Chapter Thirty Two

78.1K 1K 46
                                    

Chapter Thirty Two

Start Anew

Muling huminto ang aking kamay sa ere, ilang pulgada mula sa pinto ng opisina ni Sir Jerome. Maglilimang minuto na akong naka-tayo rito pero hindi ko pa rin magawang kumatok. I couldn't lay my knuckles on the door. I'm so.. nervous.

He won't shout at me, would he?

Bumuga ako ng hangin. Natatakot talaga akong pumasok. Sa ipinakita niya sa akin kanina sa elevator, parang bumalik uli kami sa simula. Noong mga panahong hindi niya pa ako kilala. Noong mga panahong isa lang akong simpleng empleyado na taga-Finance department. Noong mga panahong tinatanaw ko lang si Sir Jerome Dee sa malayo.

Pinilig ko ang aking ulo at pumikit. No, this isn't the time for that thinking, Win. Just freaking do it! I squared my shoulders, cleared my throat, and with his not-so-hot coffee in my hand, I lifted my other hand once again and this time, knocked softly.

"Yes?" malamig na sabi ni Sir mula sa loob.

Huminga ako ng malalim bago pinihit ang seradura. Sumilip muna ako sa maliit na awang ng pinto at tumambad sa akin si Sir Jerome na naka-tutok sa kanyang laptop. His brows a little furrowed. Mukha siyang iritable. Shit, sinasabi ko na nga ba.

Gusto kong isara na lang ang pinto at bumalik sa desk ko ngunit hindi maaari. With my heart beating so fast, I carefully entered his office. Hindi pa rin nag-aangat ng tingin si Sir Jerome aa akin kaya nanatili akong naka-tayo malapit sa may pinto.

Binuklat ni Sir ang mga papel sa kanyang tabi "Yes, Miss Gonzales?"

Lumubog ang puso ko sa narinig. Nawala na talaga ang first name basis niya sa akin. Siya ang nag-initiate nun at kahit na nandito sa opisina, kahit na Sir Jerome pa rin ang tawag ko, ay 'Winiata' ang ginagamit niya. Ngayon.. hindi na. Galit siguro talaga siya.

"Uhm," lumunok ako "'Y-yung kape niyo po, S-Sir."

"Ilagay mo na lang sa mesa," sabi niya nang hindi pa rin inaalis ang paningin sa mga papel.

Yumuko ako at pinilit kong maglakad ng ayos papunta sa kanyang desk para ilapag ang kape niya roon. Nanatili akong naka-tingin sa aking mga sapatos habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"You have anything else?"

Bahagya akong nag-angat ng tingin sa kanya. His face is back, his serious face. Ganyan ang mukhang nakikita ko noon sa kanya kaya akala ko ay suplado siya. Pero noong nakita ko ang ngiti niya, tumalbog ang puso ko dahil sa ganda noon. And don't start with his dimples. Gosh, my part of his features. Nakakalungkot lang dahil baka hindi ko na iyon masilayan pa.

"Ye-yes, Sir. Uhm, iyong schedule niyo po for t-today." dinukot ko ang maliit na papel sa aking bulsa "At nine, Sir, may meeting kayo with Mr. Yamara. Tapos po at eleven, 'yung pinapa-arrange niyong lunch meeting with Mr. Jacob--."

"Just remind me a couple of minutes before my meetings," putol niya sa aking sinasabi "You may go,"

Umawang ang bibig ko, hindi makapaniwala na hindi niya ako pinatapos. This is the first time he cut me off. At pinapaalis niya pa ako. Well, hindi naman niya sinabi pero iyon ang dating sa akin. I felt a stab on my chest and I bit my lip to prevent it from trembling.

"Yes, Sir." I whimpered and pivoted.

I hurried to the doors and made my way out without looking back. Napa-sapo ako sa aking dibdib at sumandal sa sarado ng pintuan ng opisina, pinipilit na huminga ng ayos at pinapakalma ang sarili ko.

Gosh, what was that all about? Parang ibang Jerome Dee ang naka-harap ko roon. He's do damn cold and he won't even look at me. My heart constricted at this thought. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko na sana inamin pa na gusto ko siya. Damn it!

Stuck With The BillionaireWhere stories live. Discover now