Chapter 25

57 7 0
                                    

Chapter 25: Marry

Bhea's

"Akala ko ba— free silang lahat? Where's Iya?" kyuryosong tanong sa'kin ni Niqui nang nakaupo na kami sa dating mesa na palagi naming inu-upuan sa cafeteria. Sina Migs, Dart, Liham, Amox at kaming dalawa lang ni Niqui ang nandito ngayon.

Kanina'y ti-next ako ni Amox na sabay-sabay kaming mag-lunch lahat gaya nang dati— kaya akala ko'y kumpleto kami. Hindi ko pa rin nakikita o nakakausap sina Iya kaya't in-expect ko rin talaga na narito siya.

"Wala rin sa dorm si Iya," agap kong sagot sa nagtatanong na mata ni Dart. Bumuntonghininga ito kaya't si Migs na ang hinarap ko. "Migs, alam mo ba?"

Malimit lang na umiling si Migs kaya't agad tumayo si Dart at nagpaalam, "Mauna na ako." Kitang-kita sa mukha ni Liham ang pagkadismaya samantalang si Niqui'y hindi na pinigilan pa ang kanyang matabil na bibig.

"Gosh, patay na patay! Parang si Amox lang, patay na patay kay Bhea. Goodness!" Malimit na natawa si Amox habang hinihimay ang chiken na ulam ko. Naiiling ko siyang binawal na ipaghimay ako. Kanina pa kasi naghihimay! Hindi naman na ako bata. Pero, ang sweet.

Kapansinpansin na si Liham ay nanahimik na lang, taliwas kay Migs at Niqui na nag-asaran pa lalo, "Inggit ka ba Niqui, kasi walang patay na patay sa'yo?"

"Excuse me? I have— never mind!"


"Can I visit your dorm later after class? Do you have work shift for today?" Amox whispered. Naisip ko kaagad ang dorm na halos wala nang kalaman-laman. Marami ring na-alis na scholar kagaya ni KC at iilan na lang talaga kaming nando'n. Sina Iya'y hindi pa umuuwi kagaya ni EJ kaya medyo nakakalungkot na mag-isa lang talaga ako roon.

"Bukas pa— in-adjust ni Ms.Sifi ang shift ko para sa finals."

"Okay, lets watch Netflix later. 7:00 pm ang tapos nang duty ko." Hindi ko tinago ang panunutil ng ekspresyon ng mukha ko pati na ang lumalapad na ngisi habang tinatanya ko ang magiging ekspresyon nang siryosong mukha ni Amox. Dahil nga katapat lang namin si Migs at si Niqui'y narinig talaga nila kami.

"Netflix and chill lang, ha?" tukso ni Migs. Mabilis na umirap si Niqui, " 'Di mo sure, Migs. I mean, it's all about the base."

" 'Bout that bass, no treble?"

"So corny, Migs. So funny as fuck."

"They fuck."

"No, we make love." Napasinghap ako sa biglaang putol ni Amox sa komento ng dalawa. Halos makita ko na ang pamumula ng mukha ko dahil biglang naalala ang ginawa namin sa condo niya sa Makati. Nasundan pa iyon nang isa pang foreplay bago namin napag disisyunang umuwi na talaga nang tuluyan sa Cavana dahil nga ngayon ay may pasok na.

Pinanatili ni Amox ang siryoso niyang ekspresyon, sinubukan niya pa ngang subuan ako ng kanin kahit nangagalaiti nang nakatingin si Niqui at si Migs ay humahagalpak sa tawa. Sa huli'y si Liham na ang nagpatigil sa amin para makakain nang siryoso.

"Kumain na nga kayo. Kung saan-saan pa napupunta ang mga pinag-uusapan niyo, eh."





Gano'n nga ang nangyari matapos ang duty ni Amox sa WU-C Hospital, dumiretso kaagad siya sa dorm space nang makapag-out siya habang ako kanina'y nag-review saglit habang hinihintay na mag alas syete nang gabi. Hindi katulad no'ng mga nakaraang gabi na ang bigat sa dibdib kapag umuuwi ako sa dorm, ngayon feeling ko medyo naging kampante ako.

Nang dumating si Amox ay may dala na siyang pagkain para sa hapunan namin. Habang kumakain kami'y nagpak'wento siya kung ano'ng nangyari sa'kin nitong mga nakaraang buwan, kaya't nag-k'wento ako nang lubos. Pati na ang pag-iyak ko nang ilang beses, ang text ni Curie, ang usapan namin ni Niqui at ang away na naganap dito sa dorm ay hindi ko pinalampas haggang sa umabot sa kung bakit ako napadpad nang Manila dahil sa pagkaka-atake ni Mama.

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon