Chapter 18

63 11 0
                                    

Chapter 18: Angel

Bhea's

"Before I end this class, I would like to call on Leonell Trance Galliare, Saturniqui Xin Vellardez, Bheanna Afidahrielle Reyez and Savienne Ruki Zaragalez in front of our class, please." Nagsesenyasan kaming nagtinginan ni Niqui nang biglang nagtawag si sir.

Akala namin ay aalis na ito pagkatapos mag-discuss at mag pa-quiz kaya't nagsisikuhan pa kaming tatlo nina Letran dahil hindi namin alam kung tatayo ba kami o hindi.

"Nako! Sinabi nang hindi ako 'yong nagpakalat ng issue ni sir!" nagngingitngit na imik ni Trance.

May kumalat na issue tungkol sa advisory prof namin na panot na raw ito at nagsusuot na lang ng wig para huwag iwan ng asawa. Si Letran ang unang 'suspect' sa issue na iyon dahil alam nang lahat na madalas silang nagkaka-initan ni sir sa mga recitations at activities.

"Ano'ng kagaguhan ba ulit ang ginawa mo, Trance? Gosh! Damay pa kami ni Bhea sa'yo!" naiinis na wari na rin ni Niqui. Napa-iling na lang ako dahil nakita kong tumayo na ang isa naming ka-blockmate na tinawag. Tahimik lang itong sumunod kaya't gano'n na rin ang ginawa ko.

"Hali na kayo at sumunod na lang tayo, baka mapagalitan pa."

Sunod-sunod kaming lumakad papunta sa harap, tumabi ako kay Savi na siyang pinaka tahimik sa buong section. Sa akin naman tumabi si Niqui, samantalang si Trance ay dumiretso kay sir.

"Sir, pasensya na talaga pero wala po akong kinalaman sa issue na panot daw po kayo at nagsusuot lang ng wig. Hindi po talaga ako ang nagpakalat no'n."

"Manahimik ka, Galliare. Manahimik ka," bawal sakaniya ni sir at isa-isa kaming tinignan.

He then faced our other block mates— exceeding the nervousness that we are all feeling, p'wera kay Savi na diretso lang ang mukhang nakatayo.

"Please give a round of applause to these four students for passing the Official Academic Listers last semester of the first-year Civil Engineering College course! I just want to say that you guys should keep up the good work and top the class again by the end of this second semester with good responsibility. Sana sa 4th year ay Dean's Lister's kayo. But of course, Trance— pag-uusapan natin 'yan mamaya."

Lumaki kaagad ang mata ko nang isa-isang inabot sa'min ni sir ang mga certificates na natanggap namin para sa award. Hindi kagaya sa ibang department, dahil nga special course itong sa amin at kakaonti lang talaga ang studyante ng Civil Engineering salang-sala at strikto sila sa pag-aalaga sa mga studyante. Hindi ko naisip na mapapasama pa ako sa Academic Listers gayong ang goal ko lang naman ay ma-maintain ang grado para sa ASSC. 1.4 ang grado ko na ngayon ko lang nakita. Bukod kasi sa si Iya na ang nag-enroll sa akin para sa second sem, ang mismong ASSC na rin ang dumidiretso sa mga school namin para kuhanin ang report file ng mga grades. Hindi ako na-alis sa scholarship o sa dorm kaya nakampante na akong nakapasa ako last sem lalo pa't walang sinabi sa akin si Iya tungkol sa grado ko't hindi rin ako nagtanong. Hindi ko lang alam na mataas rin pala ang nakuha ko't nakasama pa sa Academic Lister's.

"Ayan kasi, instead of shutting your mouth, napapahamak ka pa tuloy!" Rinig kong bulong ni Niqui kay Letran.

Agad akong nangiti, sobra-sobra ang blessing na ito kapalit ang pagod at tyaga kong mag-aral kahit nag-pa-part time. Kung siguro walang tao ay baka naluha na ako nang naisip ang matamis na ngiti at yakap ni papa sa'kin kung nandito siya.


Pa, Academic Lister ang anak niyo...


"Unfortunately, out of 25 students here in our block, silang apat lang talaga ang pumasa sa Academic List, kaya galaw-galaw mga bata! I know you guys can also do it— tinatamad lang kayo." Marami pang paalala si sir sa'min bago siya tuluyang umalis sa block room para magturo na sa ibang block. Ako nama'y nagliligpit na ng gamit. Habang ipinapasok ko ang dalawang libro at ballpen sa bag, umilaw ang cellphone ko ng dahil sa text ni Amox.


The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Where stories live. Discover now