Chapter 17

53 11 0
                                    

Chapter 17: Beast

Bhea's

"Ang pogi talaga no'ng dalawang second year na kababalik lang sa WU-C! Kakausapin ko talaga sila mamaya, para makapag-pa-picture sa photobooth ng Henria!" kinikilig na pinag-chi-chismisan ng mga ka-blockmate ko sina Ark at Ash nang dumaan ang mga ito sa blockroom namin para bumaba sa auditorium. Kulang na lang ay mga maglupasay sa kilig kaya hindi namin napigilan na laharang umirap ni Niquita kahit pa nakikita nila kami.

"Gosh, sinisimulan na naman nila ang araw ko," gigil na bulong ni Niqui sa'kin. As usual, magkatabi kaming naka-upo sa second row ng blockroom. Ang mga babaeng iyon ay nasa likod, lumingon talaga kami kanina sakanila dahil ang lalakas ng boses nang mga ito no'ng sinabi 'yon.

Katatapos lang nang klase namin sa Science Technology and Society at kasalukuyan naming hinihintay ang susunod na propesor para sa Calculus 1 na sa tingin ko ay ma-le-late kaya malakas ang loob ng lahat na mag-ingay. Lalo pa't ang daming pakulo sa main gate ng mga organizations para sa araw na ito kaya usap-usapan talaga ang ganap sa university.

Rinig na rinig ang boses ni Iya sa speaker na nag-ho-host kasama ang iba niyang mga ka-member para sa mga studyante. May photobooth, confession board, mga iba't-ibang palaro at may video-oke pa silang ginawa kaya maraming na-e-enganyong pumunta sa mga booth nila.

Mamaya ko na lang bibisitahin ang bruha na iyon dahil panigurado busy pa siya ngayon.

"Pero tutuo ang sinabi nila. Pogi naman talaga si Ark 'saka si Asher, Niquita," sang ayon kong sabi dahil kahit papaano— tutuo ang sinabi ng mga babaeng iyon. Hindi nga lang ako kinikilig gaya nila.

"Well, yeah— we can say that. But— Asher's family is like uhhm well... They are... gosh! I am not allowed na mag k'wento about this issues but— basta! I can't agree that Asher's a good looking man, like? Urgh!" May ano ba kay Ash at parang rinding-rindi si Niquita? Parang allergic na 'di mo malaman. Pero mayaman din kaya si Ash o kaya'y may kaya? Sabagay, kung mayaman nga siya, halata rin naman sa pormahan niya.

"Ang arte mo talaga, Saturniqui!"

"Asher's not good looking, okay? But, I agree with Ark, yes. Una ko pa lang siyang nakita dati na naglalaro sa taekwondo league, g'wapo na talaga siya. Kung magpapa-picture ako sa photobooth, might as well, kay Ark na lang talaga."

"Hindi na ata available si Ark, may bumabakod sakaniya sa dorm namin, eh—" agap kong biro habang natatawa-tawa. Agad rin akong hinampas ni Niqui sa braso ko para magreklamo, "Hindi ko naman sinabing type ko siya! What I mean is, hindi katakatakang may mga mag-aaya kay Ark sa photobooth. O baka nga may mag-confess pa sakaniya sa confession board. Gosh. Napaka mapanghusga mo talaga!"

"Oo nga pala, si Amox nga pala ang type mo."

"What?! Hindi ko nga type si Amox!"

Patay malisya akong tumango at hindi na muling pinansin pa si Niqui habang binubuklat ang notebook ko kung saan ako magsusulat mamaya. Tatlong buwan na lang at bakasyon na rin namin. Kailangan ko nang mas magsiryoso sa pag-aaral para sa finals exam. Hindi ako p'wedeng bumagsak. Baka sa susunod na taon— hindi na ako scholar ng ASSC kapag hindi ko pinagbutihan.


"Psst." Sa kalagitnaan nang klase'y nambubulabog na magmuli itong bruha kong seatmate. Tinignan ko lang siya sa kadahilanang ayaw kong sumagot at baka mapagalitan pa kami ng terror na prof.

Nakita kong tumingin si sir sa gawi namin kaya't hindi na muna umimik si Niqui. Nakapagsalita lang ito nang maluwag nang biglang nag-excuse si sir dahil may isa pang instructor na tumawag sakaniya.

"Can we get pampered na, later? Kahit naman siguro LDR kayo, okay lang na magpaganda ka para sa video call?"

"Kapapa-spa mo pa lang no'ng Sabado, magpapa-spa ka ulit? 'Saka hindi ako p'wede, nandito sa Cavana ngayon ang jowa ko nang isang linggo kaya't kung may libreng oras— sakaniya ko igugugol ang oras ko, no."

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Where stories live. Discover now