Chapter 7: Stop Thinking

99 5 2
                                    


Karl

I hold onto my sister's arm as I pulled over the car. Buti na lang at hindi gaanong traffic kaya nakahanap ako kaagad ng p'wedeng pag-parking-an. Hindi pa rin kasi tumitigil sa pag-iyak ang kapatid ko. Ayaw kong mag-drive habang may kasama akong nagda-drama. May trauma na ako sa mga gano'n. Mas okay nang mag-stay na lang muna kami sa isang tabi habang hindi pa siya kumakalma. Ni hindi ko nga alam kung paano ko siya papakalmahin. Ayaw ko namang tawagan ko i-text si Josef para sabihin kung ano ang nangyayari sa kapatid ko.

"I hate it," biglang sabi ni Cheska habang umiiyak siya.

Bigla naman akong nagtaka. "What?" Parang 'it' kasi ang dinig ko at hindi 'him'.

"I hate it, Karl," sabi niya ulit, pero lalo pa akong nagtaka. "Nakakainis dahil ngayon ko lang naramdaman 'to."

"Huh? Ang alin?" Napapaisip na tuloy ako kung may masakit ba sa kanya o ano. "Tell me. What is it?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin na para bang sa akin siya galit. "The thought of losing him. Karl. I hate having the thought of losing him. This is the first time that I've felt this way."

"Bakit mo naman nasabi 'yan? Muntik na ba siyang mawala sayo?" Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong itanong sa kanya o sabihin. Inosente ako sa love. Inosenteng-inosente.

Inirapan niya lang. "Bakit ba kasi ikaw ang kinakausap ko?" mataray na tanong niya. "Dalhin mo na lang ako kila Millicent. Sa kanya na lang ako magsasabi ng problema. Tutal, wala ka namang kwenta."

"Ouch. Ang sakit no'n, ha." Napahawak pa ako kunwari sa dibdib ko. "Ayaw mo kasing linawin. Paano ko maiintindihan?" seryosong tanong ko naman. Ayaw ko na laging iniisip ni Cheska na wala akong kwenta. Ayaw kong isipin niya na wala akong pakialam sa feelings niya. Gusto kong malaman niya na nandito lang ako lagi para sa kanya.

"If it wasn't for that stupid girl," bulong niya.

"Girl?" nagtatakang tanong ko.

"Oo. 'Yung babaeng binanggit ni Lenard."

Shit. Si Elian. "Oh. Ano namang mayroon sa kanya? May something daw ba 'yung babaeng 'yon at si Josef? Babasagin ko ang mukha ni Josef kung oo." Syempre, kunwari hindi ko pa alam ang kwento. Baka mamaya sabihin pa ni Cheska na alam ko naman na pala, bakit pa ako nagtatanong.

"Ang swerte no'ng babaeng 'yon dahil nagpaliwanag na sa akin si Josef. Naging paranoid lang pala ako. Minsan talaga wala sa lugar itong pagiging selosa ko, eh."

Buti alam mo. Hindi ko na lang masabi ng malakas dahil baka benggahin pa niya ako dito sa sasakyan. At saka alam kong wala siya sa mood kaya baka sa akin pa niya maibuntong ang galit niya ngayon. "Nagpaliwanag naman na pala si Josef, eh. Ano pa ang iniinarte mo ngayon?" Napakaarte kasi.

"Hindi ako nag-iinarte dahil kay Josef. Nag-iinarte ako dahil sa sarili ko." Inirapan na naman niya ako. "No'ng hindi ko pa naririnig ang explanation ni Josef, akala ko may iba na talaga siya. Nasaktan ako, Karl. Parang may sumaksak sa puso ko. Literal na sumaksak. Ang sakit. Iyon ang unang beses na nasaktan ako ng gano'n. That's why I've said earlier that I hate the thought of losing him. Ayaw ko na ulit maramdaman iyon. Selfish na kung selfish, pero ayaw kong nai-involve sa ibang babae ang boyfriend ko. I love him so much and he belongs to me as I belong to him."

I'm speechless. Dalaga na talaga itong kapatid ko at sanay na talagang magmahal. Wala akong masabi sa dami ng sinabi niya. Hinatak ko na lang siya para yakapin. Hindi naman siya pumalag at naramdaman kong sa pagyakap kong iyon ay napakalma ko na siya. Minsan talaga hindi kailangang magsalita ng isang tao para masabing may pakialam.

Love Hate: Keep Loving MeWhere stories live. Discover now