TWD 41

11 1 0
                                    


[NIEL'S POV]


Salamat talaga sa ginawa nila para sa amin ni Sagi, malaya kami nakakapag-usap nang malapitan. Kahit naman pigilan kami ng mama ni Sagi, gumagawa ng paraan si Cercan para magkita kami.


"Isa ka talaga sa mga pinagpalad na nilalang dito sa mundo natin."


Napatingin ako sa pinto ng aking kwarto, si Vir pala 'to.


"Isa ka rin sa pinagpalad na makarating at makapasok ka sa akin silid," sabi ko saka ko tinuro ang malaking upuan na malapit sa akin kama.

"Nitong mga nakaraan araw, hindi na kita nakikita sa aming lugar. May iba ka pa bang ginagawa bukod sa magbigay ng lason at sumpa sa mga tao na nakapaligid sa'yo?"


Kumuha ako ng mansanas na nasa lamesa malapit sa akin kama at binato agad sa kanya. Pero, bago pa dumikit sa kanya ang mansanas sa kanyang leeg, tumalbog na ito pabalik sa kinatatayuan ko. Nakita ko na lang ang harang na inangat niya, sinira pa niya ang sahig ng aking kwarto.


"Sa iba mo gawin 'yan, huwag sa akin," sabi niya pero nakatalikod lang ito.

"Sa susunod, huwag na huwag mo itatanong 'yan sa akin. Lalo na't isa rin ako sa nabiktima ng sumpa nila."

Lumingon naman sa'kin si Vir, ngumisi sa'kin at umiiling. "Wala ka na magagawa tungkol diyan sa sumpa na nakuha mo."

"Mas maganda na manahimik ka kung ayaw mong ibahagi sa'yo ang lintek na sumpa na mayroon ako ngayon."


Hindi na siya nakapagsalita matapos kong sabihin 'yon. Tumayo na lang ito at dumungaw sa bintana.


"May kapangyarihan ka naman gamit ang Element, ayaw mong alisin 'yan sa buhay mo?"


Mukhang wala pa ata siya nalalaman, ah.


"At saka, bakit ang daming tao pala sa bakuran niyo?" tanong pa niya sabay tumingin sa'kin para ituro ang bintana. "May piyesta ba rito?"


Dahil na rin sa pagtataka, lumapit na rin ako sa bintana para silipin ang nagaganap doon. 


"Gusto masaksihan ng mga tao rito kung pa'no mapupugutan ng ulo ang nilalang na 'yan," sabi ko sa kanya.

"Ba-babae ang mawawalan ng ulo? Ano ba ang kasalanan niya?"

"Hindi siya babae, Vir. Lalaki 'yan, na nagpapanggap na lalaki. Salamat sa mahika niya, hindi naramdaman ng mga kababaihan dito ang tindig niya bilang isang lalaki."

They Were DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon