Chapter Fifteen

100K 1.7K 103
                                    

Chapter Fifteen

Pansinin Mo Lang

I could still remember that night clearly like the back of my hand. How could I forget? Kung ang pinaka iniingatan kong first kiss ay hindi inaasahan. Kung ang pinaka iniingatan kong first kiss ay parang bangungot. Kung ang pinaka iniingatan kong first kiss ay kinuha ng demonyong si Achilles Silvero.

Simula nung bata pa ako, lagi ng nakatatak sa isip ko kung paano ang siste ng aking first kiss. Isang gabi, sa ilalim ng buwan at makikislap na bituin, sa garden ng isang restaurant, isang pinaghandaang candle light dinner, at kasama ang lalaking pinakamamahal ko.

Tapos na kaming kumain at magkukwentuhan na lang. Hanggang sa mapapatigil siya sa pagtawa at tititigan ako sa mga mata. Hahawiin niya ang aking buhok na nasa aking mukha at ilalagay sa likod aking tenga. Bibigyan niya ako ng matamis na ngiti at sasabihing mahal niya ako. And then he would move closer until our lips would meet.

But everything just came crashing down. Ang inaakala kong magical first kiss ay nauwi sa isang pangyayaring nais kong kalimutan. Napagtanto ko na hindi pala nangyayari sa totoong buhay ang mga ganoong klaseng pangyayari kung hindi sa telebisyon lamang.

It happened when I was in second year college, at the seashore near the bonfire, at the middle of the crowd, and with a stupid bastard.

Summer noon at nasa isang beach kami sa Batangas upang ganapin ang anual Sand Blast ng kambal na Isaac at Irene Mondragon. Naging ritual na namin iyon na pagtapos ng school year ay maga-outing kami upang magunwind at kalimutan ang stress na dulot ng school.

Only we and some friends were invited. Three-day vacation iyon at non-stop na swimming sa umaga at party sa gabi. Talagang pinaghahandaan iyon ng magkapatid na Mondragon, sa tulong namin, at inaabangan ng aming mga kaibigan.

It's the second night of our stay. Napagdesisyunan nilang magkaroon ng bonfire at doon sa dalampasigan magkainan at inuman. Mga bente ka-tao kami noon, puno ng tawanan at kwentuhan.

Naka-upo ako sa pagitan ni Joakim at Cole, mga kabarkada namin, nang biglang sumulpot si Achilles. Kinuha niya ang bote ng beer mula sa akin at ibinigay kay Cole, tsaka ako hinatak patayo.

Akala ko kung ano ang kanyang kailangan. Akala ko ay magpapatulong siya sa pagluluto ng barbeque sa gilid. Iyon naman pala, tatarantaduhin niya lang ako.

Achilles stared into my eyes. Walang pasubali ay inilapat niya ang labi niya sa akin. Saying that I was shocked would be an understatement. I was beyond that. Iyong parang bigla ka na lang tinamaan ng kidlat at wala kang magawa. That's what I felt.

It was a chaste kiss. Dumampi lamang ang labi niya sa akin. No tongues, no anything. But it lasted for a few seconds. Nang humiwalay siya ay tulala pa rin ako. Hindi ko napansin na tumigil pala ang mga tao sa kani-kanilang ginagawa dahil sa nasaksihan.

An evil smirk played on Achilles' lips. Nang bahagya siyang umatras ay nakita ko sa kanyang likuran si Paige, ang girlfriend niya ng mga panahong iyon. Kitang-kita ko kung paano nag-alab ang galit sa kanyang mga mata.

Tinalikuran ko sila at tatakbo na sana palayo pero tumambad sa akin si Richmond, ang lalaking kinahuhumalingan ko. His mouth was hung open, hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan.

Naramdaman ko ang kamay ni Achilles sa aking mga balikat at sinabing "You can't like him, Win. He's not good for you."

Then realization hit me like a comet, hard and ruthless. Achilles hit two birds with one stone. Nais niyang makipaghiwalay kay Paige dahil sa pagiging clingy nito at ilayo sa akin si Richmond, sa paniniwalang hindi siya makaabuti para sa akin. He used me as his stone. He used me at his expense.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon