Chapter 33

55 9 0
                                    

Chapter 33: Commitment

Bhea's

"Shit!" Nanlalaki ang mata ni Engineer Adisson na lumayo kay Kyroz nang basta-basta na lang akong pumasok sa opisina nito. Kanina'y naabutan kong halos maglapit na ang mukha nila at balak pang umupo ni Engineer Adisson sa hita ni Kyroz kung hindi lang ako dumating.

Tumaas ang kilay ko sakanila. Jusq, dzai! Tanghaling tapat talaga?

"Nakaka-istorbo ba ako? Engineer?" makahulugang wari ko kay Kyroz. Ang mukha niyang iritado ay nakabaling na sa mga project analysis na ni-re-review niya. Nanatili akong nakatayo lang sa pintuan ng opisina habang si Engineer Adisson naman ay awkward na nakatayo rin, isang metro malayo kay Kyroz.

"No. You can leave now, Engineer Adisson. I'll check your proposal later and I'll email you immediately," he strongly dismissed making the lady nod with no choice.

"Okay, engineer. Thank you."

Minasdan kong lumabas ng opisina si Engineer Adisson, inaayos ang skirt niyang medyo tumaas bago ako tuluyang pumasok sa opisina ni Kyroz at umupo sa upuan sa harap ng table niya. Nakakunot pa rin ang noo nito, akala mo naman talagang nagsisiryoso sa trabaho. Sus!

"Muntik ka na sanang umiskor, pasensya na sa abala."

Umangat ang ulo ni Kyroz, umigting ang bagang at ngumiwi, "Do you really think I'll do that here in my office? I'm a professional one, Engineer Reyez. Don't pull off your dirty mindset here."

Amaw! Bad trip ka, dzai? Okay, e'di —pasensya!

"Okay-okay! Itatanong ko lang naman kung bakit wala ka sa field ngayon? Thursday, ah?"

"Lara's there to check the site. Kinausap ko kanina si Mr.Alvarez. Pumayag siyang ma-late kahit isang linggo ang project dahil sa aksidenteng nangyari. But we have to make sure that we will stick to that one week. Marami pa tayong ibang proyektong sisimulan."

Mas mukha siyang na-stress sa paglilipat ng pahina ng analysis. Nakasuot lang siya ng itim na t-shirt dahil inalis na ang suit at mukhang naiinitan kahit pa naka-full blast ang aircon sa opisina.

"Bakit ba parang na-pre-pressure ka ngayon? Dati naman, kahit may magkasabay tayong project— ayos lang sa'yo, " wari ko pang muli.

Kung isang ordinaryong araw ito, baka nakikipagpaliksahan pa siya sa kapatid sa payabangan kung gaano kaganda ang progress ng mga hawak na proyekto. 'Yon nga lang ay wala rin si Kyrem ngayon.

Hmm, iritado ba siya dahil hindi natuloy ang dapat kanina sakanila ni engineer?

Isang Head Engineer din dito sa M. E. C. si Adisson. Mas nauna siya sa'ming pumasok nina Savi at kahit pa noong kabataan ay kilala na ng pamilya nina Kyroz. Siya rin ata ang babaeng may-ari ng napagkamalang boquet. Mas nauna kaming umuwi no'n ni Savi kaya hindi ko na nakita kung inabot ba sakaniya iyon o ano.

Hindi lingid sa kaalaman kong may gusto si Adisson dito kay Kyroz— kaya nga kapag may mga chismis na kami raw ni Kyroz ay siya pa ang unang umiiling at tumatanggi.

Bumabakod dzai! Kaya siguro nandito ito ngayon? Para bumakod?

"Isinasabay ko na ang ibang kinuhang project ni Remi kung minsan. She's already having a dilemma on MXF Lips because of some partnerships. She really needs to decide what to prioritize much better."

"P'wede namang magkaroon ng dalawang propesyon ang kapatid mo, Kyroz. Matalino si Kyrem. Paniguradong alam niya kung paano ang gagawin bilang CEO ng MXF Lips at Head Engineer ng M.E.C."

Ni wala ka ngang makikitang kahira-hirap na ekspresyon sa mukha ni Kyrem. Kahit dalawa ang inaasikaso niyang propesyon ay pursigido pa rin itong kumuha nang sandamakmak na proyekto sa itaas dahil magaling naman daw ang team nila.

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon