Chapter 24

45 8 0
                                    

Chapter 24: Assurance

Bhea's

"No, don't mind me. You can continue hugging each other. I don't mind, mga anak." Malawak ang ngiti ni doctora nang maghiwalay na kami sa yakapan ni Amox. Tila ba nagniningning pa ang mata niya sa tanawing pinagmamasdan niya sa kasalukuyan.

"Tita." Humalik si Amox sa pisngi ng tita niya bilang paggalang, ngumiti pabalik ang ginang.

"Sit, Iho. You must be tired! Dito ka na ba dumiretso agad?"

"Yes, tita." Ang katabing upuan ko ang inupuan ni Amox. Tahimik lang na nag-se-serve ang mga waiter kaya't nakitulong na ako sa paglapag nang pagkain kahit pa hindi ako masyadong pamilyar sa ibang mga nandoon.

"So, how's your father?" tanong ni doctora kay Amox habang nilalagyan nito ng pagkain ang plato ko. Sumilay pa siya sandali sa akin bago niya sinagot ang tita, "He's fine."

Umuwi nga pala talaga ang pamilya ni Amox. Hmm, magkasama nga sila ni Niqui sa dinner night, eh. Diba?

Nakita kong ngumiwi si doktora bago siya ngumiti muli sa akin nang nakita niyang nakatingin ako sakaniya. "Fine, you say? How about the hospital in Victoria?"

"We're doing our best to remain the branch," mintis at simpleng sagot pa rin ni Amox. Nang nasiyahan siya sa nilagay na pagkain sa aking plato'y 'saka niya palang iyon tinigilan.

"What's the deal?" usisa pa rin ni doktora.

"Tito wants to get one of the branches.  Either the one in Victoria, the main or Dad's shares in—"

"Your Tito Alero is such a headache, 'Cillin! I'm warning you." Naiiling na putol ni doktora sa sinasabi ng pamangkin patungkol sa usapan na silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.

I bit my lips as I realized that Amox handled some hospital matters except for academic requirements while he was missing in action. May problema nga talaga at ni hindi ko iyon natanong sakaniya.

Hindi ko pa rin ginagalaw ang pagkain ko kahit na nagsisimula nang kumain ng tinapay si doctora. Pinisil ni Amox nang marahan ang kamay ko bago niya inabot sa akin ang kaparehas na french bread na nando'n sa mesa.

"Don't worry, Tita. I don't think I'll let him be a bother to us," aniya sa tiyahin, sabay senyas sa'kin na kainin na muna ang tinapay.

"If only your mom— tsk, let's not talk about this. You must've missed your girlfriend very much!" Napalitan ang medyo na-stress na awra ni doktora, malawak na muli ang ngiti niyang iginawad sa akin. Nagpigil ako nang malayang tugon.

Lumingon pa si Amox sa akin atsaka siya humalik uli sa noo ko. "I do."

Sus! Bumabawi. Palibhasa alam na masyado siyang matagal na nalayo sa akin.


Masayang naki-usisa si doktora patungkol sa amin ni Amox. Ang dami niyang tanong kung saan kami nagkakilala kahit pa parang alam naman na niya ang ibang mga detalye dahil sa ekspresyon nang mukha ni Amox sa tuwing magtatanong siya. Gusto niya lang atang sa'kin manggaling para makumpirma niya ang ik'winento nang pamangkin.

Mga ilang beses niya rin akong itinama na "tita" ang itawag ko sakaniya imbis na doktora.

Nagk'wento rin siya nang ilang kalokohan nina Amox at Kuya Clind no'ng mga bata pa. He's really close with his aunt. Hindi na nakakapagtaka na may picture sila sa bahay ng mama niya. 'Yon lang, napansin ko na kahit sinong malapit kay Amox, alam na dapat iwasan na mapag-usapan ang tungkol sa Mama niya.

Something deep must've really happened way back for him to be aloof about the topic of his mom, kahit pa miss na miss niya na ito at p'wede namang tawagan. Yinakap niya kaya ang mama niya no'ng nag-family dinner sila?

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora