Chapter 9

56 11 1
                                    

Chapter 9: Warmth

Warning: The chapter will tackle some sensitive issues (Sex Education) that might trigger some readers. Read with deep understanding and rationality. Readers can agree or disagree with the character's point of view on this certain matter and topic, there is no way that the characters/author might want to integrate certain beliefs and lessons they foresee towards the readers beliefs and personal perception of this topic, but wide understanding will be much appreciated.

Bhea's

"We will not have a class for today, dahil mayroon tayong bisita na mag-se-seminar sainyo sa auditorium. You guys will be merged with selected CAS, CONS and CAMS students so— I am expecting that our department will be on its best attitude," matalim na anunsyo sa'min ni sir. Dumaan lang ito sa blockroom namin para i-anunsyo ito habang minamata ang bawat isa sa classroom na kanina'y nagkakagulo.

"Copy, Sir!" It's just 7 in the morning. Medyo inaantok pa ako at pagod dahil bumawi ako ng overtime kagabi sa shift nang hanggang 10 dahil nilinis pa ang buong Sificility's. Hindi ako nakapag-shift no'ng nakaraang araw dahil kinulit ako ng mama ni EJ na sumama para sa maliit na salu-salo para ipagdiwang ang birthday ni EJ kahit late na. Kami-kaming anim lang ang kasama at ang iilang ka-close ni EJ sa mother side niya.

Pagka-uwi galing shift kagabi, gumawa ako ng mga school activities at inabot na nang alas tres nang madaling araw. Halos dalawang oras lang ang tulog ko kaya't ramdam kong medyo malamya ako ngayon. Ang dami ko naman kasing inintindi sa major subjects. Hindi pa deadline pero mas maganda raw kung maaga kaming makakapag-pass dahil may karagdagang points.

"You may all go now to the auditorium. I'll be there in a minute." Pasuray-suray akong tumayo sa upuan. Dapat pala, tinanggap ko ang kapeng inalok ni Ace kanina. Edi sana hindi ako inaantok ngayon at parang groge.

"Hope they'll be there," bulong ni Vellardez nang nakalabas na kami nang tuluyan sa block room. Tahimik akong sumunod sa mga kaklase ko papunta sa auditorium. Minsan talaga, feeling ko kulang ako sa energy, nakaka-drain talaga kapag walang dry, no? Charot!

Mabilis na kumunot ang noo ko nang namataan kong nakatayo si Iya sa harap ng pinto sa auditorium, pinapagalitan ng paborito niyang propesor. Ano na naman kayang ginawang kagagahan nito? Jusq!

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na kailangang makolekta na ang mga files na 'yon para sa linggong ito? Hindi rin sinasagot ni Keinielle ang mga email ko! Ikaw lang ang aasahan ko para sa representatives at ko ma-reach out ang ibang officers. Now get back to your senses and collect all of the files later after this seminar, dahil kung hindi, malilintikan ang department na'tin. Do you understand me, Laxavill?!" In fairness kay sir. Onti na lang, p'wede nang steamer ang ilong niya. Umuusok at mamula-mula pa.

"No, I don't understand you— Sir," pilya namang sagot ni Iya. Napa-iling ako at natawa nang konti.

"Nako! Kaya mo talagang pataasin ang highblood kong bata ka! Kapag naubos ang pasensya ko sainyo'y-"

"Sir, ako na po ang bahala sa mga files. I'll handle this matter. Thank you," singit ng isang lalaki sa usapan ng dalawa. Pinaningkitan ko ng mata si Iya nang dinaan ko ang gilid niya. Umirap muli ito sa akin kaya mas lalo akong natawa dahil sa halatang na-pro-frustrate siya.




"Bhea! Niqui! Dito tayo sa row four." Nakuha agad ni Dart ang atensyon ko papunta sakaniya. Ando'n na siya sa row four at ini-reserve ang buong row para siguro sa'ming lahat. Nandito rin daw ang CAMS, kaya malamang-- nandito rin si Amox. No'ng birthday ko pa no'ng huli kong masinsinang nakausap si Amox. Hindi kami nakakasabay mag-lunch nitong mga nakakaraan dahil umuuwi na agad kami ni Iya at maraming ginagawa.

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Where stories live. Discover now