TWD 46

18 2 0
                                    


[DOROTHEA'S POV]


"Walang dapat patayin kung sumobra man sa labing-dalawa ang Zodiac Protectors. Asahan nila na malaking pagbabago ang magaganap lang sa kanila, pati na rin sa mundong ito."


Ilang beses ko na binabasa ito at hindi ko na rin nahanap ang tanong na matagal na umiikot sa utak ko.


Ano na ang mangyayari sa amin?


Patuloy ko pa rin sila binabantayan. Si Prico, kinasal na kay Sarah, hindi ko alam kung nagmamadali ba siya o wala lang siya magawa. Tinanggihan pa rin ni Sagi ang pagiging reyna dahil nasa kanya pa rin ang Element at isa siyang Sagittarius Protector. Si Ariusa naman, tuloy pa rin siya sa pangungulit kay Rustan. At si Pis, lumalaki na ang kanyang sinapupunan. 


Pero, bukod sa mga 'yon, may napapansin pa ako sa mga kinukwento nila sa'kin matapos ako bisitahin ni Pis.


"Hindi ko na alam kung ilang beses ko na napapaginipan ang babae na 'yon."


Nahinto ako sa pagsalang ng tubig nang banggitin iyon ni Ariusa, na nakahiga ngayon sa aking kama.


"Ilang araw na ba ang nakalipas?" tanong ko.

Bumangon muna siya nang inabot ko ang isang basong tubig. "Hindi ko na alam. Alam kong normal ang managinip, pero hindi normal ang panaginip ko ay patungkol sa babae na 'yon."

"Batang babae ba ang nasa panaginip mo?"

"Oo," inubos niya muna ang tubig bago siya magpatuloy. "Parang, palagi ko nakikita na umaalis ang kanyang ama para magtrabaho sa ibang lugar."


Napa-upo na lang ako sa upuan na nasa tabi lang ng aking kama. Hindi ko mapigilan na tumingin sa labas para matignan ang langit, palubog na ang araw at nagpapakita na ang buwan na kulay asul. 


"Sabi ko sa'yo 'di ba, lalaki ang magiging anak ko."

"Kailan ka pa naging manghuhula, Prico?"

"Palagi ko napapaginipan 'yon anak namin."


Prico? Nandito siya sa pamamahay ko?


Nakita ko na lang siya nasa labas ng aking kwarto, may bitbit pa na isang bayong na punong-puno ng prutas. Tumingin na lang siya sa akin at ngumiti.


"Gusto kong sabihin sa'yo na nakikita ko ang aming hinaharap, Dorothea."

"Wala naman pakialam si Dorothea sa hinaharap mo dahil ikaw naman ang haharap no'n, hindi siya," sagot naman ni Ariusa sa kanya.

"Huwag ka nga sumisingit sa usapan ng mga matatanda." Maya-maya, tumingin siya sa kanyang paanan kaya tinignan ko na rin.

"Tunawin mo na lang 'yan," matapos sabihin ni Ariusa 'yon, humiga na siya sa kama ko. "Mamaya na ako uuwi."

"Hoy, alisin mo na 'to," sabi na lang ni Prico pero, kusa naman ito natutunaw. Tumingin ako kay Ariusa, nakapikit na pala.

"Hindi ko tuloy alam kung normal lang ba iyon o may gusto na ipahiwatig ang mga bituin sa inyo," sabi ko sa kanya saka ko tinignan si Prico, tunaw na ang yelo sa paanan niya.

They Were DestinedWhere stories live. Discover now