Chapter Fifty Eight

111K 1.7K 86
                                    

Chapter Fifty Eight

Everything

Parang saglit na tumigil ang mundo ko sa aking narinig. Hindi makapaniwala ang buo kong sistema sa binitawang mga salita ni Achilles. I froze. I was dumbstrucked. Nanatiling naka-awang ang bibig ko, hindi malaman ang dapat sabihin.

Did he.. did he really ask me to marry him? Seryoso ba siya sa kanyang sinasabi? Hindi ako makapaniwala. Imposible. Si Achilles.. inaalok ako ng kasal? Si Achilles na minsan ng naiwan sa altar at kailan ma'y hindi na tumapak pa sa simbahan.. gustong sumubok muli at baliin iyon para lang sa akin?

Bumalik ang mga mata ko sa kahon sa aking kamay na naglalaman ng singsing. It's a white gold band with a small diamond studded at the center. Napaka-simple noon ngunit napaka-ganda. It's the prettiest thing I've seen ever. Hindi ko alam pero muli akong naiyak dahil lang doon.

I tore my gaze and stared at the gorgeous man sitting beside me. His eyes were full of hope and anxiety. Hindi rin niya maitago ang maliit na ngiti na umuusbong sa kanyang labi. Am I ready to marry this man? Or is he ready to marry me? I don't know.. Naguguluhan ako. Oo o hindi lang sagot pero walang rumerehistro sa aking utak.

I bit my lip and with my trembling fingers, I closed the ring box. Kinuha ko ang kamay ni Achilles at inilapag iyon sa kanyang palad. Hindi ko kayang tumingin sa kanya pero naaaninaw ko ang unti-unting paglaho ng kanyang ngiti at napalitan ito ng pagkabigo. My heart broke.

"I can't, Achilles.. I'm sorry."

Yumuko ako dahil hindi ko na kayang makita ang kanyang reaksyon. Parang may kung anong pumipiga sa puso ko dahil sa mga binitawan kong salita. Gusto kong bawiin ang mga iyon.. Ngunit iyon ang tama. Kahit masakit sa akin, tama lang ang sinabi ko.

"Why.. " his voice quivered "Why not, Win?"

Suminghap ako dahil sa bara sa aking lalamunan "Nagiging padalos-dalos ka. Hindi tama na alukin mo ako ng kasal lalo na at ganito ang sitwasyon, Achi. Nagkasakitan tayong dalawa, marami tayong mga pagkakamaling nagawa na nag-iwan na ng marka sa atin.. You can't expect me to say yes to you in a heartbeat."

"Hindi ako nagiging padalos-dalos, Win. I'm ready to marry you.. I want to marry you. Because I love you and I can't bare to lose you again. And I'm going to be the father of our child, I want to be there for the two of you because you're my responsibility. This is my assurance, I'll give you both my name.. you and the child you're bearing. Hindi ko na kayang mawala ka pa uli sa akin.. baka hindi ko na kayanin."

Patak ng patak ang mga luha ko habang tinitignan si Achilles, puno ng pagsusumamo ang kanyang tinig at ekspresyon. What am I going to do with this man? I love him so, but I don't think I can marry him yet. Not with the situation we are into.

"No, Achilles. You're just scared. Kaya mo gustong matali ako sa'yo dahil takot ka lang na umalis ako uli. I understand, ito na ang pangalawang beses na naiwan ka. I'm sorry for running away and I won't do it again. Iyon ang panghawakan mo sa akin, hindi na ako aalis at hindi kita iiwanan. 'Wag ka rin mag-alala, hindi ko ipagkakait sa'yo ang pagiging ama mo sa anak natin. I'll let you be with us in every step. Hindi mo ako kailangang pakasalan para lang sa bata."

Nagtangis ang kanyang bagang ngunit ilang saglit lang ay nawala rin "Hindi kita papakasalan para lang doon, Winiata. My reasons are deeper than that, I can't even find the words to express how badly smitten I am with you. 'Wag mong isipin na papakasalan kita dahil takot ako o dahil sa bata because clearly, I came here without that knowledge but I still have the ring with me."

I gaped "Y-you.. what?"

"Iyon ang dahilan kung bakit ko isinauli ko Liz ang singsing. I wanted to buy a new one for you and ask you to marry me. I was planning on having dinner the next day and then I'd propose.." umiling siya sa mapait na naisip niya "I want to marry you because I love you and I don't want to let you go. I want to marry you because after a long time, I'm ready to spend the remaining days of my life with someone.. with you. I'm ready to bind myself to you and be yours, in heart, body and soul. I can see the future with you and me on it, Winiata. Ngayon ko na lang uli naramdaman ito."

Stuck With The BillionaireWhere stories live. Discover now