Chapter Twenty Four

89.5K 1.1K 35
                                    

Chapter Twenty Four

Pretend To Be

Ae expected, mugtong-mugto ang mga mata ko paggising kinabukasan. Sobrang hirap idilat ng mga ito na gugustuhin kong pumikit na lang buong araw. Hay, lalong pumangit ang mukha ko! Hindi na nga kagandahan, malas sa pag-ibig, tapos ito pa ang mapapala ko?

Napa-buntong hininga na lang ako tsaka ipinagpatuloy ang paglalagay ng concealer at kung anu-ano pa upang tabunan ang pamumugto ng mga mata ko. I've been sitting in front of the mirror for almost an hour now but I'm not yet done still. This was indeed a struggle.

"Win," narinig ko ang pagkatok ni Achilles sa pintuan "Aren't you ready yet?"

"O-oo!" sigaw ko habang pinapasadahan ng brush ang ilalim ng aking mga mata "Sandali lang!"

I gave up with putting make-up on my face and went out of my room. Nagtungo ako sa dining room kung saan naka-upo na si Achilles. Umupo ako sa tapat niya at nagsimulang kumain ng breakfast.

"Hm," tinagilid ni Achilles ang kanyang ulo at mataman akong tinignan "You're wearing that to work?"

Napa-tingin naman ako sa suot kong blouse at slacks "Bakit? May mali ba?"

"Nothing. Nakakapanibago lang na hindi ka nagdress. Give up impressing your boss now?" Tinaasan niya pa ako ng kilay tsaka ngumisi.

Aba talaga naman. Ipaalala mo pa sa akin, Kamahalan.

"Ganito naman talaga ako mananit, ano ba. Naisip ko lang na sayang ang mga pinamiling dress ni Suzy sa akin kung hindi ko naman susuotin." I said, half lying.

Sayang naman talaga ang nga iyon, ngunit ano nga ba ang tunay na motibo ko? Hindi ba ang mapansin ni Sir Jerome? Pero dati na iyon. Kahapon natapos. Ngayong alam kong malabo na magustuhan niya ako, titigil na ako sa kakapantasya sa kanya. Kaya heto at ibinalik ko ang dati kong pananamit. Simple at walang ipinapakitang balat. There's no point in wearing pretty dresses now.

Tumango-tango si Señorito pero halata namang hindi kumbinsido "So you're still not giving up then? Pursuing that boy?"

"Tingin mo naman sa akin, martyr? Of course I'll stop. Wala namang patutunguhan kung ipagpapatuloy ko ito e. He's a dead end. Imposibleng maka-lusot ako sa kanya."

"Good." Achilles chuckled "Tsaka hindi naman kayo bagay e. 'Wag ka na sa singkit na iyon."

Medyo na-offend ako sa kanyang sinabi pero hindi ko na lang ipinahalata "E kanino ako bagay kung ganon?"

"Sa akin." proud na proud niyang sinabi "Tinatanong pa ba 'yan, honey? Syempre tayong dalawa lang ang bagay."

I made face at him as he wiggled his eyebrows. Malala ang tama sa utak ng lalaking ito.

"Sa'yo? Utang na loob ha." tinwanan ko na lang ang kanyang sinabi at itinuloy ang pagkain.

Pagtapos kong kumain ay nagtaka ako dahil tumayo na rin si Achilles at naghanda. Strange 'cause never naman siyang sumabay sa akin, it's either pauumahin niya ako o sadyang hindi pa siya tapos kaya nahuhuli siya. Pero himala ngayon at sabay kaming lumabas ng bahay.

"Good morning, Sir," agad na bati ni Kuya Fred tsaka ngumiti "Ma'am."

"Good morning, Fred." mabilis na sumakay si Achilles sa passenger seat ng Montero.

Napa-simangot ako. Nagmamadali lang? "Hi, Kuya Fred! Aga natin ah?"

"Oo nga e. Hindi ko alam kay Sir Achilles. Maaga akong pinapunta ngayon. Papasok ka na ba, Winiata?"

"Ah, opo." nginitian ko siya "Sige, Kuya, aalis na ako- "

"Are you just going to stand there?" ibinaba ni Kamahalan ang salamin ng sasakyan at dinungaw ako.

Stuck With The BillionaireWhere stories live. Discover now