Chapter Fifty Three

89.3K 1.3K 87
                                    

Chapter Fifty Three

On My Own

I stared blankly ahead, wondering what destiny's fucking playing at. I also wondered what I must've been in my past life.. kung bakit ganito ang nangyayari sa akin ngayon. Bakit ako pinapahirapan ng ganito? Bakit para akong pinaparusahan?

Was I evil? Did I do horrible things that now, karma has finally arrived and has wrapped its clawed hands around my neck?

Diniinan ko ang pagsapo sa aking tyan, hindi pa rin makapaniwalang may buhay sa aking sinapupunan. I'm pregnant.. I have a baby inside me.. And I don't want this. Not now. It's just.. too soon. Twenty three pa lamang ako at isa na akong ina? Ano ang alam ko sa bagay na ito?

And my baby's father.. Oh God! Paano na ito? Si Achilles.. How would he react about this? How would I tell him? Would he be happy? But then.. hindi nga pala niya ako mahal.. Ibig sabihin ay hindi rin niya mahal ang magiging anak namin. Hindi niya ito matatanggap. Mas lalo akong naiyak sa naisip kong iyon. My life is such a huge mess!

"Miss Gonzales?" inagaw ng doktor ang atensyon ko at inayos ang kanyang salamin "It's gonna be alright, sweetheart. Alam kong shock ito para sa'yo dahil bata ka pa at hindi mo ito inaasahan. You'll get through this, don't worry." inabutan niya ako ng tissue.

Gusto ko siyang sigawan para sabihin na kailan man hindi na ito magiging maayos. Na hindi ko ginusto ang batang ito. I do want to have kids but not at the moment. Masyado na akong maraming pinagdadaanan tapos ay dadagdag pa ang batang ito sa mga dalahin ko.

Pinunasan ko ang luha sa gilid ng aking mata at pilit na tumango sa doktor. She gave me a sympathetic smile in return and scribbled some things on her pad.

"Kanina ka lang ba nagsuka o palagi itong nangyayari?" she asked me gently.

"K-kanina lang po.."

She nodded "Didn't you experience other symptoms? Hindi ka ba nahihilo, lumalakas kumain o nagkakaroon ng cravings sa pagkain?"

"Minsan nahihilo. Tapos madalas akong antukin. Pero akala ko po.. akala ko pagod lang dahil sa trabaho ko. Hindi rin naman ako malakas kumain.. mas nabawasan pa nga." I bit my lip. That explained why I was feeling a little off the past days.

"You're definitely pregnant, Miss Gonzales. Lahat ng kinuha mong pregnancy test ay positive at base na rin sa mga sintomas. I must say, three to four weeks. Pero kailangan natin maka-sigurado at ma-check kayo ng baby mo kaya I suggest you come to my clinic tomorrow or whenever you're free this week."

Sa lahat ng kanyang sinabi, tanging ang katotohanan na buntis ako ang aking narinig. No.. I can't be pregnant. No.. No.

"For the mean time," inabot niya sa akin ang isang piraso ng papel at magazine mula sa bag niya "I prescribe you some vitamins for you and your growing baby, and milk. Here's a magazine, too, so you can be enlightened about your pregnancy, the things you should and shouldn't do and the likes. Sana lakasan mo na rin ang food intake mo kasi dalawa na kayo ngayon at para maging healthy kayo pareho. More veggies and fruits. Kung maaari rin, umiwas ka sa stress dahil nakakasama ito sa bata."

I absentmindedly nodded. Paano ko maiiwasan ang stress kung napaka-rami kong pinoproblema? This child I'm bearing.. his dad.. everyone. Ano na lang ang sasabihin ko sa mga tao kapag tinanong kung sino ang ama ng anak ko? How am I suppose to tell them that the father of my child was in love with somebody else? That this baby was just an accident?

Nakikita ko sa aking isipan ang isang batang patakbo-takbo sa buong bahay. He had this dark unruly hair that matched his dark eyes. Mayroong ibang kinang ang kanyang mga mata kapag ngumingiti o kahit umangat lang ang gilid ng labi nito. He looked like someone I knew well. He looked like his dad.. He looked like Achilles.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon