Chapter Twenty Six

90K 1.2K 63
                                    

Chapter Twenty Six

Saved

Nanatili kami sa ganoong posisyon ni Achilles hanggang sa naging banayad ang kanyang paghinga. It's been hours already. Wala akong magawa sa aking pwesto kung hindi ang titigan ang mukha niyang mala-anghel kapag tulog at ang pakiramdaman ang pagangat-baba ng kanyang dibdib.

Would he call Liz's name again? Hindi ko alam ngunit kinabahan ako sa naisip kong iyon. Ayokong marinig. Hindi ko kayang marinig. Sa naka-lipas na dalawang taon ay ngayon ko na lang uli narinig na tinawag ni Achilles ang pangalan na iyon. It somehow gave me goose bumps all over.

I guess he's thinking of her. Dreaming, even. Hindi naman niya kasi basta-basta binabanggit ang pangalan ni Liz. It's like a curse for him.. for us. Kahit walang verbal agreement ay napagkasunduan naming 'wag banggitin ang kanyang pangalan. For both of our sakes. For us not to remember the painful past.

"Achi.. hindi mo pa rin ba siya makalimutan?" mahina kong sambit "Siya pa rin ba?"

Tinikom ko ang aking bibig nang gumalaw si Achilles. Akala ko ay nagising siya pero ibinaling lang niya ang kanyang ulo sa kanan. He's still sleeping peacefully, with his lips slightly parted.

I sighed "I'm sorry, Achi. I really am."

Dahan-dahan kong inalis ang kanyang mga braso sa aking bewang at umalis sa kanyang ibabaw. Niligpit ko ang lahat ng ginamit kanina bago ako lumabas sa kanyang kwarto. Napagdesisyunan kong maglinis na lang ng buong bahay habang tulog pa si Achilles.

Night came and he still had fever. Hindi na ganoon kataas katulad kanina ngunit mainit pa rin siya. Gusto ko na ngang tumawag ng doktor upang ipatingin siya ngunit ayaw naman ni Kamahalan. Aniya'y lagnat lang iyon bukas na bukas ay mawawala rin. Sumuko na ako sa pagpilit sa kanya at pina-inom na lamang siya ng gamot.

"Seriously, Win." sabi niya habang pinagmamasdan ako "The bed's too big for the both of us. Bakit sa sahig ka pa matutulog?"

I made face "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi nga ako nakaka-tulog sa kama?"

"You did earlier." he smirked. Obviously, hindi niya alam na hindi naman ako natulog kanina. Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglatag.

Tinapik niya ang kama "Come on, honey. I promise I'll be a good boy. I won't do anything to you."

"E kung binibigwasan kita dyan, Silvero?" Pinanliitan ko siya ng mga mata.

Tinawanan lang niya ako na parang may nakakatawa sa aking sinabi. Pinigilan ko ang aking sarili na batuhin siya ng unan dahil naalala kong may sakit nga pala siya. Hindi ko na lang siya pinansin at tinapos ang pag-aayos ko ng aking higaan.

Because he still got fever, naisip kong dito na lang matulog sa kanyang kwarto para mas mabantayan ko siya, tsaka para rin mapabilis ang pagpapainom ko sa kanya ng gamot. Hindi iyong magmumula pa ako sa aking kwarto at pabalik-balik, mas nakakapagod iyong kumpara dito na isang hakbang lang.

"Are you really sure?" Dumungaw si Achilles mula sa kama at ngumisi "Hindi ko pa binabawi ang offer ko."

"Ugh! Matulog ka na nga!" inirapan ko siya bago tinalikuran ng higa.

Ilang sandali lang ay naging tahimik na ang paligid. Naka-tulog na siguro iyon. Ipinikit ko na rin ang aking mga mata dahil kakailanganin kong sagarin ang bawat minuto para matulog. Ayokong pumasok bukas ng wala na naman sa aking sarili.

Oras-oras ay gumigising ako upang i-check kung nilalagnat pa ba siya. Bandang alas-tres ng madaling araw ay naka-hinga ako ng maluwag nang makitang normal na ang kanyang temperatura. Gumapang ako pabalik sa sahig at hinayaan ang sarili kong matulog sa iilang oras na natira.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon