Chapter Thirty

88.6K 1.2K 65
                                    

Chapter Thirty

Prove It

"Budweiser." I said to the bartender as soon as I took my seat.

Saglit niyang tinitigan ang mukha ko bago umalis para asikasuhin ang inorder ko. He's not the only one giving me second glances or suspicious stares, halos lahat ng naka-salubong ko papunta dito sa bar ay ganoon. Must be my puffy eyes or my red nose, or maybe my whole face. Bumuga na lang ako ng hangin at ipinatong ang ulo ko sa aking kamay.

Kahit na malayo ay dumayo pa talaga ako rito sa Tranquil para magunwind. Mas tahimik kasi rito at mas konti ang taong nagpupunta. This is a music bar after all, where bands or any musical acts play. Suzy and I used to go here everytime Jupiter would have a gig, pero dahil big time na ang bandang iyon ay madalang na silang pumunta dito.

Ipinatong ng bartender ang bote ng Budweiser at basong may yelo sa aking harap. I whispered my thanks and without any ado, drank the beer straight from the bottle. Wala ng baso-baso pa. Ramdam na ramdam ko ang init na gumuhit sa aking lalamunan patungo sa aking sikmura. I slugged it down 'til it's half full.

"Woah," narinig kong sabi nung bartender paglapag ko ng bote "Rough day?"

Bumuntong hininga ako "You can say that,"

"Trabaho ba?" Tinagilid niya ang kanyang ulo habang nagpupunas ng wine glass "Pera? O baka naman pag-ibig?"

I smiled faintly and drank again. Siguro marami na siyang na-encounter na ganito kaya alam na niya. Alcohol ang pansamantalang solusyon sa kahit anong problema, for some people including myself. Para kasing ang sarap sa pakiramdam nung mapait at mainit na likido lalo na sa mga ganitong sitwasyon.

I sucked my breath in after emptying the bottle "Isa pa,"

"Uh huh, problemang pag-ibig nga." umiling ito at kumuha ng panibagong beer sa fridge "I suggest you take it slow. Hindi pag-inom ang makakatulong sa'yo. Baka mamaya malasing ka agad, babae ka pa naman."

Hindi ko siya pinakinggan at tinungga na lang ang pangalawang bote ng Budweiser. Iyon naman ang pinunta ko rito e, so why bother taking it slow? Alam kong hindi ito makakatulong pero gusto kong makalimot, gusto kong tumakas sa sakit.. kahit ngayong gabi lang.

"She's my girlfriend, Winiata."

I drank the beer in big gulps with my eyes closed and tears falling. That fucking line. Sa lahat ng sinabi sa akin ni Jerome kanina, 'yan ang pinaka masakit. 'Yan ang pinaka hindi ko makalimutan. Kapag naaalala ko ang mukha niya habang binibitawan ang mga salitang iyon, parang pinipiga ang puso ko.. pahigpit ng pahigpit habang tumatagal.

Alam ko na 'yun e.. Alam kong posibleng sila nga noong babae. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ang sakit pa rin. It shouldn't be like this, right? Dapat kapag alam mo na ang isang bagay bago pa man magkaroon ng kumpirmasyon ay hindi na ganoon ka-sakit.

Umasa ka kasi, Winiata, the other part of me said. Umiling ako at nagpunas ng luha. Shit.

"So good evening again to everyone here at Tranquil," napa-tingin ako sa stage sa harapan nang may magsalita roon "We hope you enjoy our set tonight and we'll now proceed with the requests."

Ngumiti ang babaeng bokalista tsaka inabot ang papel mula sa staff ng bar. Ang apat pa niyang mga lalaking kabanda ay pumwesto na sa kani-kanilang mga instrumento, inaantay ang kantang tutugtugin mula sa requests ng mga tao.

"First up for Senti Nights," said the vocalist "Is Up Dharma Down's Oo."

The audience applauded and cheered by the mention of the song. Palagi talagang nirerequest ang mga kanta ng Up Dharma Down, based on my experience here. Lalo na kapag Senti Nights ang tema. Hindi ko alam ang kantang iyon kaya humarap na lang uli ako sa mesa at uminom. Sinenyasan ko ang bartender na bigyan pa ako ng isa dahil paubos na ang hawak ko.

Stuck With The BillionaireWhere stories live. Discover now