Chapter Six

103K 1.7K 50
                                    

Chapter Six

Sekretarya

Paggising ko kinabuksan ay nahirapan akong idilat ang mga mata ko. Kinapa ko ang aking cellphone sa ilalim ng kama habang nagkukusot ng mata. Napamura ako nang makitang six na ng umaga! Agad akong nagtungo sa banyo para maligo.

Hindi na ako naka-pili ng susuotin. Basta dinampot ko na lang ang nasa bukana ng closet, isang creme na button down at slacks. Mas pinagtuonan ko ng pansin ang mukha ko. Medyo mugto kasi ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kagabi na nakatulugan ko na. Nilagyan ko na lang ito ng concealer na halos hindi ko ginagamit. Ayoko kasing may makapuna sa mga mata ko.

Tsaka ko lang naalala si Achilles. Gising na ba iyon? Hindi pa ako nakakapagluto! Binitbit ko na ang bag ko at bumaba sa dining room na naabutan kong walang tao at malinis na.

Nagtaka ako. Asan na ang mga kalat kagabi? Napa-iling na lang ako at nagtungo sa living room. Mas lalo akong nagtaka dahil malinis din iyon! Wala na 'yung mga bote ng beer at bag ng chichirya. Sino ang naglinis? Si Achi? Ang imposible naman ata!

Lumapit ako sa bintana at sinilip ang garahe. Wala na ang kotse ni Achilles doon. Ang ibig sabihin ay naka-alis na siya? Ang aga naman ata? At hindi man lang ako ginsing? Anong kinain nun?

Bumalik ako sa kitchen na dala-dala ang mga katanungan na iyon. Kukuha na sana ako ng tasa para magtimpla ng kape nang mapansin kong may nakatakip sa counter.

Hindi na ako nakapagsabi na may flight ako papuntang Cebu ng 5am. I didn't wake you 'cause I know you're tired. I made you breakfast :) Hope you like it.
-Achi

Kunot noo kong tinitigan ang note habang kinakain ang ginawa niyang sandwich. In fairness, masarap siya. At ano naman kaya ang naisip ni kamahalan para gawan pa ako ng umagahan?

I smiled at the thought. Naramdaman ko rin ang paglundag ng puso ko.

Pahirapan ang pagsakay sa bus dahil rush hour na. Kinailangan ko pang pumila ng matagal bago makasakay. After thirty minutes ng byahe ay nakarating na rin ako sa opisina.

"Win!" Tawag ni Suzy pagpasok ko ng department "Bakit ngayon ka lang?"

"Tinanghali kasi ako ng gising." Tumingin ako sa relo ko bago naupo "Hindi pa naman ako late, 'di ba?"

Ngumisi siya tsaka naupo rin sa tapat ko "Hindi pa naman."

Tinagilid ko ang ulo ko. Something's wrong with her. Pala-ngiti si Suzanne, oo, pero parang may kakaiba sa kanyang ngiti ngayon.

"What?" Kinapa kiya ang kanyang mukha nang mapansing tinititigan ko siya "May dumi ba?"

"Wala. Nagtataka lang ako kung bakit ganyan ka maka-ngiti. Tell me, Suzy. May lovelife ka ba?"

Humalakhak siya. As in iyong tawa na nakikita na ang ngalangala niya. Napa-tingin na sa gawi namin ang ilang office mates namin kaya pinasakan ko ng tinapay ang bibig ni Suzy. Natigil naman siya doon at nginuya ang tinapay.

"Wow!" muli siyang ngumuya "Ang sarap naman, Win! Meron pa ba?"

Tinulak ko sa gawi niya ang tupperware. Tignan mo 'tong babaeng 'to. "Oh. Iyo na lahat."

Tuwang tuwa naman niyang nilantakan ang sandwich. Kahit siya ay nasarapan sa ginawa ni señorito. Mabuti na lang din at hindi nagtanong si Suzy kung saan iyon gawa dahil hindi ko alam ang aking isasagot. Lalong hindi ko pwedeng sabihin na si Achilles ang gumawa ng mga iyon.

Speaking of Achilles, nagtatalo ang isip ko kung kakausapin ko ba siya. O itetext man lang para kamustahin at magpasalamat sa breakfast na hinanda niya para sa akin. It's the first time in years he did something like this for me. At hindi ko maipagkakaila na nakaramdam ako ng saya.

Stuck With The BillionaireWhere stories live. Discover now