Chapter 22

54 9 4
                                    

Chapter 22: Doubts

Bhea's

Hindi ko na nagawa pang tanungin si Amox patungkol sa tumawag na babae sakaniyang cellphone dahil pagkabalik niya sa kusina'y inaya niya na akong umuwi. Kailangan niyang pumunta sa ospital kung asaan si Kuya Clind dahil may emergency. Inisip ko na baka iyon ang dahilan kung bakit tumatawag ang babaeng 'Mama' sakaniya nang paulit-ulit.

Napansin kong naging busy si Amox matapos ang gabi na iyon. Kung hindi siya babad sa pag-aaral, may inaasikaso naman silang dalawa ng kapatid niya. It's a private matter inside their family kaya hindi ako nang-usisa. Gaya nang ayaw kong maki-alam si Amox sa problema ng pamilya ko— ayoko ring makialam sa inaayos nila, dahil una— wala akong alam do'n. At pangalawa, okay nang alam niya na andito ako para sakaniya para suportahan siya.

Sa dorm nama'y kapansin-pansin din ang pagka-missing in action ni Iya. Lagi na siyang busy sa mga ginagawa niyang siya na lang din ang nakaka-alam. Sa school— hindi ko na siya mahagilap. Hindi na siya sumasabay mag-lunch sa amin nina Niqui. Sabi ni Migs, dahil daw iniiwasan ni Iya si Dart. Kaya nga no'ng na obserbahan kong madaling araw pa lang ay umaalis na siya ng dorm, sinadya kong gisingin ang lahat nang madaling araw para makasabay sa aming mag-breakfast si Iya.

Si KC ay nag-tu-tutor na ngayon. Namromroblema kasi si KC sa mga major niya lalo pa't malapit na ang exams nila. Bukang-bibig niya lagi ang hirap niya sa school. Si EJ at Kathia, maayos naman ang lagay— medyo hirap din sa gawain pero 'di gaya ni KC na na-is-stress na. Lalong maayos si Ace, legal na sila ni Z sa pamilya niya kaya wala nang prinoproblema.

Ako lang talaga ang sumunod na nabahala nang tumagal pa ang pagka-busy ni Amox nang halos isang buwan. Oo nga't ayokong maki-alam pero nag-aalala ako sa kaniya. Nagkaka-usap pa naman kami sa text, update lang kung asaan na siya at kung ano ang ginagawa niya paminsan. Sa lunch sa school, paminsan nakakasabay siya kapag parehas ang time ng kain namin. Pero kapag hindi, paniguradong may ginagawa. Hindi kami nakapag kita no'ng nakaraang monthsarry namin dahil naka-duty siya sa internship niya sa Westlerian Hospital, tapos kinabukasan ay umuwi siya nang Victoria para asikasuhin ulit ang mga pinagkakaabalahan nila ni Kuya Clind kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naitatanong sakaniya ang tungkol sa pagkakyuryoso ko sa mama niya.

Nag-i-iskrol ako sa profile ng Facebook ni Amox nang mamataan kong nakataas na ang kilay ni Niqui sa akin. Nasa block room kami ngayon, nagpapalipas ng oras dahil maagang nag-dismiss ang prof.

"What's your problem? Stalker ka ng boyfriend mo? Gosh! That's obsessiveness, Bhea!" Patay malisya kong tinago ang cellphone. Kanina pa ako naghahanap ng mga tag-pictures na baka sakaling makita ko ang babaeng nasa picture frame sa bahay ng mama ni Amox pero wala akong makita. May iilang mga naka-tag sakaniya pero ang kasama nilang tatlo nina Kuya Clind ay ang babaeng tumawag sa facetime at ang lalaki siguro'y papa nila dahil kahawig ni Kuya Clind. May iilan pa akong pictures na nakita pero puro ang 'Mama' sa Facetime ang nahagilap ko. Wala ni isang picture na kahawig man lang no'ng sa picture frame.

Mali ba ako nang kutob na iyon si tita? Kasi tinawag naman ni Amox 'yon ng 'Mama'. So baka kamag-anak lang nila? 'Di kaya tita nina Amox 'yon? Pero kahawig siya ni Amox, eh!

'Di naman malabong magkahawig sila kung tita niya nga iyon, Bhea! Tanga ka?

But It's crystal clear in my mind how Amox stated that he looks like his Mom! Ano ba talaga?


"Niqui, kamukha ba talaga ni Amox ang Mama niya?" diretso kong tanong na nakapagpalaki nang mata ni Niqui. Umiwas kaagad siya nang tingin.

"I don't know..." Ano?

"Ano'ng I don't know? Eh, diba magkatabi lang ang bahay niyo sa Boston? Paanong hindi mo alam, bulag ka ba?" Supladang umirap sa'kin si Niqui matapos ko siyang sarkastikuhin. Humalukipkip pa siya at inismiran ako na parang naiinis. Buti na lang talaga at sanay na ako sa kaniya.

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Where stories live. Discover now