Chapter 26

58 8 2
                                    

Chapter 26: Lantern

Bhea's

Malawak ang ngiti kong tinignan ang wallpaper kong picture naming dalawa ni Amox noong graduation niya. Naka barong tagalog siya at suot-suot ang sablay na green sa balikat. Naka-toga rin siya at maraming medalya ang nakasabit sa leeg. Ako ang may hawak ng diploma niya habang nakatingala ako ng kaonti sakaniya't siya'y naka yuko sa akin. Puti ang simpleng dress na suot ko at puti rin ang heels. Gaya ng palagi'y naka bun lang ang buhok ko sa batok.

I cannot believe that we already surpassed being in a relationship with each other for a year already. Dahil parang kahapon lang ang lahat. Simula no'ng bumalik kami galing sa Sagada'y 'saka ko lang mas na-realize na boyfriend ko na pala talaga ang isang Amox Vestrella. Siguro dahil nitong mga nakaraang b'wan ay sobrang bumawi talaga siya. Na kahit may ibang inaasikaso, school o personal na bagay— hindi ko ni minsan naramdamang may kulang o nagkaka tahimik na problema ulit sa pagitan namin.

Everything just went smoothly, from then. Si Mamang at ate'y madalas pang tumatawag sa amin ni Amox para mangumusta. Gano'n din si Tita Cquel at Adderall, minsan nga'y ilang oras pang nakikipag-vc sa amin ang bata. Si Kuya Clind rin ay madalas na napapagawi sa Cavana kaya kapag nagkakataon ay magkakasama pa kaming tatlo nina Amox, tapos 'saka tatawagan ni Kuya Clind si Zart para asarin na hindi siya kasama sa bonding 'naming' magkakapatid.

Minsan, sinasadya pa ako ni Niqui sa Sificility's, sabi niya— hihiramin niya muna ako kay Amox at kay Ms. Sifi para may kasama siyang gawin ang mga gusto niyang gawin sa buhay kahit alam ko naman na gusto niya lang akong libangin matapos malaman ang nangyari sa aming magkakaibigan. Maldita pa rin ang isang 'yon pero nakita kong nagiging sensitive siya kapag nagagawi sa usapan namin sina KC. Nakaka-usap ko pa rin naman si EJ, paminsan-minsan kapag hindi busy sa school. Si Kathia'y nangungumusta pa nitong mga nakaraan bago siya umalis patungong ibang bansa.

Sanay ako kay Ace na hindi pala chat kaya naiintindihan ko kung hindi kami gaanong mag-usap pero ang paminsan-minsan niyang text at paalala na mag-ingat ay sapat na sa akin.Sa tingin ko, ang isang bagay na nagbago sa mga kaibigan ko na hindi ko makakasanayan ay 'yong pagbabago ni Iya at ni KC.

Parang bula na lang talaga na naglaho si KC. Lahat ng account ay deactivated at kahit ni isa sa mga pinsan niyang kakilala ko ay hindi rin alam kung nasaan siya. Samantalang si Iya, nakikita ko na lang halos sa loob ng campus. Nagngingitian lang kami sa isa't-isa kapag nagkakasalubong sa loob ng campus na parang magkakilala lang at hindi matagal na nagkasama. Alam kong may kinakaharap siyang mga problema dahil base sa kwento ni Migs— naging mailap talaga sa tao si Iya kahit pa sa mga ka-blockmates at ibang kaibigan nila.

The only thing that I hope for is that they will always be safe.

Noong anniversarry namin ni Amox, magkakasama kami nina Niqui, Kuya Clind, Dart, at Liham. Naisipan namin na mag-take-out lang ng mga pagkain tapos sa bahay nina Amox sa Victoria kami kumain. Napag-usapan din ang mga plano nila sa buhay kapagkatapos ng graduation hanggang napunta kay Amox at sa plano niya sa buhay.

Walang nagbago. Kukuha pa rin siya ng NMAT pagkatapos kumuha ng board exam. Marami kaming napag-usapan no'n at akala ko talaga pinagbigyan ako ni Amox na h'wag nang mag-abala para sa anniversarry namin pero may hinanda pala siyang surpresa para sa akin. Kaya ngayo'y naghahanda na ako nang mga dadalhin ko para ro'n. Binilinan ako ni Amox na maghanda nang sapat na gamit, pati tubig dahil aakyat daw kami sa Marlboro Country at mag-ha-hike rin kami.

"Eto, maganda— Bhea. Bagay na bagay sa'yo. Suotin mo 'to kapag gabi na at mag-di-dinner na kayo ni Amox."  Inabot sa'kin ni Liham ang isang red wine satin side open spaghetti strap summer V-neck dress.

Na-imagine ko kaagad ito na suot ko.Nadulas sa'kin si Dart sa sobrang kadaldalan niya no'ng anniv namin ni Amox. Sabi niya'y nagpahanda pa raw si Amox ng candle light dinner sa hiking spot na pag-ste-stay-an namin kaya tinutulungan akong maghanda ng mga dadalhin ni Liham. Nakabalik na kasi ulit si Niqui sa Boston dahil bakasyon na naman.

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Where stories live. Discover now