TWD 19

24 1 0
                                    


[DOROTHEA'S POV]


"Ano'ng nangyari sa kanya?" tanong ko habang nakatingin kaming lahat sa reyna na mahimbing ang tulog ngayon. Nandito lang naman ako sa pinto ng kanyang kwarto.

"Napagod lang siya dahil nagamit lang niya nang todo ang kapangyarihan niya kanina." Isang lalaki ang sumagot sa tanong ko, naka-upo siya ngayon sa dulo ng kama ng reyna. Siya ang nagbuhat kay Pis mula sa palasyo niya hanggang dito.

"Imposible naman mapagod siya dahil lang sa kapangyarihan niya," sabi na lang ni Lia.

"Baka dahil sa Element, kaya siya nawalan ng malay." Napatingin ako kay Vir nang sabihin niya 'yon.

"O, baka naman nagdadalang-tao na siya."

"Hoy, Cercan."

"Ano na naman, Arose?" tanong ng reyna sa kanya. Si Arose pala ang lalaki na 'to na naka-upo sa dulo ng kama.

"Hindi siya nagdadalang-tao."

"Paano ka nakakasiguro?"

"Paano ka rin nakakasiguro na may bata riyan sa sinapupunan niya?"

"Naku po, tumigil na nga kayong dalawa." Si Prico na ang sumaway sa kanila.

"Baka nga nagdadalang-tao ang reyna ngayon."

Napatingin ako kay prinsesa Sagi, ganoon din sila. "Ganyan kasi ang nanyari kay Mama noong ako ang nasa loob ng sinapupunan niya. Kasabay pa no'n na isa siyang Sagittarius Protector."

"Nanghina rin siya?" tanong naman ni Arose.

"Oo. Kaya, lahat ng kasamahan niya, todo ang pagbantay sa kanya pati na rin sa kalagayan ko."


Patay kami nito. Hindi ko alam kung kakayanin ba makipaglaban ng reyna mula sa mga magiging kalaban nila.


"Sinabi ba niya sa'yo ang dahilan kaya ayaw niya maging Protector?"

Nang tanungin iyon ni Leo, agad naglabas ng apoy si Arose. Kasabay no'n, nakita ko na may binuo na kamao na hinulma sa tubig si Cercan.

"Subukan niyo mag-away sa kwarto na 'to, ako ang papatay sa inyo," aniya.

Nawala agad ang apoy sa kamay ni Arose, kaya naman nawala na rin ang kamao ni Cercan saka niya tinignan ulit ang reyna.

"Pasensya ka na Dorothea sa mga 'yan," napatingin na lang ako kay Niel na nasa tabi ko ngayon. Humakbang ako ng isa papunta sa kaliwa.

"B-bakit naman?

Huminga ito siya nang malalim. "Ayaw nila sa isa't-isa. Dahil lang sa ginawa ni Arose sa pamilya ni Leo noon."

"Hoy halimaw, ang daldal mo." Tumingin agad si Leo sa pwesto namin. Ang lakas naman ng pandinig nito.

"Isa pa 'yan, Pis. Malakas din ang pandinig ni Leo kaya mag-iingat ka palagi sa kanya, ha?" tumingin ako kay Niel matapos niyang sabihin 'yon, nakangiti pa siya sa akin.


Kasama ba sa trabaho ko ang alamin ang pagkatao nila? Si Ariusa lang ang kaibigan ko rito.


Ay, teka, gising na ba ang iba?


"May problema ba, Dorothea?"

Napatingin ulit ako kay Niel, "ah wala naman. Titignan ko muna ang iba pa natin kasama." Pagkatapos, lumabas na agad ako ng kwarto ng reyna.


They Were DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon