Chapter Thirty One

84K 1K 32
                                    

Chapter Thirty One

Malamig

I grumbled when I felt the rays of the sun on my eyelids. Hindi ko ba naisara ang kurtina kagabi? Tumagilid ako ng higa, patalikod sa bintana, para hindi na ako masilaw nang maramdaman kong lumundo ang hinihigaan ko. Kailan pa naging ganito kalambot ang sahig at mattress?

Bahagya kong binuksan ang aking mga mata para tignan kung bakit ganoon at unang sumalubong sa akin ang kulay gray na dingding. Strange, hindi naman ganito ang kulay nito. Dapat ay kulay ivory. Iginala ko pa ang aking mga mata sa buong kwarto, baka sakaling namamalik mata lang ako sa kulay.

There's a table beside me with a digital clock on top, an LCD TV mounted on the wall, stacks of DVDs and consoles on the drawer below it, nagkalat na damit sa sahig, puting bedsheet at makapal na comforter, at may lalaking naka-higa sa aking tabi.

Shit, Achilles?!

I shot up and regretted it immediately. Napa-pikit ako ng mariin at nagmura nang makaramdam ng sakit sa aking ulo. Putik! Parang pinupukpok ng martilyo ang bungo ko! I put my head in my two hands then massaged my temples with my fingers.

Nang medyo nabawasan ang sakit ay agad kong kinapa ang aking sarili. I'm still wearing my clothes yesterday, I could still feel all my body parts intact, and, thank heavens, I'm not feeling sore. Patunay lang ito na walang nangyari sa amin.. o wala siyang ginawang kahit ano sa akin.

Ano nga ba ang nangyari kagabi? Ang tanging naalala ko lang ay ang pagsusuka ko sa may damuhan at dumating si Achilles, tapos ay pinasan niya ako sa kanyang likod at umuwi. Then.. we went to the bathroom. And that's it. Hindi ko na alam ang sunod na naganap, kung mayroon man.

But why the hell am I here, on the devil's bed, lying beside him?

Napa-tingin ako sa kanya nang bahagya siyang gumalaw. Inalis niya ang kanyang braso mula sa pagkakatakip sa kanyang mga mata at humarap sa akin. He's still sleeping and yet again, without his shirt on and only his black boxers. Medyo natatabunan ng kumot ang kanyang katawan pero kita ko mula rito ang kanyang brasong may tats.

Niyakap ko ang aking mga tuhod habang pinagmamasdan siyang matulog. He looked so peaceful, in a good way. He doesn't look twenty five when he's asleep, more like eighteen. Dahil naka-pikit siya ay hindi naaaninaw ang kanyang mga mata.. his dark and expressive orbs. Bumaba ang tingin ko sa kanyang matangos na ilong, mapulang labi na naka-awang ng konti.

Then it dawned me. Shit!

"But that doesn't make you any less attractive!"

I scrambled to my feet and got off his bed, stumbling while at it. Tumakbo ako palabas ng pinto at nagtungo sa sarili kong kwarto. Mabilis akong pumasok sa banyo, ni-lock ito, at nagpunta sa lababo para maghilamos.

Itinukod ko ang aking kamay sa lababo at tinignan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Una kong napansin ang pamumula ng aking labi at wala sa sarili kong pinadaanan iyon ng aking mga daliri. Fuck.

I.. Achilles.. we.. made out?

Napa-pikit ako ng mariin at umiling, nagmura dahil sa pagkirot na naman ng aking ulo. No, no. That can't be. Mali iyon. Maling mali.

Napagdesisyunan kong maligo na, maybe the cold water would calm my racing heart. And my throbbing head too. Tumapat ako sa ilalim ng shower at hinayaang dumausdos ang malamig na tubig sa aking ulo patungo sa aking katawan. Pero hindi pa rin nito napa-tigil ang aking utak sa pag-alala sa mga nangyari kagabi.

It's because of the alcohol. Masyado lang sigurong nadala ang aking sistema dahil sa dami ng nainom ko kagabi. I mean, I wouldn't kiss Achilles back if I'm sober and sane, would I? That's crazy and I'm still on the right mind.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon