Chapter 38: Starting Point

64 5 0
                                    



Elian

"Ano?" nagtatakang tanong ko kay Karl dahil hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya. Epal kasi 'yung dirver ng kotse. Businahan daw ba kami ng pagkalakas-lakas.

"Anong ano?" tanong niya rin. "You heard me, right?"

"No. I didn't." Heto't napapa-English na naman ako dahil sa nilalang na 'to. "Ano ba 'yung sinabi mo? Patay lang kasi ang medyo nabasa ko sa bibig mo."

Lumayo na sa akin si Karl at nagmartsa siya papunta sa kotseng muntik nang makasagasa sa amin. Hindi naman kasi ako dapat mahihinto sa gitna ng daan kung hindi ako tinawag ni Karl. Alam kong may parating na sasakyan, pero nagulat kasi ako sa biglang pagtawag niya sa akin. Nakita kong kinatok niya ang driver. Hindi naman bumaba ang driver ng kotse. Binaba niya lang ang bintana para magkaharap silang dalawa ni Karl.

"Get out of the car," mahinahong sabi ni Karl sa driver, pero hindi pa rin bumaba ito. "I said get out!" Lumakas na ang boses niya.

"Hala ka," bulong ko. Mahilig sigurong gumawa ng eskandalo itong si Karl. Maliit na bagay ay pinapalaki pa. Wala namang nangyaring masama sa amin. Nadala lang siguro siya ng panic dahil sa nangyari.

"Say sorry to her," rinig kong sabi ni Karl nang lumabas na ang driver ng kotse.

"Kayo kaya 'yung nakaharang sa daan," dipensa no'ng driver.

"What? So, hindi ka mag-so-sorry? Okay. Madali naman akong kausap, eh. What's your name? Ano ang course mo at anong year ka na?" Sa boses palang ni Karl ay halatang nananakot na siya. "Answer me."

"Karl," pagtawag ko. "Hayaan mo na siya. Wala namang nangyaring masama, 'di ba?" Sana ba kung nasaktan siya o ako. Syempre, kung ako ang nasaktan, baka sinapak ko pa 'yung driver. Nakakatakot na kaya ang mga nangyayari sa akin. Baka talagang sign na 'to kung ano ang magiging dahilan ng pagkamatay ko. Knock on woods.

"What if there is?" pagmamatigas pa niya habang nakatingin sa akin. Ibinalik niya ang atensyon niya sa driver. "Sorry lang hindi mo pa masabi?"

"Pasensya na," mahinang sagot naman ng driver dahil nawalan na siya ng choice.

Nilapitan ko 'yung driver, na alam kong estudyante lang din naman dito sa St. Claire. "Sorry, ha. Natapat lang siguro na wala siya sa mood," sabi ko. "Sige na. P'wede ka nang umalis. Hindi na kami haharang sa daan." Walang halong pagka-sarcastic 'yon, ha. Wala talaga.

Hinintay kong makaalis nang matiwasay 'yung lalaki, bago ko hinarap si Karl. Muntik na akong matawa nang makita ko ang itsura niya. Para siyang isang bata na pinagdamutan ng candy. 'Yung batang nagmumukmok kasi hindi nakuha ang gusto. Grabe. Kung hindi lang siya sobrang seryoso ngayon, baka sumakit na ang tiyan ko kakatawa. Pipigilan ko na lang ang tawa ko dahil baka sa akin pa niya maibunton ang galit niya do'n sa lalaki.

"Salamat sa pag-try na sagipin ako. You should go na. Dumidilim na, oh. Baka umulan at saka, baka hinihintay ka na ng friend mo," nakangiting sabi ko. Na-appreciate ko naman kasi talaga 'yung nais niyang iparating. Buwis-buhay nga, eh. Sumagot na naman siya, pero hindi ko na naman narinig. "Ano 'yun?" Mahina ba talaga ang boses niya o may tama na 'yung tenga ko?

"Bakit ka gan'yan?" galit na tanong niya.

"Bakit ako ganito?" Hindi ko kasi siya ma-gets. So, slow na ako ngayon? Ano ba talaga?

Love Hate: Keep Loving MeWhere stories live. Discover now