangalang P. Nagsimula rin kami sa pagiging magkaibigan. It happened na may gusto sa akin ang friend niya, na friend ko rin naman, and siya ang naging tulay, pero hindi naging kami no'ng nilalakad niya sa akin dahil umamin siyang may gusto na siya sa akin at nagkagusto na rin ako sa kanya. Naging kami at nag-break din kaagad. After ng break up, matagal kaming hindi nagkausap. As in sobrang tagal. Kaya parang na-trauma na ako. Hinayaan ko na lang na maging kaibigan na lang ang mga lalaking malapit sa akin. Then, Luke happened. Wala, eh. Late na nang ma-realize kong mali," kwento ko.

Love Hate: Keep Loving MeWhere stories live. Discover now