CHAPTER 124 : CHAMPIONSHIP

4.7M 94.6K 211K
                                    

KEV'S POV

Matapos kong manood ng laro ng ibang school ay mag-isa akong bumalik sa room namin para kunin ang gamit ko..

Tapos na lahat ng laro at marami na rin ang nag-uuwian..

"Huhuhu sana nga ay nagkakamali lang tayong si Maxpein at Deib na nga!"

"Gaga! Pano tayo magkakamali e kitang kita na ng dalawang mata nating nagyakap na nga sila!"

"Edi sila na ngang talaga! Huhuhuhu!"

"Malamang!"

"Nakakainis naman oh!"

"Oo nga e! Matapos ni Kim! Sila naman ngayon!"

"Nakakaloka.. hindi ko talaga inakalang magkakatuluyan sila!"

"Pero in fairness.. bagay sila di ba?!"

"Huhuhu sad to say, but yes! They look soooo cute!"

"Yiiiieeeee!!! Nakita mo ba kung pano niyakap ni Deib si Taguro?! OMG!"

"Ang sweeeeeettt nilaaaaa!!!!"

"Supppeeerrr! Like sana mangyari yun sakin! My God.."

"Nakakainggit naman si Maxpein.."

"Sinabi mo pa!"

Napahinto ako sa paglabas ng pinto nung marinig ko ang kwentuhan ng nag-aartihang estudyante ng BIS..

Sinundan ko pa sila ng tingin habang naglalakad sa baku-bakong hallway namin..

Tsh.. mayaman sa mayaman.. bagay na bagay nga..

Inis akong lumabas ng room na yun at saka naglakad papalabas ng school..

May mangilan ngilan pa ring sumusulyap sakin habang naglalakad ako at malamang karamihan sa kanila ay nagtataka kung bakit ganito ang lakad ko.. parang hirap na hirap!

Naglalakad ako papalabas ng LU nung biglang makasalubong ko si Jermayne..

Hindi talaga kami nagpapansinan..

May kaunting iringan..

Pero hindi ko sya matiis..

Sya na lang ang natitira kong tunay na kaibigan..

"J-Jermayne.." tawag ko sa kanya kahit nakalampas na sya sakin, agad naman akong lumingon paharap sa kanya.

Nananatili syang nakatalikod sakin kaya naman napabuntong-hininga ako..

"S-Sorry.." mahinang usal ko pa.

At saka sya dahan dahang humarap sakin..

Nananatiling blangko ang mukha nya at deretsong nakatingin sakin..

Parang bumalot ang guilt sa buong katawan ko..

"S-Sorry kasi.. m-matigas ang ulo ko.. n-nadamay pa yung laro ko, n-natalo tuloy tayo.. S-Sorry, pare.." mahinang usal ko pa.

Pero hindi sya nagsalita at nanatiling nakatingin sakin.

Please, pare.. pakisama naman.. Ikaw na lang ang sigurado akong totoo'ng tao sakin..

"J-Jermayne.." animong nakikiusap pang usal ko ng pangalan nya at bumuntong-hininga naman sya at iniwas ang tingin nya sakin.

Alam kong magsasalita na sya kaya naman bahagya pa akong lumapit sa kanya.

"S-Sorry talaga.. s-sorry kasi dahil sakin natalo tayo.." dagdag ko pa. "K-Kung hindi ako nagpadala sa problema ko.. h-hindi sana tayo matatalo.."

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon