Chapter Nineteen

97.4K 1.4K 90
                                    

Chapter Nineteen

Sincerity

"A-achilles?!" napa-tayo ako sa aking kinauupuan, hindi mapigilan ang pagka-utal at pagsigaw.

Ibinuka niya ang kanyang mga braso "The one and only."

My jaw dropped, still not believing my eyes "Anong g-ginagawa mo rito?"

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Wala siyang pang-itaas, ayun at naka-balandra na naman ang kanyang matipunong katawan kaya litaw ang kanyang abs at tribal tats sa braso, naka-board shorts lamang siya at Reef na sandals.

"Enjoying the beach!" humalakhak pa si Kumag na parang may nakakatawa "How 'bout you? Well, enjoying the beach as well, huh? With that..boy." Sinulyapan niya ang dagat.

"Anong boy ang pinagsasabi mo ryan? Boss ko 'yun! At may pangalan siya! He's--."

"Jerome Dee. CEO of Kiong-Dee Group of Companies." nagtaas siya ng kilay sa akin "I know."

Bumaling muna ako sa lalaki nang dumating na ang inorder ko bago sumagot "Paano mo naman nalaman aber?"

He grinned "Connections."

"Yeah, whatever." inirapan ko siya "Alam mo naman pala e, so don't call him 'boy'!"

"Really, now?" humilig si Achilles sa mesa ng bar "Ang defensive mo naman sa kanya."

Nag-iwas ako ng tingin. Ano bang pinagsasabi nito! "Ano ba talagang ginagawa mo rito ha? Last time I checked, hindi ka pupunta sa conference na ito dahil petty at wala kang mapapala. But you're here!"

Inagaw niya sa akin ang bote ng juice tsaka uminom "People change their minds, Win. Kaya ako nandito ngayon." ngumisi siya.

Napa-iling na lang ako at hinanap si Sir Jerome mula sa kina-uupuan ko. Umahon na rin pala siya, kasalukuyang naka-upo sa buhanginan kung saan kami umupo kanina. Naka-soot na uli ang kanyang shirt at wafarers.

"You like him, don't you?"

Nabalik ang paningin ko kay Achilles. May mala-demonyong ngiting naglalaro sa kanyang labi at kitang kita ko sa mga mata niya na nanunukso siya. Pinasadahan niya ng palad ang kanyang medyo basang buhok.

"A-ano? Hibang ka, Achilles!" itinawa ko ang aking nerbyos at uminom na lang din ng juice. Damn!

"Bakit ba ang hilig mo sa singkit?" hinatak niya pa ang dulo ng kanyang mga mata para maging singkit ito "What't so good about them?"

"Wala ka na dun! Dyan ka na nga!" aalis na sana ako ngunit nahawakan niya ang aking braso.

"I know you too well, Win." sinarado niya ang distansya naming dalawa "I know when you're attracted to a certain boy. I know when you like someone. And obviously now, I'm right."

Nakipagtitigan ako sa kanya. Para lang hindi niya ako mabuking at hindi niya maisip na tama ang kanyang hinala. Kahit na nahihirapan akong i-maintain ang aming eye contact ay pinilit ko, just for him to stop nagging about this.

"Hindi." lumunok ako "Hindi ko siya gusto. Nagkakamali ka, Achilles."

He chuckled sexily "Honey, don't try to fool me. 'Cause you can't see what I can."

Nagtayuan ang buhok ko sa leeg dahil sa kanyang sinabi. What the hell? Ano raw? Jeez, bakit ba kasi nandito itong nilalang na 'to?

"He's not good for you, Win." marahan niyang bulong sa akin tsaka hinawi ang buhok ko "He can't be good for you."

Itinulak ko na siya dahil sa pagka-irita. Here he goes again! Didiktahan na naman niya ako sa mga bagay na dapat ako ang magdedesisyon! Pangungunahan niya ako at kapag hindi natupad ang kanyang kagustuhan ay siya na mismo ang gagawa ng paraan! What a devil he is!

Stuck With The BillionaireUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum