Chapter Twenty Seven

86.6K 1.2K 28
                                    

Chapter Twenty Seven

Pictures

I felt excited upon seeing the gold letterings of Tremont Hills. Ang tagal ko ng hindi nakapunta rito. I missed the peaceful ambiance of this place. Sobrang nakaka-relax tumambay dito dahil madalang ang tao at presko ang hangin dahil sa nagtataasang mga puno sa paligid, pati na rin ang mga bulaklak na alagang-alaga.

This is an exclusive subdivision as well, kagaya ng Amber Estates. Mas mahigpit nga lang ang seguridad rito dahil puro malalaking tao at artista ang naninirahan. Ano pa nga ba, bilyonaryo ang mga Silvero e. Ineexpect ko bang sa basta-basta na lamang sila titira?

"Bakit tayo nandito?" naglakas loob na akong magsalita kahit naka-simangot pa rin si Kamahalan.

"Mom's cooking tonight. Tsaka matagal na akong hindi nakaka-dalaw so she asked me to come." seryoso nitong sagot "She also asked me to bring you. She missed you."

Napa-ngiti ako. Matagal ko na nga ring hindi nakikita si Tita Luisa at namimiss ko na rin siya. Huling kita ata namin ay noong araw bago ang kasal nila Achilles. Wala akong lakas ng loob na humarap sa parents ni Achilles noong mga panahong iyon dahil nahihiya ako sa nangyari, though hindi nila alam. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang ako ang sumira sa kanilang anak?

Tumigil ang Montero sa pamilyar na berdeng gate, na ilang sandali lang ay bumukas na rin. Hindi ko maitago ang kasiyahan ko nang masilayan uli ang pamilyar na lugar na ito. Ang front yard nila na puno ng mga halaman at statues, ang fountain sa gitna nito, at ang modernong bahay nila na may tatlong palapag.

This was my third home. Una syempre ay ang bahay namin sa Laguna. Pangalawa, ang apartment na tinitirhan namin ni Kuya Levi noong college sa Quzeon City. At ito, the Silvero's mansion. Sa katunayan nga, mas madalas pa ako rito kaysa sa apartment dati. Palagi kasi kaming nagsisleep over nila Joakim dito, minsan ay nakiki-kain din lalo na kapag si Tita Luisa ang nagluto. Kulang na lang ay magalsabalutan kami at dito na tumira kila Achilles.

Bumaba agad kami ni Achilles paghinto sa tapat ng bahay. Nauna siyang maglakad paakyat sa iilang baitang ng hagdan at kasunod niya lang ako. Bukas and double doors ng kanilang bahay, mukhang ina-anticipate talaga nila ang aming pagdating. Sobrang maaliwalas pa rin ng loob ng bahay, as usual, parang hindi nagkakaroon ng alikabok. Naabutan namin ang iilang kasambahay nila na naglilinis sa foyer.

"Good evening ho, Sir Achilles, Ma'am Winiata." bati ng mga ito sa amin nang makita kami.

Binati ko rin sila habang itong si Kamahalan ay nagtanong agad "Si Mommy, nasaan?"

"Nasa kitchen po si Madamme, Sir." sagot noong isa.

Dire-diretso ito sa paglalakad papsok ng living room, kung saan naabutan namin ang kanyang Daddy na nagbabasa ng mga papeles. Mukhang kakagaling lang din nito sa opisina dahil naka-long sleeves pa ito at slacks. Lumapit agad kami at bumati.

"Oh, you're here." nag-angat ito ng tingin sa amin "Winiata, hija."

"Hi, Tito." I walked to him and hugged him "Long time no see, po."

"Yes. I haven't seen you for so long." bahagya itong tumawa "How are you, hija?"

"Okay naman po, Tito Albert."

Pina-upo ako nito sa couch katabi niya habang si Achilles ay nagtungo sa kusina para hanapin ang kanyang mommy. Nagtanong pa tungkol sa ilang bagay si Tito Albert sa akin na malugod ko namang sinagot lahat.

He haven't changed at all. Kung ano ang itsura ni Tito Albert noon ay ganoon pa rin hanggang ngayon. He's still handsome for his age, hindi nga halatang nasa fifty plus na ito maliban na lang sa iilang puti sa kanyang buhok. He's strict-looking, but really kind on the inside. Hindi siya pala-kumento ngunit kapag nagsalita siya ay puno ng awtoridad.

Stuck With The BillionaireWhere stories live. Discover now