Chapter Twenty One

91.9K 1.3K 43
                                    

Chapter Twenty One

Trouble For Me

Isinara ko na lang ang banyo tsaka sumandal doon. Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi, lumundag din ang aking puso sa kilig. I'm his responsibility.. Ang sarap pakinggan at ulit-ulitin! I pressed my cheeks together and squealed. Hindi nga lang ganoon ka-lakas dahil baka marinig ni Jerome.

Nalipat ang atensyon ko sa bath tub na puno ng tubig at may mga bula pa sa ibabaw. Lumapit ako doon at agad kong nalanghap ang bath bombs na amoy vanilla at roses. I dip my fingers in the warm water and blew the bubbles that got stuck between my fingers. Hinubad ko na ang aking basang damit at swimsuit at lumublob sa bath tub.

Nakaka-gaan ng feeling ang mga bula at ang amoy ng bath bombs. Idagdag pa ang magandang tanawin mula sa one-sided window dito sa bathroom, medyo umokay na ang pakiramdam ko sa nangyari kanina. It was an accident. It was nobody's fault. Hindi ko na lang uli ako sasakay ng jet ski kapag walang life vest.

I figured, siguro hindi ako mahihirapang umahon kung may life vest ako. Kahit magkapulikat ang aking binti ay lulutang pa rin ako at hindi lulubog. Mabuti na lang at nasaklolohan kaagad ako ni Sir Jerome..o kaya naman ni Achilles.

Bumalik sa aking isipan ang ipinakita niya sa akin kanina. His angry face, matagal ko ng hindi nakita iyon. Madalas mainis si Señorito dahil talagang limitado lang ang pasensya nito sa mga bagay-bagay, pero ang magalit? You have to do something really chaotic before that happens. Kaya iyon ang pinagtataka ko kanina, bakit siya galit? E samantalang ang saya nila ni brunette bago magjet ski?

I heard a soft knock om the door "Winiata, okay ka lang dyan?"

"Oo!" medyo pasigaw kong sabi upang narinig niya "Sandali na lang."

Hinatak ko ang lever sa gilid ng tub at nagsimulang lumubog ang tubig sa drainer. I turned on the shower and took a quick bath. Minadali ko rin ang pagtuyo sa aking sarili at pagbihis dahil naghihintay na si Jerome sa labas, ayoko naman siyang pag-antayin ng matagal. Now's not the right time for long bubble baths.

Naabutan kong naka-upo sa sofa si Jerome habang nanonood ng TV. Agad siyang tumayo nang marinig ang pagbukas ng pinto at lumapit sa akin.

"Mabuti na ba ang pakiramdam mo?" hindi pa rin naaalis ang pag-aalala sa kanyang tinig.

I nodded and gave him a reassuring smile "Okay na ako, Jerome. Salamat ha."

"Wala 'yun." he smiled back and held my wrist "Come, you need to rest."

Hinila niya ako papunta sa kama at pina-upo doon. Inayos niya ang mga unan at comforter bago ako inutusang mahiga.

"Pero basa pa ang buhok ko.." nag-aalangan kong sabi.

"Right," napa-hawak siya sa kanyang batok "Tuyuin mo na muna ang buhok mo. I'll just wash and change, then I'll be back."

"H-ha?" I blinked at him.

Kinuha niya ang maliit na twalya sa aking kamay at ipinatong sa aking ulo. He slightly rubbed it on my hair then chuckled "Dry your hair."

Nanatili lang akong naka-titig sa kanya, naguguluhan. Magsasalita pa lang sana ako pero lumabas na siya ng aking suite. Now, what just happened?

Sinunod ko na lang ang kanyang sinabi. Naupo ako sa harap ng vanity mirror kung nasaan may hair blower at itinutok iyon sa buhok ko. Maka-lipas ang twenty minutes ay tuyo na ang buhok ko, kahit na mahaba kasi ay manipis ito.

Napa-lingon ako sa pinto nang bumukas. Pumasok si Sir Jerome, nakapagpalit na siya ng puting shirt at khaki shorts. Nasa kamay niya ang kanyang cellphone at laptop. Inilapag niya ang mga iyon sa table at lumapit sa akin.

Stuck With The BillionaireWhere stories live. Discover now