Chapter Forty Four

89.1K 1.5K 173
                                    

Reader's discretion is advised.

Chapter Forty Four

Fast and Hard

Pabaling-baling ang ulo ko sa kung saan-saang direksyon upang hanapin si Achilles. Paglabas ko kasi ng function hall ay hindi ko na siya nakita. Hindi ko tuloy alam kung kumanan ba siya o kumaliwa. Basta sinundan ko na lang ang daan na alam kong patungo sa labas ng hotel.

Sobra sobra ang kalabog ng puso ko. Hindi lang dahil sa pagod sa pagtakbo, isama na rin ang kaba at takot na nadarama ko. I need to catch Achilles. Alam kong na-misunderstood niya ang kanyang nakita. Magpapaliwanag ako sa kanya na nagkamali siya at wala lang iyon.

"Shit!" napa-daing ako nang bigla akong natapilok.

Humawak ako sa pader at tinaggal ang pumps kong itim. Both my feet were already sore from my shoes plus the running. Malayo-layo na rin ang aking tinakbo at kanina ko pa nga nararamdaman ang pagkirot ng aking paa. Pero hindi ako maka-hinto dahil gusto ko ng mahanap si Achilles.

With my pumps in hand, I lifted my gown and continued to ran. Siguro sa parking lot na lang ako pupunta at baka maabutan ko doon si Achilles o ang valet na kukuha ng kanyang kotse.

"Ma'am!" sinalubong ako ng isang guard ng hotel "Ma'am, bakit po kayo tumatakbo at naka-yapak?"

"Kuya," I breathed heavily "Kuya.. may nakita ka bang l-lalaking naka-pormal? Naka-suit and tie.. itim ang tie niya. Shit!" I crouched and gasped for air.

"Si Mr. Silvero po ba ang tinutukoy niyo, Ma'am?"

Nabuhayan ako ng loob at nag-angat ng tingin "Oo! Oo, siya nga! Kuya, saan siya nagpunta? Paki-turo naman, pakiusap!"

Itinuro niya ang dulo ng hall "Papunta po siya sa basement. Diretso lang po kayo doon at sumakay ng elevator pababa."

"Salamat, Kuya!" tumakbo na uli ako "Maraming salamat!"

Sinunod ko ang tinuro noong guard sa akin. Mabilis kong pinindot ang buton pababa sa elevator ngunit nasa twentieth floor pa ito. Napa-mura uli ako at nagdesisyong maghagdan na lamang. Mas mabilis ito kaysa antayin ko pa ang pagbaba ng elevator.

I went to the emergency stairs and ran down. Sobrang kapos na ako sa hininga ngunit hindi ako nagpatinag. Nang makarating ako sa dulo ng hagdan ay tinakbo ko na naman ang parking lot. There were so many cars and I don't know where's his BRZ.

Naka-rinig ako ng tunog ng smart key sa hindi kalayuan. Sinundan ko kung saan iyon nanggaling at napa-tawa ng malamya nang makitang palapit pa lang din si Achilles sa kotse niya.

"Achi!" I yelled with all my might.

Lumingon siya sa aking direksyon at nanlaki ang mga mata. He closed the door of his car and stared at me with his dark orbs. I walked to him, limping and breathing heavily. Nanghihina na ang buo kong katawan dahil sa pagod. Gusto kong sumalampak na lang sa sahig.

"What are you doing here?" matigas niyang turan.

Napa-tigil ako sa paglalakad at pilit na nagsalita "Hinabol kita. B-bigla ka kasing umalis e.."

His lips twitched "And? Why did you leave the ball? Hindi ba ay nagkakasiyahan kayo ng lalaking iyon? You two were obviously having fun together. Why don't you just go back up there to your asshole of a boss and leave me alone."

Aktong tatalikod na siya kaya mabilis kong hinawakan ang kanyang braso upang pigilan siya. Para siyang napaso sa aking kamay at mabilis niya iyong kinabig at hinarap ako. My heart sank at what he did. Ayaw niyang magpahawak sa akin..

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon