14.2. 26 Letters (N - Z) (AU)

6.7K 149 22
                                    

Title: 26 Letters (Part Two)

Pairing: KathNiel

Genre: Romance/Comedy

Dedication: CynlovesMicky

N - Z

Neon

"Alam mo..."

"Hindi ko pa alam."

"Wag mo nga akong pinipilosopo hah, white lady..." inis na sabi ni Daniel sa magandang dilag na nasa tabi niya ngayon, wala ng iba kundi ang nobya niya na si Kathryn.

Oo, nobya na niya ang dalaga.

Pinahirapan rin siya ng halos tatlong buwan bago siya sagutin. Parang naglilihi lang si Kathryn nung nililigawan niya. Pabili nito, pabili noon, tapos isang subo lang ayaw na.

Minsan pa nga siyang nabatukan nung nagtanong siya kung pinagbubuntis na ba nito ang anak niya.

"Kasi naman Kaps...masyado kang uptight. Hayaan mo namang magmukha kang tanga minsan," sambit ng dalaga.

"Naku. Kung hindi lang kita mahal, hindi talaga ako papayag magsuot ng neon glow in the dark yellow shoes sa kasal ng kaibigan ko," singhal ni Daniel.

Nagsasayaw kasi sila ngayon sa reception ng kasal at pinatay ang ilaw para daw mas dama ang pagsayaw nila sa dilim. Romantic daw kasi iyon. At ngayon eto silang dalawa, agaw-pansin ang nagniningning nilang sapatos sa dilim. Dinaig pa ata nila ang mga kinasal sa araw na iyon.

Ngumiti lang si Kathryn at mukhang natutuwa ito sa mga nangyayari sa kanila ngayon.

"Wag ka ngang ngumiti kundi dadagdagan ko ang kahihiyan natin at hahalikan kita diyan," banta ng binata.

"Weh? Kaya mo?"

"Wag mo kong subukan, white lady."

"Hindi ako natatakot sa'yo Kaps."

Hinapit ni Daniel ang nobya sa bewang at nilapit ito lalo sa kanya. Kasabay ng pagbukas ng ilaw ay ang paghalik ng binata sa mga labi ng dalaga.

 

Overprotective

Inis na inis na si White Lady, este si Kathryn. Nakailang balik na kasi siya kwarto niya. Ang dami kasing arte ng kanyang nobyo. Ang daming punla nito sa kayang mga sinusuot, kesyo daw masyadong maikli ang shorts, mababa ang neckline, o masyadong hapit sa katawan.

"Bwisit ka Kaps! Isang panglalait pa sa damit ko, magdate ka ng mag-isa mo!" bulyaw niya dito bago pumasok ulit sa kwarto.

Nagpalit na siya ng damit. Sinuot niya ang pinakahabang pantalon na kayang makita sa closet at t-shirt na halos masakal na ang kanyang leeg. Nagdadabog siya habang pababa ng kwarto.

"Oh...eto...masaya ka na?" tanong ni Kathryn na halatang gusto ng sakalin ang nobyo sa sobrang inis nito sa kanya.

Nag-thumbs up sign lang si Daniel at iginiya na ang nakasimangot na dalaga palabas. Inilagay niya ang kamay niya sa bewang nito na parang takot mawala ito.

"Nakikiliti ako," reklamo ni Kathryn.

"Ano ang makikiliti ko sa'yo eh ang kapal ng bilbil mo," pang-asar ni Daniel.

Itinulak ni Kathryn ang binata at tiningnan ito ng masama. Nakapamaywang na rin ito. "Ulitin mo nga ang sinabi mo."

"Ang sabi ko makapal ang bilbil – Ouch! Bakit mo sinipa ang paa ko?!" sigaw ni Daniel habang sapo ang paa niya.

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon