Chapter Twelve

89K 1.4K 8
                                    

Chapter Twelve

Proxy

Nagising ako nang medyo pumipintig pa rin ang ulo. Sino ba kasing baliw ang oorder ng iba't ibang alak kagabi? Beer, Gin and tonic, Vodkatini, Manhattan at Jack and Coke. Hindi naman ganoon ka-lakas ang tama pero kapag naghalo-halo na sila, hangover ang aabutin mo.

Dahan-dahan akong bumangon tsaka sinilip ang orasan. Alas nuebe na pala, tanghali na para sa akin. Good thing Sabado ngayon, hindi ko kailangang gumising ng maaga para pagsilbihan ang mahal na Señorito. Asikasuhin niya naman ang sarili niya paminsan-minsan.

Bumaba na ako para kumain ng umagahan pero nagulat ako nang maabutan ko si Achilles na nakaupo sa high stool, naka-boxers lang at kaharap ang kanyang Macbook. Nag-angat siya ng tingin nang makita akong pumasok sa dining area.

"Good morning, Win." he smiled then stood "Breakfast?"

Tumango ako kahit naguguluhan. Lalong kumunot ang noo ko nang nagsimulang gumawa si Achilles ng sandwich at orange juice. I sat in front of his vacant seat and put my head on my hand. Feeling ko mas sumakit ang ulo ko.

"Here," inilapag niya ang plato na may sandwiches at basong naglalaman ng orange juice "And drink this after for your headache." inabot niya sa akin ang tableta bago umupo sa tapat ko.

Weird. Ang sabi ko kanina sa sarili ko ay pagsilbihan niya sana ang sarili niya, hindi pagsilbihan ako. But nevertheless, kinain ko ang ginawa niyang umagahan with a smile on my face.

Ngumisi si Achilles tsaka pinagsalikop ang kanyang mga daliri "Maligo ka na pagtapos kumain. Let's go out."

"Huh?" sabi ko kahit puno ang aking bibig "Where to?"

"Mall. We need to buy some things." iyon lang ang kanyang sinagot bago ibinalik ang atensyon sa kanyang laptop.

Ano naman kaya ang some things na iyon? Imposible namang grocery dahil puno ang stocks dito sa bahay at never siyang sumama sa akin sa pamimili. Tumango na lang ako at inubos ang pagkain ko.

Sumakay kami sa kanyang kotse matapos maligo at mag-ayos. Sinusuklay ko pa ang buhok ko gamit ang aking mga daliri nang may kinuha si Achilles sa drawer sa harap ko. It's a pink envelope that looks lime an invitation. Iniabot niya iyon sa akin.

"Kanino ito?" tanong ko habang tinatanggal ang silver na ribbon mula sa invitation.

Hindi ako sinagot ni Achilles o nilingon man lang. That probably meant I should figure it out myself. Binuklat ko ang pink scented paper at binasa ang nilalaman.

"It's a wedding invitation." nakaramdam agad ako ng bukol sa lalamunan ko "Pineda and Choi nuptial."

Sinilip ko ang reaksyon ni Achilles. Naka-focus ang kanyang mga mata sa kalsada pero alam kong tensed siya. Halatang halata sa mariing paghawak niya sa manibela at pagtiim ng kanyang bagang.

"Yes, it is." malamig niyang utas. "You know what to do."

Kinagat ko ang aking labi habang tumatango. Ipinatong ko ang imbitasyon sa aking hita at tumingin na lang sa labas.

He wanted me to attend the wedding for him. Hindi niya kaya. Even the mention of the word 'wedding' or anything synonymous to it, mababadtrip siya agad o maiinis. I understand. I totally understand. Na mahirap ito para sa kanya, and it would never be easy. Isa rin ito sa mga dapat kong gawin para sa kanya bilang kabayaran.

Una kaming nagtungo sa isang salon sa loob ng mall. Mukhang regular dito si Achilles dahil kilala siya noong babaeng nasa front desk. Maya-maya lang ay may lumabas na isa pang babaeng mukhang nasa early thirties at nakipagbeso kay Kamahalan.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon