Chapter Sixteen

98.5K 1.4K 28
                                    

Chapter Sixteen

Date

Hirap akong bumangon kinabukasan. Hindi ako makatulog kaya naman paikot-ikot ako sa lapag. O kaya naman ay naka-titig lang sa kisame at pader ng kwarto. Ilang beses kong pinilit matulog pero wala, ayaw talaga. Ang resulta? Dalawang oras na tulog lang at sakit ng ulo.

Kung ako lang ang masusunod ay hindi na ako papasok ng opisina. Pero nakakahiya naman kay Sir Jerome. It's only my second day as his secretary tapos aabsent ako agad? That's not a good thing. Kaya naman pinilit ko ang sarili kong bumangon at maligo.

Habang nagbibihis ay nagbalik ang isip ko sa nangyari kagabi. Shit talaga! That devil Achilles! Siya ang may kasalanan kung bakit hindi ako naka-tulog!

Matapos magsalita ni Achilles kagabi ay napatahimik ako. Gusto niyang makuha ang aking atensyon? Pero bakit? Gusto ko siyang tanungin ngunit hindi ko nagawa. Sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay wala akong ibang inisip kung hindi ang makawala sa yakap niya.

He released me after seconds of staring into my eyes. Agad akong lumabas ng kanyang kwarto at patakbong nagtungo sa akin. Napa-upo ako sa sahig tsaka hinawakan ang dibdib ko. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso. Hindi ko malaman kung bakit.

Nahiga na lang ako at kinumbinsi ang sariling matulog. Pero ang daming pumapasok sa aking isipan kaya hindi ako magawang dalawin ng antok. Gulong gulo ako kay Achilles. Sa mga ipinapakita niya sa akin. It's like..he cares. Should I believe that?

"Honey, good morning."

Napa-talon ako sa boses na iyon. Shiz, muntik ko ng mahulog ang hawak kong pinggan! Mabuti na lang at hindi ko pa iyon gaanong naangat kaya sa dishwasher nahulog.

Pagharap ko, sumalubong sa akin ang bagong ligo na si Achilles. Naka-longsleeves siya na kulay itim, nakatupi hanggang siko, at itim na slacks. Hawak niya sa isang kamay ang kanyang cellphone habang sa kabilang braso ay naka-sabit ang kanyang coat.

Napagtanto kong naka-titig na pala ako sa kanya kaya muli akong tumalikod. I busied myself with the dishes na hindi ko nahugasan kagabi. God, dahil pa rin kay Achilles kaya nakaligtaan ko ito!

"I said, good morning."

Muli akong napa-talon nang tumabi sa akin si Achilles at binangga ako ng konti. Amoy na amoy ko dito ang kanyang pabango na gamit niya pa simula nung college kami. The scent is so manly pero hindi nakakasulasok.

"Uhm." I cleared my throat "Morning. Kumain ka na dyan."

Ang akala ko ay lulubayan na niya ako, pero hindi. Ano na naman ba ang pakay nito? Nanatili siya sa aking tabi kaya nag-angat na ako ng tingin sa kanya.

"Ano? Umupo ka na, Achi." I point the chair with my lips.

Kumunot ang kanyang noo at inilagay niya ang dalawang kamay sa bewang niya "Are you okay, Win?"

"H-ha? Ako? Oo naman." pilit akong tumawa at pinunasan ang mga kamay ko sa towel "O siya. Ikaw na ang bahala dyan ah. Alis na ako. Bye!"

"Winiata, wait--"

Kumaripas na ako ng takbo papuntang living room para kunin ang mga gamit ko. Pagtapos ay lumabas na ako ng bahay at agad na nagtungo sa bus station.

Itinapat ko ang aircon sa akin pagkaupo ko sa bus. Leche, bakit ko ba kasi naisipang takbuhin mula bahay papuntang istasyon? Grabe parang nawalan ako ng oxygen sa katawan dahil sa sobrang hingal! Medyo pinagpawisan pa ako kaya naman todo tapat ako sa aircon.

Bandang seven forty-five ay dumating ako sa coffee shop upang i-order ng kape sa si Sir Jerome. Natataranta na ako dahil kinse minutos na lang at magaalas otso na. Kailangan ko ng pumunta ng building dahil baka maunahan ako ni Sir!

Stuck With The BillionaireWhere stories live. Discover now