Chapter 14

57 11 0
                                    

Chapter 14: Daydreaming

Bhea's

"Hoy, Bhea? Hindi ka ba pagod galing ka pang shift ah?" Kinalabit ako ni KC habang gumagayak ako para sumama sa gig ni Iya sa Moon Coffee. Birthday celebration iyon ng isang studyante sa Westlerian at parang nakuha ata ang banda nila para mag-perform doon.  Hindi bar ang pupuntahan niya pero may party kaya na-enganyo akong sumama. Sabi niya kasi kanina, ayos lang na sumama kami kung gusto namin.

Tapos na ang first sem namin at 2nd sem na pagkapasok sa Lunes. Umuwi sina KC sa mga bahay nila no'ng sem break. Umuwi rin naman ako sa Maynila para ma-celebrate ang pasko kasama sina mamang pero bumalik din kaagad ako dahil tinanggap ko ang offer ni Ms.Sifi na full time work buong sem break sa Sificility's kaya hindi talaga ako p'wedeng mag-tagal doon.

Tapos no'ng bagong taon, si Ms. Sifi rin ang kasama ko sa bahay nila. Sa lahat pala kasi ng staff niya, lima ang kagaya ko na walang kasama sa bahay kaya lagi niyang ginagawa na imbitahan ang mga tauhan sa bahay n'ya kapag pasko at bagong taon. Tapos kanina, buong maghapon akong nag-shift kaya si Iya na ulit ang nag-enroll para sa akin sa second sem.

"Hindi naman. Mas na-haggard ako no'ng finals, K! Kaya bago ulit mag-prelims, sumama na tayo kay Iya, please lang." Hindi na nga ako pinigilan pa ni KC at pumayag na lang din na sumama kami kay Iya. Nagkapilitan pa kami sa isusuot nila dahil may gusto akong ipasuot sakanilang dalawa ni Kathia na pilit nilang inayawan. In the end, ako rin ang nasunod.

I just wore my velvet blue bralette padded top 'saka ako nag-mom jeans na hanggang beywang.  Slides lang rin na itim ang isinuot ko.

Si KC'y pinasuot ko ng royal blue one-piece swimsuit ko tapos pinag-cream mom jeans. Si Kathia nama'y pinag racerback bodycon fitted dress ko. Kulay itim iyon kaya bagay na bagay sakaniya.

Samantalang si Ace, Iya at EJ ay naka t-shirt lang at shorts.

Malapit lang ang Moon Coffee sa dorm namin kaya mabilis lang din kaming nakarating. May karamihan ang tao sa lugar. Dark Japandi style ang interior tapos bago makapasok sa loob, may open area sa labas kung saan may nakasabit na mga string lights. May mga table at upuan para sa mga manunuod pero hindi mga instruments ang nasa stage. DJ ang nandoon at mga speakers. May mga party lights din sa magkabilang gilid ng stage kaya halata tuloy sa mukha ni Iya ang pagtataka.

Nang makapasok kami sa loob, bumungad sa amin ang isang co-vocalist ni Iya na mukha ring aligaga.

"Chana, asaan sina Gab?" tanong ni Iya sakaniya habang kami nina Ace ay tahimik na nakatayo sa likod nila.

"Kaya nga kanina pa kita tinatawagan, hindi ka naman sumasagot! Si Migs may emergency daw na kailangang ayusin. Okay lang sana kung kahit si Dart at Gab na lang, pero pagkatapos n'yong magkasagutan ni Dart kanina, hindi na rin siya sumasagot sa tawag ko. Si Gab naman kailangang ipag-drive si Migs para nga sa emergency niya. Hindi ko na alam kung paano ko sasabihin kay Millie na baka ako lang ang makakapunta. Buti pala at may kinuha din s'yang DJ! Montik na akong maloka kanina." Nagkatinginan kaming lima nina EJ. Nagsisikuhan at nagtatantyahan pa kaming lahat kung paano namin kakausapin si Iya na sobra-sobra na ang pagkalukot ng mukha.

"Kailan ba matatapos ang world war nila ni Dart?" bulong ni Kathia kay Ace. Napapalatak si Ace at bumulong pabalik, "Parehas silang nagpapataasan ng pride, paanong matatapos ang away nila?"

"So wala na silang gig? Ano'ng gagawin na'tin dito?" imik naman ni KC sa amin ni EJ. Umiling si EJ at nagkibit-balikat. "Magkape? Maraming kape dito, eh. Sagot naman ata no'ng celebrant 'yong food and beverage."

"May bottled drinks ba rito?" ako habang pinagmamasdan ang paligid para makita kung sakaling may magugustuhan akong inumin habang nagsasalita si Chana at may sinasabi kay Iya.

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Where stories live. Discover now