Chapter 30

66 7 0
                                    

Chapter 30: Stranger

Bhea's

Sabado nang makapananghalia'y napag disisyunan kong magpunta sa supermarket para makapag-grocery. Kulang na ang stocks ko sa bahay at dahil ngayon at bukas ay wala akong pasok, paniguradong manginginain lang ako maghapon habang chine-check ang ibang mga projects na on-going. Pati na ang iilang mga resume ng mga natanggap na construction workers ni Kyroz. Kahapon nakakuha na kami nang iilang pamalit sa mga umalis, at dahil hands on kami parehas— ni-re-review namin ang mga personal data ng mga tauhan.

But for now, I'll have my 'me-time' first. Nagsuot ako ng dark gray knot front top at high waisted mud maong pants at simpleng slides. Napili kong gamitin ang nairegalo sa'king red velvet Gucci sling bag ni Mrs. Maximoff no'ng birthday ko no'ng isang taon. Parehas kami ni Savi na may ganito pero velvet black ang sakaniya, regalo rin ni engineer. Inilagay ko roon ang wallet ko at cellphone.

Tuwing Sabado'y iniiwanan ni Letran ang sasakyan niya sa bahay ko. Para raw kung sakaling maisipan kong magliwaliw ay may sasakyan akong magagamit. Minsan ko lang ginagamit iyon at isa ito sa mga araw na gagamitin ko talaga ang sasakyan niya. Pinapalitan ko rin ng gas para wala akong marinig na reklamo sakaniya.

I'm actually thankful how good people my friends are. Alam ko, na kahit hindi ko maiparamdam sakanila nang husto, mahalaga ako sakanila at mahalaga sila para sa'kin.


Sinigurado ko munang nakasarado lahat ng pinto sa bahay bago ako nag-drive papaalis. When I arrived, dumiretso kaagad ako sa loob upang simulan ang pag gro-grocery. Dahil once a month ko itong ginagawa'y alam ko na ang mga kailangan ko. Mas mabilis na lang kaysa sa dati na naguguluhan pa ako sa kung ano ba'ng mas tamang bilhin. Halos dalawang oras ang itinatagal ko noon sa pag gro-grocery lang— pero ngayon, tantyadong-tantyado ko na kung ano lang ang sapat para sa akin.

Nakapila na ako para magbayad sa cashier lane nang mapansin ko ang nakalinyang magazines sa isang stock deck. Cover no'n ang isang pamilyar na mukha sa isang kilalang magazine brand ng New York. Kinuha ko iyon para mapagmasdang mabuti.

Sultry eyes and pointed nose, hindi nga ako nagkamali na si Curie ang cover ng magazine na iyon. Modelo na pala siya ngayon? Sa cover ng magazine ay sinabing may exclusive interview patungkol kay Curie. Sa tutuo lang ay masyado akong nagpokus sa trabaho kaya medyo gulat ako na ito pala ang tinahak niyang industriya para sa propesyon. Akala ko mananatili lang siyang tumutulong sa foundation ng magulang. Sabagay, hindi kami close kaya ano ba'ng alam ko sakaniya? Bukod sa pagbibigay alarma niya sa'kin dati— wala naman na.

Ibabalik ko na sana ang magazine sa deck nang may isa pang nakasulat sa cover ang naka-agaw ng pansin ko.


Exclusive Feature: Kathia Valan, the rising cybercrime consultant gem of C.C Organization.


Agad akong naluha sa nakita. Ramdam ko agad ang pagka-proud sa aking sistema kahit pa ilang taon ko nang hindi nakausap at nakita ang kaibigan. Alam kong siya ito. At gusto kong malaman kung ano'ng nangyari sakaniya sa mga panahong naputol ang koneksyon namin sa isa't-isa.

Kaya walang pakundangan kong inilapag sa cashier ang magazine para bayaran na rin kasabay ng ibang mga pinamili.

"Ang ganda-ganda talaga ni Curie, no? Grabe, gusto ko siyang makita isang araw! Bali-balita na malapit na raw siyang ikasal!" umiskwil ang cashier na nasa harap ko. Ka-k'wentuhan niya ang assistant cashier na naglalagay ng mga pinamili ko sa eco bag. Tumango at umiling ang assistant.

"Ako rin gusto ko siyang makita, kaso nasa Boston pa ata siya hanggang ngayon. At hindi naman kumpirmado kung siya ba talaga ang ikakasal. Sa tingin ko— ang pinsan niya iyon. Iyong maganda rin na morena? Sino na nga iyon? Si... ahhm.. Saturniqui! Iyon ata ang ikakasal!"

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Where stories live. Discover now