Chapter Forty Six

102K 1.5K 63
                                    

Chapter Forty Six

I Love You

I heard collective gasps and applauses from the people. Kita ko rin mula rito ang malawak na ngiti nina Tito Albert at Tita Luisa habang pumapalakpak kasabay ng iba. Ang katabi ko namang si Achilles ay naka-ngisi at halatang galak sa kanyang sinabi. Hinapit niya pa ako palapit sa kanya at hinalikan ang gilid ng ulo ko.

At ito ako, tulala at hindi makapaniwala. Umawang ang bibig ko ngunit tinikom ko rin agad at tumingin na lang sa ibaba. Nanliliit ako dahil lahat ng tao ay nakatingin sa amin.. sa akin. Shocks!

Napag-alaman kong nasa luncheon pala kami ng SMI kasama ang mga stockholders at board members nito. It's a monthly habit, sabi niya. Naglibot si Achilles sa mga mesa upang batiin ang mga bisita, with me in tow.

They would congratulate us and say that we look great together kapag nakaka-usap kami. Ipinakilala niya sa akin ang mga ito ngunit hindi ako makapagsalita, puro ngiti at tango lang din ang nasasagot ko. Wala na kasing ibang rumerehistro sa utak ko.. maliban sa ipinahayag ni Achilles kanina.

Girlfriend niya ako. I'm Achilles Silvero's girlfriend. The billionaire's. It came from his own lips and said it to everyone here. Pero paano nangyari iyon?

"Oh, lovely!" tumawa ang sopistikadang babaeng kausap namin "Where have you two met, anyway, Achilles?"

"We went to the same college, Madame Velasco. We also belong to the same group of friends," sagot nito tsaka tumingin sa akin "Right, honey?"

Nabalik ako sa ulirat dahil doon "Uh, o-oo. Opo, Madame."

"That's good, that's good," tumango-tango ito "I bet you know that he's been hurt before? Nai-kwento mo ba sa kanya, Achilles, na muntik ka ng ikasal?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabing iyon ni Madame Velasco. Shit, bakit kailangang ipasok iyon sa usapan? This would spoil the moment!

Sinulyapan ko si Achilles upang makita ang kanyang reaksyon. He's keeping his cool but obviously taken a back. Nag-iigting ang kanyang panga kahit na naka-angat ang gilid ng kanyang labi. I grimaced. Wala na..

"Yes," sabi nito "She knows, Madame."

"Kung ganon, you know what to do, hija. You should treasure this man. Hindi mo alam kung gaano ka ka-swerte. He's handsome, responsible, smart.. what more can you ask for? Don't let him get away from your hands. Grasp him, 'kay?" kumindat ang matanda sa amin at tumawa.

Pinilit kong ngumiti at tumango, kahit sa totoo ay gusto ko ng tumakbo paalis. Pero nagulat ako ng tumawa rin si Achilles at hinawakan nang mas mahigpit ang kamay ko. He's not.. mad?

"I'd say, it's the other way around. I should be the one treasuring her. Mas maswerte ako sa kanya." aniya kay Madame sabay sulyap sa akin at ngiti.

My heart swell with joy because of what he said and did. Hindi ko akalaing babalewalain na niya ang bagay na iyon. I thought.. he'll go berserk dahil ayaw na ayaw niyang pag-uusapan ang kasal na naudlot. Akala ko magagalit na naman siya sa akin dahil ako ang may kasalanan. Seems like everything has changed. This means he's forgiven me and his feelings were true, right?

Pagtapos batiin lahat ng bisita ay bumalik na kami sa gawi ng kanyang mga magulang. Tinapik-tapik ni Tito Albert ang balikat ni Achilles at halatang proud sa anak. Si Tita Luisa naman ay panay ang ngiti sa aming dalawa. We sat on the vacant chairs beside them.

"Finally, you're together now!" masayang sabi ni Tita Luisa at kinuha ang kamay ko "I've been eyeing you two ever since, darling. I know you suit each other, alam kong sa'yo lang sumusunod si Achilles. I'm glad my son took the courage to pursue you. Now you're really part of our family, Win."

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon