Chapter 25: Break-A-Leg

101 4 0
                                    


Elian

"Ang dami mo pang sinabi, pupunta ka rin pala," sabi ni Amy.

Nasabi ko na kasi sa kanya na pupunta na ako sa reunion namin. Wala naman akong reason para hindi magpunta. Siguro nga, tama si Prince na baka natatakot akong makita ulit si Luke. Natatakot ako na baka hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Akala mo 'yun. Sa loob ng halos tatlong taon, nagmahal ako ng isang lalaking kahit kailan ay hindi magiging akin. Ang tibay ko rin, eh. Kaya minsan, tinatanggap ko na lang ang sinasabi ng mga kaibigan ko na tanga ako.

"Sorry naman. Pinag-isipan ko namang mabuti 'yun. Sayang din kasi, eh. Bihira na akong makakagala pagka-graduate dahil kailangan nang maghanap ng trabaho," sagot ko naman. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan ko pang magpaliwanag kay Amy, eh.

"Hanap ng trabaho kaagad? Hindi ba p'wedeng love life muna?"

"Hindi naman ako magkakapera sa pag-ibig na 'yan. Unless, hahanap ako ng isang sugar daddy." At sabay kaming tumawa. "Hindi ko priority ang pag-ibig na 'yan."

Nagtaka ako nang biglang natahimik si Amy. "Naririnig mo ba ang naririnig ko?" tanong niya at umiling ako kasi hindi ko naman talaga naririnig ang naririnig niya. "Sha, pakilakasan nga 'yang tugtugan mo. Favorite ni Elian 'yan, eh," sabi niya sa isang kaklase namin.

Pinanood namin si Sha habang kinakalikot niya ang phone niya. Narinig ko na lang ang malakas ng pagtugtog ng Someday by Nina. Grabe. Hindi ko naman favorite ang kantang iyon. Sadyang iyon lang ang pinapakinggan ko no'ng mga panahong nagdadrama ako dahil kay Luke. Ang lakas kasing maka-emo ng kantang iyon. Sapul na sapul, pero hanggang pakikinig lang ang tanging nagagawa ko sa kantang iyon. Siguro ngayon, mangyayari na ang message ng kanta.

"Someday, someone's gonna love me," pagsabay ni Amy sa kanta. "Ang ganda talaga ng kantang 'yan. Na-LSS din ako d'yan dahil sayo, eh. Saka 'yung kantang may lyrics na, "Stuck in this illusion called us"."

"Alam mo, Amy? Ikaw ang reason kung bakit hindi pa ako nakaka-move on, eh. Paalala ka nang paalala. Kapag ikaw nagka-love life at nasaktan, humanda ka," pagbabanta ko.

"Naks. Inamin na niyang hindi pa siya nakaka-move on. So, kailan ka mag-mu-move on? Kapag may girlfriend na si Luke?"

"Oo. Sige na. Tama ka na." Hindi naman kasi siya maniniwala kahit pa sabihin kong naka-move on na ako. Pati ba naman ang sarili ko ay lolokohin ko pa? "Sa totoo lang, Amy, iyon nga ang hinhintay ko, eh. Ang magka-girlfriend ka. At least, alam kong wala na akong pag-asa. I mean, hindi ko na kailangan pang maghintay sa sagot niya. Siguro kapag nagka-girlfriend siya, iyon na ang pinaka-closure namin. Kasi hihintayin ko pa bang sagutin niya ang mga tanong ko kung nakikita ko namang may iba na siya? Sino lang ang gagaguhin ko? Sarili ko? Sarili ko na naman?"

"Ang drama mo na naman, friend. Hindi ka na naman nag-almusal, 'no?" biro niya. "Magseseryoso na nga ako. Hindi pa ba sapat 'yung sakit na naramdaman mo no'ng mga panahong hindi siya nagpaparamdam? Bakit parang gusto mo pang masaktan lalo at hinihiling mo pang magka-girlfriend na siya? Ang brutal mo rin sa sarili mo, eh."

"Mas okay nang masaktan kaysa umasa nang umasa. At saka, kapag nalaman kong may girlfriend na siya, isang sakitan na lang 'yun kasi alam kong last na iyon. Binigay ko na ang lahat at iba ang pinili niya. Kilala mo naman ako, Amy. Kung saan sasaya si Luke, do'n din ako. If he finally falls in love with somebody who he truly loves, I'd be happy for him."

Love Hate: Keep Loving MeWhere stories live. Discover now