Chapter Twenty Nine

82.1K 1.1K 85
                                    

Chapter Twenty Nine

Ang Pag-amin

"Te-teka!" agad kong sabi nang bumalik ako sa aking huwisyo "Bakit ako?"

Nagkibit balikat lang si Sir Jerome at ngumiti sa akin. Sina Beatrice at Jessica naman ay panay pa rin ang pagkumbinsi sa akin na sumama sa Imperial. Gusto ko ng magmura ng magmura pero pinigilan ko ang aking sarili dahil nakakahiya sa boss ko.

Bakit ba kasi naka-depende sa akin si Jerome? Pwede naman siyang pumunta roon nang siya lang since Beatrice invited him. Sure naman akong hindi siya mao-OP doon. Pero bakit kailangan pa akong idawit? Shit talaga!

Tinagilid ni Sir Jerome ang kanyang ulo "Well?"

I looked at him and bit my lip. Could I stand being with him there? Simula noong bumalik kami mula Cebu ay palagi na akong nasasaktan kapag kasama ko siya. But then I glanced at Beatrice and Jessica, they looked at me with their hopeful faces.

Pumikit na lang ako at kahit labag sa aking kalooban ay tumango ako. I covered my ears when the two girls shouted in glee and squeezed me into a bear hug. Tuluyan ng lumabas ang malutong na mura sa aking bibig dahil muntik akong matumba sa kanilang ginawa, pero natabunan ang aking boses dahil sa lakas ng sigaw nila.

"See you sa Imperial, Win, Mr. Dee!" Sabay na sigaw ng dalawa tsaka nagtungo sa elevator.

Napa-buga na lang ako ng hangin dahil sa frustration sa kanila, sa sarili ko, at sa maaaring mangyari sa Imperial mamaya. What have I gotten myself into this time?

"So.." napa-angat ako ng tingin nang tumikhim si Sir Jerome "What time are you going?"

Iba talaga ang aura niya ngayon. I sucked my breath in. He's jolly almost everytime but there's something different in his smile now. He looked genuine and radiant.

"H-hindi pa po ako tapos, Sir. Inaayos ko pa po 'yung report na inutos niyo." I tried my best to sound calm. "Siguro mga five thirty or six."

"Okay. Just tell me when you're through. I'll just make some calls in my office."

Bakit ko kailangang sabihin sa kanya? Ah, baka hindi niya alam kung saan ang Imperial. And in speaking of calls "Tsaka may tawag po pala kayo from Bantai Corporation. Ipinapatanong ni Mr. Veloso kung tuloy daw ang meeting niyo bukas."

"Tell his secretary we'll push it through. And can you please get Mr. Zamora on the line?"

"Of course," I scanned my notebook for his secretary's number and dialed it.

Nakahinga ako ng maluwag noong pumasok na si Sir Jerome sa kanyang office. Tama ba itong pinaggagawa ko? Kung bakit ba kasi hindi ako makatanggi sa mga tao. My thoughts were cut when the line was connected.

"Yes, this is Winiata Gonzales from KD Group.."

Five thirty nang matapos ako sa aking ginagawa. Kahit anong gawin kong pagpapatagal sa paggawa ng report ay natapos ko pa rin sa tamang oras. Lahat na ng delaying tactics nagawa ko--from surfing the net through my phone to going to and fro the bathroom. Naka-bisa ko na nga ata kung ilang hakbang mula sa aking desk patungo roon.

I just wanted a reason for me not to go to Beatrice's birthday. But heaven forbade it, so here I was, shutting my computer down and fixing my things.

Paglagay ko ng phone ko sa bag ay saktong tumunog ito. I immediately got it and saw it was from Achilles. Oh ngayon tatawag tawag itong lalaking ito?

"Ano?" I snapped at him as I answered his call.

"I don't think I can fetch you," naka-rinig ako ng iilang busina mula sa kabilang linya "I'm stuck in a heavy traffic, Win."

Stuck With The BillionaireWhere stories live. Discover now