Chapter 23

51 9 3
                                    

Chapter 23: Home

Bhea's

"Hoy, ano'ng nangyayari rito?"maang-maangan kong tanong. Medyo balisa at may pagkagulantang din ako dahil hindi ko inaasahang ngayon ko pa talaga sila aabutang ganito.

"Ano'ng nangyari? Napaka siryoso n'yo naman," imik ni EJ na kararating lang din sa likod ko. Medyo tumawa siya kaya kahit hirap ay nakisabay ako— umaasang huwag nang lumalim ang gabing ito nang may away. Pagod ako sa lahat nang iniisip, kung pati ito daragdag, baka hindi na gumana ang pangunawa ko.

Pagod na pagod na ako...

"Nag-pi-pinoy henyo kami, tanga edition," sarkastiko at makahulugang asik ni Kathia habang hawak-hawak ang braso ni Ace. Tila pinipigilan ang isa sa kung ano'ng dapat gagawin bago pa kami makarating ni EJ.

Sesegundahan ko na dapat nang isa pang tawa ang sinabi niya para gumaan ang atmospera sa paligid kaso lang ay hindi ako naka-imik nang matalim na tumingin si KC at paramdam na umimik.

Pinakiramdaman kong mabuti ang bawat isa kahit gusto ko na lang pumikit at mamahinga.

"Talaga bang nakakaya n'yong magsawalang bahala sa harap ko?" ani KC na nakapag patalim nang tingin sa kaniya ni Ace. Bumuntong hininga si Kathia at pinakawalan si Ace sa bisig niya. Inis na lalapit sana si Ace kay KC. Kaya agad ko siyang nilapitan para pigilan.

Lord, p'wede po bang huwag muna ngayon?

Masyado ang kaba ko dahil sa tensyon at gigil ni Ace, ramdam ko iyon sa pagkakahawak ko sakaniya kaya alam ko na agad na hindi ko siya p'wedeng bitawan.

"Ano ba'ng sinasabi mo?" hamon ni Ace. Kumuha muna nang bwelo si KC, "Bakit parang hindi ako belong— sainyong lima?" nanlalambot niyang saad. Kagat-kagat ang ibabang labi upang mapigilan ang nagbabadyang hikbi na sa tingin ko'y kanina niya pa pinipigilan.

Sa paglipas nang isa pang segundo'y nakapasok na rin sa kwarto si Iya na halatang kagagaling lang sa school. Bakas sa mukha niya na nagugumiluhanan din sa inabutang nangyayari. Kagaya ko, bakas sa mata ni Iya na pagod rin siya. Kagaya ko, may mga problema rin siyang hindi sinasabi sa'min na siguradong pilit niyang nireresolba mag-isa.

Kaya bakit ngayon pa kami magkakaganito? Ngayon, kung kailan ramdam ko na ang bigat nang pasanin namin lahat?

"Alam ko lahat! Alam ko lahat nang tinatago niyo sa'kin, pero ni minsan— wala kayong ginawa upang sabihin iyon sa'kin! Wala kayong balak sabihin iyon sa'kin dahil wala kayong pakialam sa'kin! Ilang beses kong 'wina-waksi 'yon sa utak ko. Ilang beses kong ipinagsawalang-bahala pero hindi ko na kaya! Ubos na ubos na ko!" Napaatras ako nang bahagya palayo kay Ace nang sinimulan ni KC ang panunumbat niya.

Nanginig na rin ako dahil hindi ko mahanap ang tapang at lakas nang loob na patigilin sila sa namumuong away. Hindi ko mahanap ang lakas nang loob na ibuka ang bibig ko para sabihing mag-usap na lang kami nang maayos. 'Yong walang sigawan at sisihan.

Naintindihan kaagad ni Iya ang ipinuputok ng butse ni KC. Sinubukan niyang pakalmahin si KC at mag-explain pero pinigilan siya ni Ace at Kathia. Parehas nilang hinawakan ang pulso nito. Sumabog na rin si Ace at nanumbat. Sinigurado niyang malalaman ni KC ang saloobin.

"Anong i-e-explain?! Iya, walang dapat i-explain! KC, huwag kang gumawa ng excuses sa mga mali mo'ng nagawa! Mali ito! Mali 'yang ginagawa mo!" Tinuro niya pa si KC.

Pumikit ako nang mariin. Pinilit kong ibinuka ang bibig ko pero walang lumabas na boses sa akin. I suddenly want to cry because I can't even have the courage to raise my voice for the good.

Ano ba'ng ambag ko rito? Makinig lang sakanila? Bakit? Dahil pagod ako? Pagod ako kaya tatahimik na lang ako?

Bhea, ano ba?! Gumalaw ka naman, oh. Magsalita ka naman...

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon