Chapter 8

61 11 1
                                    

Chapter 8 : Birthday

Bhea's

"Bhea, pa serve 'to ro'n sa table 8— tapos paki linis 'yong table 7 at p'wede ka nang umuwi." Inabot sa'kin ng kasamahan ko rito sa trabaho ang tray na may laman ng Classic pancake at honey lemon iced-tea. Agad ko itong si-nerve sa table 8. 'Saka ako nagtungo sa table 7 na may dalawang platong naiwan na may kalat. Nilinis ko iyon nang mabuti.

Ilang araw na simula nang nagtrabaho ako rito kay Ms.Sifi. Maluwag siya sa'kin at mabait sa aming lahat, kaya magaan ang loob kong magtrabaho rito. Dalawa ang working student na staff dito. Ako 'yong isa, tapos 'yong isa nama'y hindi ko pa nakakasalamuha. Magka-iba kasi ang schedule namin.

Anim ang tao ni Ms.Sifi. Ang apat ay full time workers tapos ako at 'yong isa pa. T-TH-S ang schedule ko, 2:00 pm hanggang 7:00 pm. Kaya't may oras pa naman ako para gawin ang mga kailangang gawain sa school. Ayaw ni Ms.Sifi na isagad ko hanggang nine pm ang shift ko rito dahil nag-aaral pa raw ako.

Sobra ang pasasalamat ko na nakapasok ako sa trabaho na ito— salamat din kay Amox at kay Vellardez. Hindi pa rin kami close kahit nakapag-thank you na ako sakaniya dahil tinanguan niya lang ako noon at tinalikuran. Well, atleast nakapagpasalamat ako kahit ina-ti-ttude-dan na naman ako ng spoiled brat na iyon. Nasasanay na nga lang ako at feeling ko humahaba na nang kaonti ang pasensya ko sakaniya lalo pa't siya talaga ang dahilan kung ba't ako may part time.

Pagkatapos kong linisin ang huling table, pumunta ako sa staff room para alisin ang apron at makapag-ayos na nang sarili. Baka mag-commute lang ako pauwi ngayon dahil busy si Iya at malamang, naka-uwi na sina KC.

Sana naman, marami pang tricycle sa labas— ayokong masakay sa tricycle driver na napakataas kung maningil.

"Bhea? Tawag ka ni Ms.Sifi—pasok ka raw sa office niya." Agad kong tinungo ang mini office ni Ms.Sifi, naabutan ko siya na naglalagay ng pera sa hiwa-hiwalay na sobre. Ngumiti siya sandali nang nakita ako tapos pinaupo ako sa one seater sofa.

"Here's your first salary, Bhea."  Medyo nanlaki ang mata ko nang inabot niya sa'kin ang sobre. Hindi ko inaasahan na ngayon niya na ibibigay ang sweldo dahil no'ng nakaraan, sinabi ko kay Ms.Sifi na buwanan niya na lang ako swelduhan kaysa kinsenas para buwan-buwan ako magpapadala kina mamang nang hindi magwaldas nang magwaldas ng pera si ate. Hindi sa kinukuripot ko sila ni mamang, pero kailangan nilang matutong magtipid. 'Saka ko na sila bibigyan ng luho kapag nakahanap pa ako ng isang part-time job. Kahit freelancer lang sana, basta kaya ng schedule ko.

"Hala, ang aga naman! Maraming-maraming salamat po, Ms.Sifi!"

"Wala 'yon. Ang sipag mo kaya! 'Saka sabi ni Niqui baka kailangan mo na raw ng pera. Besides, araw-araw kong pinapa-s'weldo ang mga kasamahan natin. Ikaw lang ang humiling na buwanan." Alanganin akong ngumiti, hindi ako sure kung na-isip ni Vellardez na nangangailangan ako ng pera dahil nagbibilang ako ng allowance ko  no'ng wala kaming klase o ano. Magkatabi lang kami ng upuan. Hindi na kami lumipat ng upuan kahit pa madalas ay parang gigisahin lang namin ang isa't-isa.

"Hindi pa naman po, pero maraming salamat po talaga Ms.Sifi!"

"Oh siya, ingat ka pauwi. Enjoy! " Malaki ang ngiti kong lumabas ng office ni Ms.Sifi. Nagpaalam ako nang maayos sa mga kasamahan ko bago ko kinuha ang bag ko sa staff room para makauwi na.

Bumungad sa akin si Amox saktong paglabas ko ng Sificility's.  Nakalagay ulit ang parehas na kamay sa loob ng pants niya. Naka itim na plain-shirt at Nike jogger pants, Nike rin na sapatos na kulay gray.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko agad nang nakalapit ako.

"I bought some essentials at the department store. Sifi texted me that you're about to go home kaya hinintay na kita rito. "

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Where stories live. Discover now