TWD 37

20 1 0
                                    


[PRICO'S POV]

"Deneb Algedli."


Sa wakas, nabasa ko na rin ang pangalan ng bayan namin. Nang dumating ako rito, naabutan ko na nasusunog ang malaking pangalan na naka-ukit sa mala-arko na kahoy dito.


"Kumusta naman po kayo, mahal na prinsipe?"


Isang matanda ang nakatingin din sa arko na 'to, saka naman siya tumingin sa akin at ngumiti.


"Maayos naman po ako. Kayo po?"

"Naku, mabuti naman ako mahal na prinsipe. Lalo na't ligtas ang aking apo mula sa mga masasamang halimaw na gustong sumira sa mundong ito."

"Apo?"

Tumango na lang ang lolo saka ito kumaway sa akin at naglakad na papalayo. Hindi ko naman kilala ang apo niya.


Trabaho kong tignan ang bawat tao rito sa bayan na 'to. Hindi ko sila gaano nakikilala dahil hindi naman ako mahilig lumabas ng palasyo. Ngayon ko lang nagawa ito dahil isa na akong Capricorn Protector. At lahat ng mga tao, alam iyon.


Nahinto na lang ako sa isang bilihan ng prutas nang maamoy ko ang maasim na prutas na matagal ko na gustong kainin bago pa ako umalis ng palasyo.


"Pinya po, mahal na prinsipe!" sigaw ng lalaking nagbabantay sa talipapa na 'to.

"Panahon ba ng anihan ng pinya ngayon?" tanong ko nang makalapit ako sa talipapa. Binati ko rin ang bawat babae na naririto ngayon.

"Sa ikalawang buwan pa ang anihan ng pinya, Kamahalan. Pero, hindi namin matukoy ng aking asawa, bigla na lang nagkaroon ng pinya sa aming hardin matapos ninyong talunin ang mga halimaw na umatake rito."


Sakto naman na lumabas ang asawa niya na... nagdadalang-tao.


"Naku! Buntis pala ang asawa mo, ginoo!" sigaw ng isang matandang babae na nasa kaliwa ko.

Bahagya napakamot sa kanyang ulo ang lalaki na 'to. "Malaking biyaya po ito sa'min. Nasagot naman po ang dasal namin na lalaki ang lumabas."

Agad naman naghiyawan ang mga babae na nasa likod ko lang.


"Ano'ng meron?"


Natigil na lang sila sa paghiyawan. Isang matandang babae ang kumalabit sa'kin.


"Kakaunti na lang po ang lalaki sa bayan na ito, mahal na prinsipe. Kaya naman kami natuwa sa lalaki na ito dahil nagdasal siya sa ilog ng Diphda na, bigyan sila ng lalaki na magpapatuloy ng kanilang lahi."

"Kayo po, mahal na prinsipe," isang matandang babae ulit ang nagsalita, "kailan po kayo magkakaroon ng asawa?"


Asawa?


Nasa tamang edad na ba ako para maghanap ng mapapangasawa?


"Kamahalan."


Bigla ako napatingin sa lalaki na 'to. Kung pagbabasehan ko ang kanyang mukha at tindig ng katawan, parang kasing-edad ko lang siya.

They Were DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon