TWD 3

62 1 0
                                    


[DOROTHEA'S POV]

Hindi lang ang kamay niya ang nabalot sa yelo, pati ang mga sanga na gumapang sa pader. Kulang na lang, lahat ng pader, balutin niya sa yelo.


"Sino ka ba?"

Ngumisi ang lalaki. "Hindi ko sasabihin ang pangalan ko hangga't hindi kayo nakakadaan doon."

 Tinuro niya ang daanan kung saan napapalibutan ito ng mga rosas na may halong lason. Unting-unti ito nababalot sa yelo ang halaman pero. . .

"May lason pa, Dorothea?"

"Oo."

Nakikita ko ang violet na usok. Posible ba na hindi ang mga halaman ang may gawa nito?

"Maniwala kayo sa akin, ligtas kayo dumaan diyan."

"Manahimik ka!"

Inangat ko siya at dinikit ko sa pader habang nababalot sa yelo ang katawan niya hanggang leeg.

Nakita na lang namin ang pagtawa niya. "Kayo talaga, ano ba kasi ang gagawin niyo kay Niel?" 

"Hindi namin pwede sabihin sa'yo." si Ariusa ang sumagot.

"Ano'ng hindi pwede? Ako si Niel."

"Kalokohan."

"Ano'ng kalokohan ang pinagsasabi mo, bata?" tanong pa niya sa akin. Kailan ba ako hindi sasabihan ng 'bata'?


"Ma-mahal na p-p-prinsi-si-pe!"


Boses ng babae ang narinig namin mula sa aming likod. May hawak siya na bulaklak na rosas din. Nakanganga siya ngayon sa nakikita niya.

"Hindi ka pwede dumaan doon," sabi ni Ariusa at tinuro ang daanan kung saan naroroon ang lason.

Umiling-iling lang ang babae. "Wa-walang la-lason di-diyan."

Bakit ba nanginginig 'to?

"Nasaan si Niel?" agad ko naman tinanong sa kanya 'yon.

Hindi siya nakapagsalita. Pero, may tinuro siya kaya sinundan namin iyon. At. . .


Nakaturo siya sa lalaki na 'to.


"Si-siya po a-ang pi-prinsi-si-si-pe ng b-bayan na-na 'to."


"Ha?!"


"Si-siya p-po si-si-si Ni-niel."



* * * 

"Uso kasi magsabi ng pangalan, ha, 'no?"

Nakita ko ang pagtawa ni Niel habang tinutunaw ni Ariusa ang yelo na nakabalot sa buong katawan niya. Inuna niya ang lalaki na 'to bago ang mga halaman niya. Hinuli niya ang mga armadong lalaki na, hindi na ngayon nakalutang. Kawawa naman daw kung mananatili sila sa ere.

"Pasensya na. Hindi ko aakalain na nag-uusap pala kayo ni Sagi," sabi na lang niya.

"Okay lang. Hindi ko naman alam na ikaw pala si Niel."

"Pero," aniya, "malakas ang kapangyarihan mo, binibini."

"Talaga?" tumango naman si Niel sa kanya at tumingin sa akin.

They Were DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon