Chapter Sixty Four

116K 1.6K 73
                                    

The last chapter.

Chapter Sixty Four

Stuck With Me

Inaantok pa ako at wala sa tamang huwisyo nang sumakay uli ng sasakyan, ganoon din si Achilles. Namumungay pa ang mga mata niya at halatang kakagising lang. Ang ilang minutong pahinga kasi na sinabi niya kanina, umabot ng isa't kalahating oras. Hindi niya rin namalayan na napatagal na pala kami.

I couldn't blame him though, napaka-kumportable kasi ng pwesto namin sa couch kahit na pinagkasya lang namin ang aming mga sarili. Halos sakop ko ang espasyo dahil sa malaki kong tyan, at naka-siksik naman si Achilles sa likuran ko, naka-yakap pati sa akin.

"Let's go," ani Achilles kay Kuya Fred habang nagtitipa sa kanyang cellphone. Tumango lang ito sa kanya at pinaandar na ang sasakyan palabas ng gate.

Sumandal ako sa bintana ng kotse at pinagmasdan ang matayog na bahay na unti-unting nawawala sa aking paningin. Hindi pa rin ako makapaniwala na maninirahan kami sa bahay na iyon. Sa malaki at magarang bahay na kahit kailan, hindi ko akalaing makakatapak ako. It's just so bizarre and surreal.

Everything's surreal, actually. Iyong tipong para lang akong nananaginip nang nangyari ang lahat ng mga bagay. Iyong dahil sa sobrang saya, parang hindi totoo. Pero mali, tunay ang lahat. Nagaganap lahat sa buhay ko. Bukas ang dalawang mga mata ko, ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko, at abot-kamay ko ang lalaking mahal na mahal ko.

Nag-angat ng tingin sa akin si Achilles nang hinawakan ko ang kanyang mga daliri. He flashed me his boyish smile I've always adored, and pulled me towards him. Sinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat at hinayaan ang sarili kong maging kumportable.

Naramdaman ko ang labi niya sa ulo ko "Still sleepy?"

Umiling ako at tumingin sa kanya "I've rested well. Saan na ba tayo pupunta ngayon, Achi?"

"To dinner, alam kong nagugutom ka na," tumawa siya ng mahina "I made reservations at Grammey for us. Is that okay with you, hon?"

Tumango ako sa kanya at humalik siya muli sa akin bago binalik ang atensyon niya sa kanyang cellphone. Kanina pa siya nagtitipa roon, hindi ko malaman kung ano ba ang ginagawa niya dahil naka-tagilid iyon palayo sa akin. Kumunot ang noo ko.

"Work?" I asked curiously.

Mabilis niyang tinapos ang pagtatype roon at nilagay ang cellphone sa bulsa niya "No, just Ice. May tinanong lang."

Bakit hindi ako naniniwala sa sinasabi niya? My frown deepened. Hindi naman sa pinagdududahan ko siya, pero ngayon lang kasi nagtago si Achilles ng text. Malaya naman siyang nakakapag-text at tawag kapag kasama ako, minsan ako pa ang sumasagot para sa kanya. Hindi ko tuloy mapigilang maghinala ngayon, probably my pregnancy hormones are acting up again.

"I know that look," pilyong sabi ni Achilles at kinurot ang ilong ko "I'm not lying, Win. Well, sort of but.. You'll see."

Hindi na lang ako nagsalita pa at tumingin ng diretso. Sort of lying? About what? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang may nag-uunahang kung ano sa aking tyan.

I'm sure it's not about some woman, or women. Bago pa man aminin sa akin ni Achilles na mahal niya ako, alam kong hindi na siya nakikipagkita pa sa ibang mga babae. He don't do flings anymore, he's serious. Lalo na ngayong kami at magkakaroon ng baby, ramdam na ramdam ko ang pagiging tapat niya sa akin. And I love him more because of that.

Siguraduhin lang niya na hindi ko ikagagalit ang bagay na kanyang tinatago kung hindi, patay siya sa akin. Pati 'yang si Isaac Gilbert Mondragon!

Stuck With The BillionaireWhere stories live. Discover now