Chapter 28

55 7 0
                                    

Chapter 28: Bouquet

Bhea's

"Wow! No doubt that he's the top architecture student of his batch. Ang galing talaga ni Dart. Pero kung ako ang engineer niya? Baka mag-away lang kami dahil sa hindi kami magkakasundo sa gusto niyang lay-out at sa tamang proseso at gamit para sa itatayong building," komento ni Savi habang pinagmamasdan namin ang mga plates ni Dart na ibinigay sa amin ni Engineer Francisco.

"Hanggang ngayon, hindi ko maisip kung paano nakakaya ng utak niyang mag double major courses. Psychology at Architecture, " segunda pa ni Letran. Halatang malaki ang pagkamanghang pilit niyang itinatago habang pinamilian namin ang mga plates ni Dart para sa inspo ng gagawin sa Civil Engineering Project 1 - Undergraduate Research subject para sa fourt year finals first sem.

Stracture Analysis and Design ang napili naming topic. Three months in the making ang project. Pero para sa project na ito, hindi sa'min mismo mangagaling ang desenyo— pero sa mga architecture students para naman sa isang major subject nila. Kum'baga, parang parallel projects ng Engineering at Archi students. Mas'werte lang kami masyado at nabunot namin ang mga gawa ng Senior Archi students. Si Engineer pa mismo ang kumausap kay Dart na siya ang kukuhanan namin nang ideya, nagulat ako sa tutuo lang. Hindi ko alam na dalawang kurso pala ang kinuha niya.

Pero medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil alam kong bukal sa loob ni Dart na ibigay sa amin ang plates niya. Kung magkikita kami sa hallway, ngini-ngitian niya pa rin ako. Last year, gruma-duate siya sa kursong Psychology, at ngayon naman ang huling taon niya para sa isang kurso. I often saw him with his friends sa taong ito imbis na kasama ang kapatid dahil graduate na ng Pol-Sci si Liham. Bukod roon, wala na akong alam.

Maganda rin na siya ang kinausap ni Engineer para kuhanan namin ng plates dahil sa pagkakarinig ko sa ibang grupo—hirap silang kumbinsihan ang ibang mga Archi students dahil may ibang ayaw magpahiram ng plates nila.

"Mga arkitekto nga talaga ang pinakamasalumuot na bangungot nating mga engineering," iiling-iling na bulong ni Letran. Hindi lingid sa kaalaman namin ni Savi na halos wala siyang magustuhang design sa plates ni Dart dahil masyado raw itong mga komplikado.

Naglalakad na kami papunta sa CAS building nang huminto si Savi at ipinakita sa akin ang isang plate na gawa ni Dart. Painting iyon ng masters bed room. Modern style at brown, brown-red at cream brown ang pallete.

"Bhea, parang familiar 'to?"

"Ahh, oo nakita ko rin 'yan. Mi-ny day ni Dart." He already posted it online one time. Sa Facebook story at may caption pa ngang nakalagay. 'Hindi nag-work- out 'yong una. Gano'n talaga kapag 'di nagwo-work-out. Pinapalitan. Djk.'

Dahil doon ay bumuo silang dalawa ng teyorya patungkol sa mga naging relasyon ni Dart. Maingay silang dalawa kaya napapatingin ang ibang mga tao sa amin kaya't 'di ko mapigilang panlakihan sila ng mata.

"Andito na tayo," putol ko sa pag-iingay nila. Hay! Mga may pagka-chismoso talaga ang dalawang ito. Alam ko namang uusisain nila ako pero ano ba'ng isasagot ko sakanila? Wala naman na akong balita. Everything stopped ever since that night. Kung hindi ko lang siguro nakakausap pati si EJ? Baka na-buang na ako nang tuluyan.

Sa third floor ang block room nina Dart. Dati raw marami pa'ng mga highier year pero ngayon halos nasa kalahati na lang sila. Sa'min din naman, may mga nababawas na. Ang iba— nag-dra-drop, may finacial problem, at ang iba naman ay sumuko na talaga. Wala na nga ang tatlong babaeng kinaiiritahan ni Niwui sa block namin, eh. Gano'n talaga sa college. Survival of the fittest. Kaya kung hindi ka maparaan at mahina ang loob mo, malaki ang posibilidad na mapag-iwanan ka.

Sa harap ng block room nagtuturo ang isang prof, kaya kumatok muna ako para hindi bastos at maka abala. I cleared my throat, "Sir, excuse me po. Pinapaabot lang po ito ni Engineer Francisco kay Mr. Madridant."

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Where stories live. Discover now