Chapter Twenty

97.2K 1.3K 57
                                    

Chapter Twenty

You're My Responsibility

His eyes.. His sincere eyes.. Gosh! Maski pumikit ako o dumilat iyon pa rin ang nakikita ko! Ano ba itong nangyayari sa akin at bakit hindi ko maalis sa aking utak iyon?! Ah, mababaliw na ako, kaunti na lang!

"Ayaw mo ba ng pagkain?"

My senses came back when Jerome spoke. Umismid ako tsaka hinawi ang aking buhok. Jusko, Achilles! Lubayan mo ang isip ko!

"H-ha? Gusto." inangat ko ng bahagya ang gilid ng aking labi "B-bakit?"

Inilapag niya ang tinidor sa pinggan "You're not touching it. You want to order another one?"

"N-nako, hindi!" I laughed nervously as I waved my two hands "Nagdasal kasi muna ako kaya hindi ko pa ginagalaw. Alam mo na, kailangan magpasalamat kay Papa God!"

Agad ko na lang hiniwa ang waffles ko at kinain. Saan nanggaling iyon? At magdadasal, sampung minuto? My goodness, sana bumuka na lang ang lupa at lamunin ako! Nakakahiya!

Kasalukuyan kaming nagbebreakfast ni Sir Jerome sa restaurant sa 3rd floor ng hotel na aming tinutuluyan. May conference na naman mamayang nine ng umaga kaya ngayong 7:30 pa lang ay kumakain na kami.

Ipinagpatuloy ko ang paglantak sa Fruits and Waffles na inorder para sa akin ni Sir para maipakita na gusto ko ito. I really liked it, gutom kasi ako at nakakatakam ang waffles ngunit sadyang nababagabag lang ako sa nangyari kagabi. I couldn't remove Achilles and everything he said out of my system.

Napansin kong nakatitig sa akin si Sir Jerome kaya nginitian ko siya. Sinuklian naman niya iyon ng ngiti tsaka sumimsim sa kanyang tasa.

"How's your sleep last night? Kumportable naman?" tanong niya pagtapos uminom.

Muntik na akong mabilaukan sa pagkabigla. Shit, hindi ko ma-imagine kung nalunok ko iyong malaking piraso ng mangga! Kinabog kabog ko na lang ang dibdib ko habang umiinom ng tubig.

"Sorry." mahina kong sabi tsaka lumunok "Uhm, nakatulog naman ako ng maayos. Hindi nga lang ako sanay ng naka-aircon."

Lie. I didn't sleep well last night. Sino ba namang makakatulog sa mga pinagsasabi ni Achilles, 'di ba? Paulit-ulit ang mga iyon sa utak ko na parang sirang plaka. Kahit na lumipat ako sa couch upang doon matulog ay wala, hindi pa rin umubra.

Pagtapos ng breakfast, bumalik kami sa kanya-kanyang suite upang gumayak na. Pagdating doon ay wala akong naabutang demonyong natutulog sa kama. Saan kaya nagpunta si Achilles? Baka umalis na. Wala na rin ang kanyang bag dito e.

I sighed. Mabuti naman. Hindi ko ata maatim na makisalamuha sa kanya ngayon. Not with what he said last night. Naligo na lang ako at isinuot ang kulay itim na dress at flats.

Sakto lang ang dating namin sa function hall dahil magsisimula pa lang ito. Muli kaming naupo ni Jerome sa inupuan namin kahapon dahil maganda ang pwesto at kitang-kita ang lahat. Inilabas ko agad ang notepad ko para magtake down ng notes.

In the middle of the meeting, I felt my phone vibrated. Palihim ko iyong kinuha at tinignan kung sino ang nagtext.

From : Achilles

You look lovely.

Kumunot ang noo ko at mabilis na nilibot ang paningin sa buong lugar. I'm sure Achilles is here, somewhere. Inisa-isa ko ang mga tables hanggang sa makatagpo ko ang kanyang mga mata.

Naka-upo siya sa bandang dulo ng hall, with a girl beside him that looked like his secretary. Parang hari lang siyang naka-upo doon, walang pakialam sa pinag-uusapan sa meeting at naka-hawak sa kanyang cellphone. He grinned at me and winked.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon