Chapter 37

63 7 0
                                    

Chapter 37: Redundancy

Bhea's

"Bakit ba parang mga napagsakluban nang dilim ang mukha ninyo?" wari ko sa ipinapakitang mga mukha ni Savi at Letran sa akin. Kagagaling ko lang sa field, imbis na umuwi'y dumiretso pa ako rito sa M.E.C dahil ngayon ko na balak kausapin si Kyroz. Itong dalawa naman, pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa opisina ko'y mga nagsisuguran na rito. Mga sampung minuto na siguro silang tahimik at pinagmamasdan lang ako.

"Basta— Bhea, kung kailangan mo man ng tulong, p'wede akong tumawag sa T.E.I at maipasok ka roon," tulalang sabi pa ni Letran.

Nagsalita na rin si Savi,"O kung gusto mo naman, paki-usapan ko ang mag-asawang Engineer Maximoff para hindi ka—"

"Ano ba'ng sinasabi niyo?!" putol ko sakanilang dalawa.

Didiretso sila na parang nakipagkarera sa kabayo rito sa opisina ko't kung ano-anong sasabihin. Kung hindi ba naman daig pa nila ang naka-high!

"Kakausapin mo na si Kyroz, diba?"

"Oh, tapos?" patay malisya kong tanong kay Savi.

"Nagplaplano lang kami, kung sakali mang masisante ka— kailangan alam namin ang gagawin." Letran looked at me with preciseness in his eyes as he sat on my table, again. Yawang amaw talaga ang lalaking ito— kahit kailan na lang— hindi mapagsabihan na huwag uupo roon at baka mabasag ang salamin!

"Ako? Masisisante? Papayag ba akong gano'n? S'yempre hindi! 'Saka, umalis ka nga sa mesa ko!"

"So, mag-re-resign ka?!" Halos mapatakip ako sa aking teinga nang nagsabay pa silang dalawa— hindi inintindi ang huli kong sinabi.

"Bhea, pag-isipan mo munang mabuti. Hindi naman porque't—"

"Mahirap na humanap nang trabaho sa panahon ngayon. Kahit gaano ka pa kagaling— p'wedeng maging overqualified ka o 'di kaya'y—" Ang o-oa talaga. Mas mabuti pang nando'n at busy sila sa kaniya-kaniyang site— hindi iyong binubulabog nila ako rito. Yawa!

"Ano ba?! Nabuang na kayo? Nganong over acting man kaayo mo? (Bakit ang over acting niyo?) Hindi ako mag-re-resign!" pigil ko sa walang preno nilang pananalita.

Dumikwatro si Letran sa mesa at nagawa pang ipatong ang siko roon para pumangalumbaba. "Ako, pusta ko— masisisante ka talaga."

Lumabi naman si Savi na nakaupo sa swivel chair ko at umiling. "Mataas ang pride mo para pumayag na masisante, eh. Mag-re-resign ka talaga, no?"

Laharan ko silang inirapan, humalukipkip na rin ako at pinagmasdan ang dalawa. Akala mong sakanila ang opisinang ito— kung mga maka-upo nang haragan sa mga gamit ko! Hindi ko naman sila ginaganito sa mga opisina nila. Kaonti na lang, pag-uuntugin ko na silang dalawa!

"Jusq! Savienne Ruki, Leonell Trance— walang masisisante at walang mag-re-resign, okay? Mag-uusap lang kami ni Kyroz!"

Sa huli'y tumango na lang si Savi, "Okay, sige. Balitaan mo na lang kami kung sakali."

Sabay-sabay kaming lumabas ng opisina ko. Sila— pabalik sa floor nila at ako nama'y papunta sa opisina ni Kyroz. Dalawa ang opisina no'n— iyong isa ay ang maliit niyang lumang opisina katapat ng opisina ko at ang bago ay 'yong sa taas pa.

Naririnig ko ang bulungan at pustahan ng dalawa habang naglalakad kami patungo sa elevator.

"2K ako, masisisante 'yan—" bulong ni Letran kay Savi.

"2K lang? Ang laki-laki ng sweldo mo— 2K lang? 2M ako, mag-re-resign 'yan."

"2 Million?"

"Hindi, dalawang maliit na lata ng sardinas."

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon