Chapter 5

84 12 2
                                    

Chapter 5: Come back to me.

Bhea's

"What the heck?!" Gusto kong matawa sa lagay ni Iya no'ng nahulog siya sa pagkaka-upo sa washing machine, nanlalaki ang mata niya at tumilapon pa ang cellphone sa lapag dahil sa gulat. 

"Pisting yawa ka! Ano ba kasing ginagawa mo rito?" tatawa-tawa kong tanong sakaniya, napahawak pa ako sa t'yan dahil sa tuwa sa reaksyon ni Iya.

"Mahina 'yong signal sa taas, eh."  Pinulot ko muna ang cellphone niyang nakasalpak ang screen sa sahig bago ko siya tinulungang tumayo sa sahig. No'ng binaliktad ko ang cellphone ay nakita kong nasa account profile siya ni Dart.

"Weh? Ang lakas kaya ng wifi! Sa third floor pa? May sarili kaya tayong wifi ro'n! Kahit sa rooftop nga siguro abot 'yon! Ang sabihin mo ini-is-stalk mo si Dart at ayaw mong makita namin."

Alam ko ang nakita ko kaya't hindi niya ako maloloko! Group picture iyon ni Dart na may kasamang tatlong lalaki. Sa kanang bahagi ay nando'n si Dart na nakasuot ng itim na guess na t-shirt. May dalawang lalaking naka-itim din na hindi ko namumukhaan sa gitna at sa kabilang dulo ay si Amox na hindi man lang nakuhang ngumiti sa picture.

"Duh? No, I'm not!" Groge pa ang utak ko dahil sa presensya ni Amox sa picture na iyon. Habang parang nagkakasiyahan ang tatlo niyang kasama— siya ay parang napilitan lang na sumali at makisama sa kanila. Cream wool long sleeves, white trousers at puting  Addidas na sapatos ang suot niya. Mukhang hindi siya nasabihan ng tatlo na itim dapat ang susuotin.

"Nako! Huling-huli ka Iya, hindi ka maka get-over na hindi ka pinapansin? It's been what? Almost a week!" Nitong mga nakaraan, napapansin ko na pag pupunta ako sa building ni Iya—kahit pa magkasama kami'y ako lang ang binabati ni Dart. Minsan pa nga, tinitignan ng masama ni Iya si Dart pero hindi naman siya pinapansin nito.

"No, ah! Nakyu-curious lang din ako kagaya mo. Like?"  Ayan na nga ang conyo accent niya. Halatang frustrated kaya sasabayan ko na ang trip niya. "Like ano? Curious about what? Curious ka na— kahit magka-building kayo, hindi ka talaga pinapansin?"

"Gaga! It's not about that. I'm just checking about their current political whereabouts. If they are still the same Madridant people or they are doing something new for the town."

"Ahhh, akala ko you're just checking kung related ba talaga siya sa mga Madridant o kaapilyido lang para kung sakaling hindi—p'wede mo na siyang maging type since pasok siya sa standard mo," ininis ko pa siya lalo sa paraang alam ko. Sa pagpula ng tenga ni Iya'y alam ko na agad na nasasagad na siya sa akin. "The heck Bhea, why would I? Hindi ko nga siya type. Hindi siya pasok sa standard ko."

"Okay? Kahit chinito? Moreno at matangkad si Dart, hindi mo talaga siya type? Hindi ka nagsisinungaling na hindi siya pasok sa standard mo?"

" How about Amox? Pasok na pasok sa standard mo, right?" Sige na nga't hindi ko na siya iinisin. Nakakatamad rin kasi. "Tch, cat got your tounge that quick, Bhea. Ano ba kasi'ng gagawin mo rito?" balik tanong niya sa'kin habang nakataas ang kilay at minamata ang hawak kong jacket.

"Lalabhan ko 'tong jacket."  Dapat kanina ko pa lalabhan ang jacket na ito kaso lang, naunang maglaba ang mga ka-dorm namin kaya pinalampas ko muna ang oras. Sana nga lang, huwag silang magising kung sakali dahil nakakahiya at alas-dos na nang madaling araw.

"Wow, it took you a while bago mo naisipang isauli 'yan, ha!"  Kung maka-react naman 'to! Parang iniisip niya talaga na wala akong balak isauli ang jacket ni Amox? Sabagay... muntik na ngang hindi— pero may hiya pa 'ko sa katawan kaya't isasauli ko ito sa kaniya.

"Seriously? 'Di ba nga't hindi na ako masyadong sumama kila Liham dahil half-day na lang ang klase— kaya paano ko maiisauli 'yong jacket niya, e 'di ko naman siya nakikita?" Mula Tuesday hanggang Thursday, inaabangan ko na si Iya sa building nila para sabay na kaming pumunta sa Crossing. Daraanan si EJ sa PAU bago dumiretso sa Sta. Cua kung asaan sina KC. Halos dulo na 'yon ng Cavana, doon pa kasi ang isang branch ng CEUST. Kapag nag-crave sa kape sina EJ, igugugol namin ang natitirang oras sa isang study hub cafe kung saan namin tinatapos ang mga activities na pinagawa sa school. Minsan diretso agad sa dorm dahil may sarili naman kaming study room.

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon